COFFEE [Filipino]

84 5 1
                                    

"Mala-kape ang Mahal Ko"


Mala-kape ang mahal ko.

Para siyang barako.

Matapang siya pero,

maliit lang na tao.



Para siyang kapeng batangueño,

Kakaiba kapag tinikman mo.

Ayusin lang ang 'yong pagtitimpla,

Kan'yang loob ay makukuha na.




Ang kaniyang bango'y nakahuhumaling.

Ang mga nangatutulog ay magigising.

Ang aking puso'y kan'yang binubuhay.

Parang larawan, puno ng kulay.




'Wag mo nang subukan na siya'y akitin,

ang pag-ibig niya ay para lang sa akin.

Malaman ko lang na ikaw ay magtangka,

'Di ko siguradong ika'y may bukas pa.

-------------------------------------------------------------
© ROSE ANN

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon