Season Two | 001

250 21 126
                                    

EUNICE


"Parietal, occipital, frontal... ah, shoot. Ang hirap." I muttered at padabog na binagsak ang lapis na hawak.


It has already been three months since school started. Who knew college would be so hard? Sa totoo lang, akala ko ay madali ang course na pinili ko. Pero heto, pagsasaulo lang ng skeletal anatomy ng aso ay hirap na ako. Damn, Vet Med.


"Ulit, ulit," bulong ko sa sarili at muling pumikit para mag-recite. "Parietal, occipital, frontal, maxilla—"


"Hey,"


"Puwet ng aso!" gulat na bulalas ko at napahawak pa sa dibdib. Hinampas ko ang braso ng taong gumulat sa'kin. "You scared me!"


"It shows," tawa ni Jaiden at hinalikan ang pisngi ko. He stood behind me and hugged my neck, nakadungaw sa librong nasa harap namin. "What's that?"


"Buto ng aso," tinatamad nang sagot ko. "Ayoko nang mag-aral."


"Bakit naman?" natatawang tanong niya at umupo sa tabi ko.


We were at the open area of the university. Sa area'ng ito ay mayroong mga lamesa't upuan na puwedeng-puwede gamitin ng mga estudyante. I recently made this as my study place kaysa sa library ako magpunta dahil maingay ako mag-aral.


If you didn't know, the seven of us; me, Indigo, and the boys, are studying at the same college. TSB University. TSBU for short. The meaning? Hindi ko rin alam.


Kinuha ni Jaiden ang libro at tinitigan ang picture ng dog skeletal anatomy. His eyes squinted na para bang hindi niya iyon maintindihan. Na-cute-an tuloy ako sa kaniya.


"Ano 'to?" turo niya sa buntot ng aso.


"Caudal vertebrae," simpleng sagot ko.


"Ito?"


"Humerus, radius, ulna, carpus, and metacarpus." I enumerated.


Sinarado ni Jaiden ang libro at ngumuso sa'kin. "Memorized mo naman, eh."


Natawa ako nang ma-realize ang sinabi niya. Oo nga naman. Saulo ko pala.


"Slight lang," I joked and fixed my stuff. Humarap ako kay Jaiden at hinawakan ang kaliwang pisngi niya. "How's class?"


"I passed a recit," masayang pagbabalita niya. "It was easy though. General Engineering ang subject."


"Yabang," tawa ko. "Sina Teo, nasaan?"


"Cafeteria. You wanna go?" aya niya.


I nodded. I stashed some of my stuff inside my bag and stood up. Dinala naman ni Jaiden ang dalawa kong libro na gamit ko kanina sa review. He held my hand as we walked towards the canteen.


"Lottie!" malakas na bati ni Teo at kinawayan pa kami.


I waved back as we approached their table. Umupo ako sa isang upuan at tinabihan naman ako ni Jaiden. Nang mapansin kong apat kami ay kumunot ang noo ko.


"Nasaan 'yung iba?" I asked.


"Si Night nakita ko kanina, palabas ng campus. May kikitain yata. Sina Zyron, ewan ko lang." kibit-balikat ni Clyde.


Hoax (VBoys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon