Season One | 001

719 46 125
                                    

EUNICE


"Grabe naman sya."


"Oo nga. Kababaing tao, naghahabol."


"Tss. Desperada."


"Hindi naman sila bagay, eh."


"Kadiri 'yang si Eunice."


"Oo nga, Eunice."


"Eunice..."


"HOY EUNICE! GISING!"


"Punyeta! Ano ba?!" sigaw ko.


Nagising ako sa malakas na bunganga ni Indigo. Leche, hindi talaga natatahimik ang buhay ko kapag nandyan sya.


"Aba! At ako pa sinisigawan mo? Thank you kasi ginising kita, ah?" irap nya.


Umiling ako.


Naalala ko ang napanaginipan ko. Tsk, ayaw ko nang balikan 'yon.


"Bakit ba kasi ang himbing ng tulog mo? Ang lakas lakas ng sounds no'ng movie, tapos nakatulog ka?" sabi nya at tinuro ang TV na pinanonooran namin ng movie.


"Ewan ko." nagkibit-balikat ako.


Umismid sya. "Ah, napanaginipan mo ulit si Ace 'no?"


Sinamaan ko sya ng tingin. "Nganga."


"Ha?" dahil sa sinabi nya ay bumuka ang bunganga nya.


I got a handful of popcorn at agad ko 'yong isinalpak sa bunganga nya.


"'Yan, para matahimik ka. Leche ka." sabi ko at ibinaling ang tingin sa TV.


Si Ace. Alalang-alala ko pa lahat ng ginawa nya sa'kin no'ng juniors pa kami. Naaalala ko pa rin lahat ng inisip ng mga tao.


"AAAAAAAH!" sigaw ko habang nakabaon ang mukha ko sa unan na hawak ko.


Napatingin sa'kin si Indigo. "Ay hala, buang ka girl?"


Inangat ko ang ulo ko at ngumuso sa kanya.


Ngumiwi sya. "'Di bagay. Mukha kang bibe." sabi nya at inalis ang tingin sa'kin.


Sumimangot ako at hinampas sya ng unan na kani-kanina lang ay doon nakabaon ang mukha ko.


"Aray, leche! Ano ba? Ako na nga lang nakakatiis sa'yo tapos hina-harass mo pa 'ko?" pang-aasar nya pa.


"Tangina ka. Tumahimik ka na lang. Nakakabanas ka." sabi ko at sumubo.


Ng popcorn.


Nagpatuloy kami sa panonood. Ang eksena na ng palabas ay ang pagbaba ng babae mula sa magarbong staircase, at sa dulo noon ay nag-aantay ang bidang lalaki. Nag-focus ang camera sa bidang lalaki at kitang-kita ang guwapong pag-ngiti nito.


Napairit si Indigo sa kilig. "Putsa, ang guwapo talaga nya!"


Umirap lang ako. "Kamukha nya si Jaiden. Kyaaa!" irit nya muli.


Si Jaiden ang ultimate crush ni Indigo. Asawa nya raw ito. Sabi ni Indigo, si Jaiden daw ang bumubuhay sa red blood cells nya at ang nagpapatibok ng ovaries nya. Ewan ko, nabuang na yata sya kay Jaiden.


"Puro ka Jaiden, nakakarindi ka." puna ko.


Tinignan nya ako. "Palibhasa wala kang crush, bruha ka!" asar nya.


Hoax (VBoys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon