"Piliin Mo Ako"
Piliin mo ako kahit mga gusto mong luho 'di maibibigay.Kapos man sa pera, ako'y may natatanging taglay.
Piliin mo ako kahit na ako'y isinilang na hindi mayaman.
Hindi sa yaman nasusukat ang pag-ibig, 'yan ang iyong tandaan.
Piliin mo ako kahit na hindi ako ang makapagbibigay ng magagarang bagay.
Wala ang magagarang bagay sa tamis ng ngiti mo na aking kayang ilagay.
Piliin mo ako kahit hindi tayo bagay ayon sa kanila.
Huwag kang magpapaapekto sa kanilang sinasabi, ang relasyong ito'y para sa ating dalawa.
Piliin mo ako kahit na 'di tayo parehas ng estado.
Iba man ang estado mo, parehas lang tayo ng ginagalawang mundo.
Piliin mo ako, 'yan ang sabi ko
Pero sa huli, iba ang pinili mo.
-------------------------------------------------------------
©ROSE ANN
BINABASA MO ANG
POETRY COLLECTION
PoetryCompilation of poems and other stuffs that I had written for school requirements, for friends, for personal rants, and even for random things. The languages used in this collection: ✔️English ✔️Filipino *Credits to the owner of the picture that I us...