009

360 34 107
                                    

THIRD PERSON

"Nasa'n na si Clyde?" tanong ni Night.


Ilang minuto na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin bumabalik si Clyde sa lamesa nila. Maski si Eunice ay wala rin.


"Baka magkasama sila ni Eunice," parang nang-aasar na sabi ni Teo.


Tumaas ang kilay ni Jaiden sa sinabi ng kaibigan. Napansin ito ni Teo kaya ngumisi sya. "Oh, joke lang! Selos ka agad?" natatawang ani nito.


Inirapan sya ni Jaiden. Bago pa makahirit muli si Teo ay biglang sumulpot si Clyde sa harap nila.


"Sa'n ka galing?" tanong ni Zyron sa kanya.


Binalewala ni Clyde ang tanong nito at iginala ang paningin sa lamesa, kunot ang noo. "Nasa'n si Eunice?"


"CR daw. Ikaw, sa'n ka pumunta?" si Jaiden naman ang nagsalita.


"Eh?" takang saad nito. "Bakit niyo naman pinabayaan?"


Nagsitaasan ang kilay ng mga kaibigan nya. "Huh?" tanong ni Zyron.


"Hanapin nyo muna. Babae 'yon, nasa bar tayo. Bakit nyo hinayaang mag-isa?" balisang tanong ni Clyde.


Tinignan sya ni Jaiden. "Boyfriend ka?"


Night clicked his tongue. "Now's not the time to be jealous, Jaiden."


Bago pa makapagsalita si Jaiden ay nakarinig silang lima ng malakas sigawan. Hindi ito sigaw dulot ng takot, para bang sigaw ng mga nagkakatuwaan. At hindi rin ito nagmumula sa loob ng bar sapagkat sila na lamang halos ang tao sa loob. Paniguradang sa labas ito nanggaling.


Nagkatinginan silang lima. Agad silang tumayo at lumabas ng bar upang hanapin ang pinanggalingan ng sigawan. Napatigil sila sa likurang parte ng bar. It was a bit crowded. May mga tao, specifically boys, na nagkumpol-kumpol doon.


Kumunot ang noo ni Jaiden. Kataka-taka kasing sa likuran pa sila ng bar nagkakatuwaan. What are they doing here? tanong nya sa isip.


He tried his best to make his way towards the middle. Pakiramdam nya may mali.


Nang makarating sya sa unahan ay tsaka nya nakita ang dahilan kung bakit nagkakatuwaan ang mga kalalakihan doon. There, he also saw who he was looking for.


They were holding Eunice. A drunk Eunice. A sleeping Eunice that doesn't know what's going on nor what's happening to her. They were holding his Eunice.


Dumating rin ang mga kaibigan nya at tumayo sa gilid nya, ngunit hindi nya pinansin ang mga ito. His eyes were stuck staring at the man's hands at kung saan ito nakahawak.


Napansin nina Teo na nakapako lamang ang paningin ni Jaiden sa isang direksyon. Sinundan nila ang paningin nya at nakita ang tulog na Eunice na hawak-hawak ng lalaking hindi nila kilala.


Patay. Ito ang unang salita na naisip ni Teo. Halata na mula sa postura ni Jaiden na sasabog na sya sa galit. His fists were tightly closed, his jaw clenched, and his breathing was so heavy. Galit na talaga sya.


"P're, kalma. Kukunin natin si Eunice, saglit lang." bulong ni Teo kay Jaiden. Alam nya kasing 'pag hindi nya ito pinakalma, paniguradong bubugbugin nya lahat ng lalaking nandidito ngayon. Mas malala pa sya mangbugbog kaysa kay Clyde kapag nagagalit sya.


Napansin ng lalaking may hawak kay Eunice ang matalim na titig sa kanya ni Jaiden. "Oh? Anong tinitingin-tingin mo dyan?" mayabang na tanong nito.


Hoax (VBoys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon