012

329 37 110
                                    

EUNICE
DAY 3


"Okay ka lang ba talaga? Kahapon ka pang ganyan." nag-aalalang tanong ko kay Jaiden.


Pangatlong araw na namin ngayon dito sa resort. Wala naman masyadong nangyari sa nakaraang araw, maliban na lang sa pagbabago ni Jaiden.


Nang bumalik kasi ako sa kuwarto no'ng isang gabi, naabutan ko na syang nando'n. Nakaupo lang sa may lamesa at nakatulala. Ni hindi nga nya napansin ang pagpasok ko sa kuwarto.


"Oh, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko nang maisara ang pinto.


Pero wala, deadma. Hindi sya sumagot. Parang hindi nya narinig ang boses ko dahil hindi man lang sya gumalaw.


Kumunot ang noo ko at lumapit sa kanya. Tinuon ko ang magkabilang kamay sa lamesa habang nakatayo sa harap nya at ibinaba ang ulo ko para mahuli ang paningin nya.


"Oy, Jaiden," tawag ko.


Bigla syang napatingala sa'kin, jumping from his seat.


"Y-Yes? Why?"


Mas lalo akong nagtaka sa inaakto nya. Parang ibang Jaiden ang kaharap ko ngayon. He seemed so troubled.


"Ayos ka lang?" I asked.


He stared at me for a moment, and it felt like his eyes pierced through me and was looking at my soul. Para syang price scanner na sina-scan ako, that's how hard his eyes were looking at me.


"Jaiden?" muli kong pagtawag sa pangalan nya. Masyado nang matagal ang naging pagtitig nya sa'kin.


Minasahe nya saglit ang sentido nya bago sya tumayo at lumapit sa kama, leaving me by the dining table.


"I'm fine. Let's just sleep."


'Yon ang huli nyang sinabi sa'kin that night. Umabot hanggang kinabukasan ay lagi syang wala sa wisyo. Halatang malalim ang iniisip nya. Parang pasan na nya lahat ng problema sa mundo dahil sa sobrang daming laman ng utak nya.


Isa pang napansin ko sa kanya, lagi na nya akong tinititigan. Every chance he gets, he looks at me. Hindi nga lang 'yon basta tingin, titig talaga ang ginagawa nya. As in, matagalang titig.


Pero ito ang pinaka napansin kong pagbabago nya. Lately, Jaiden has been, uh... how do I say this?


Jaiden has been sweeter to me.


Lagi nya akong hinahawakan. Either sa kamay ko o sa baywang. Kung hindi man nya ako hawak, naka-akbay naman sya sa'kin. Ewan ko ba, parang ayaw nya na 'kong pakawalan.


Sobrang naging caring nya rin bigla. Sya na ang kumukuha ng pagkain ko, sya lagi ang nag-aasikaso sa'kin, maski ang mga bagay na ako dapat ang gumagawa, ginagawa nya na. Kulang na lang ay kargahin na nya ako sa sobrang pagiging maasikaso nya.


No'ng tinanong ko naman sya kung bakit naging ganoon sya sa'kin, ito lang ang sinagot nya:


"Sinusulit ko lang ang oras na kasama kita. We don't know how long this goes on, I just don't want to regret anything."


Nagtaka tuloy ako. Sa sinabi nyang 'yon, para namang hindi na ulit kami magkakasama after nitong reunion.


Balik sa present time, ito na naman. Nahuli ko na namang nakatitig sa'kin si Jaiden kaya nga tinanong ko ulit kung ayos lang ba talaga sya.


Hoax (VBoys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon