Six: Yakap

10 0 0
                                    

-----

Maaga kaming bumalik ng Manila kinabukasan, may tumawag kasi kay Sam. Nagkaroon daw siya ng biglaang appointment. Ayaw ko mang umalis pa sana, pero sumama na din ako. Ayoko din naman matambakan ako ng trabaho.

"Ayos ka lang ba? Parang ang lamlam ng mata mo." nasa tapat na kami ng building ng pinagtatrabahuhan ko. Doon na lang ako nagpahatid pansamantala para sana makapag gawa pa ako ng leave letter at mafile yon para mabayaran.

"Oo." sagot ko pero ang totoo ang bigat ng pakiramdam ko, maging ang ulo ko. "Tulog lang ang katapat nito." pilit akong ngumiti.

"Pasensya na ha."

"It's okay. Nag enjoy naman ako. Sige na, ingat ka."

"Hindi pa naman ito ang huling beses di ba?" pinagmasdan ko ang mga mata niya, may pangamba akong nakikita roon.

"Oo naman! Magde date tayo ng madamibg beses." hindi siya kumbinsido pero ngumiti ako. Bahagya siyang ngumiti.

"O sige, tawagan nalang kita pag nagkaoras ako." tumango ako. Bahagya akong nakaramdam ng lungkot. Aaminin kong mamimiss ko siya, kahit na puro iyak ang ginawa ko sa Batangas hindi ko maitatangging naging masaya ako kahit na panandalian lang iyon.

"O sige." nakangiti ko pa ring sagot. Nagulat pa ako nang lumapit siya at bigla na lang akong yakapin. Ang sarap sa pakiramdam ng mainit niyang katawan. Parang umalwan ang pakiramdam ko.

"Mamimiss kita Jaja." bulong niya, ramdam ang sinseridad. Kung pwede ko lang hilingin na sana dito na muna siya pero hindi pwede. Ngumiti ako, ako din. Mamimiss kita. Hindi ko na naisatinig pa. "Paano? Aalis na ako." kumalas na siya sa pagkakayakap. Pero bago pa man siya sumakay ng sasakyan muli siyang humarap saken, nakangiting kumaway kaya naman ngumiti nalang din ako at kumaway. Pinanood ko siyang sumakay ng sasakyan hanggang sa makaalis at tuluyang nang mawala sa paningin ko.

Papasok na sana ako sa loob ng building nang para bang biglang umikot ang paligid ko. Napasalampak ako sa semento, nanlalabo ang paningin ko. Ang sakit ng ulo ko! Sobrang sakit! Napahawak ako sa ulo ko, pinilit kong idilat ang mata ko, nagdidilim ang paningin ko. Hindi pwede ito.

Kahit nanghihina at hirap pinilit kong tumayo. Walang nakapansin sa sitwasyon ko dahil walang masyadong tao ng mga oras na iyon.

Pumara ako ng taxi, buti nalang at may huminto. Nagmadali akong sumakay. "Sa BCG po tayo, Lacosta Tower."

Malapit lang yun sa pinagtatrabahuhan ko kaya mabilis lang ang naging byahe. Nagpaalalay na ako sa isa sa mga staff paraakarating sa kwarto ko.

"Okay na ako dito. Salamat." sabi ko sa babaeng tumylong saken. Nagpaalam na siya at lumabas.

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko, umiinit ang pakiramdam ko pero nararamdaman ko ang pagchichill ko. Nasobrahan ako sa pagod, masama talaga saken ang sobrang puyat at pagod. Dahil sa depress ako ng ilang taon, mabilis nanghihina ang katawan ko at nagkakasakit.

Kinapa ko ang bag na nasa lamesa sa tabi ng kama ko. Nakapikit kong pinindot ang one, emergency call. Matagal nagring iyon bago nasagot ang tawag ko.

"Shayne, please pumunta ka ng condo ko ngayon. Kailangan kita, umatake na naman ang ulo ko." nailapag ko ang cp ko sa tabi ko, para bang sobra sobrang lakas ang ginamit ko para sa tawag na yun kaya hindi ko na nahintay pa ang sagot niya.

---

Naalimpungatan ako sa mabangong amoy ng pagkain. Medyo gumaan na din ang pakiramdam ko, nabawasan na ang pananakit ng ulo ko. Bumangon ako ng bahagya,

EVERYTHING IN YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon