POV: Nagmamahal nang Patago

24 0 0
                                    

Pagod na sa mga gawain,

'Di na alam ang gagawin.

Halika't ating tanawin,

Taong importante sa'kin.



'Di ba namamalikmata?

Totoo itong nakita?

Hindi siya nag-iisa.

Iba na naman ang kasama.



Ayaw mang tumahan,

Ako nama'y biglang natigilan.

Aking natandaan,

Tago lang aking nararamdaman.


©ROSE ANN

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon