POV: NAKAPAGTAPOS NA NG HS

17 0 0
                                    

"Salamat sa Lahat"

Sa ikalawang pagkakataon, ako'y naiiyak.
Gusto kong sumigaw, tumalo't pumadyak.
Ngayon kasi ang ating pagtatapos.
Para bang kandilang naupos.

Muling nanumbalik sa simula.
Panahong baguha't walang kakilala.
Baitang ika-pito,
sa pagiging sekretarya, ako'y ibinoto.

Baitang ika-walo,
masaya't may halong gulo.
Nagkamit ng mataas na ranggo,
pamilya ko'y 'di nabigo.

Baitang ika-siyam, aking pinakagusto.
Halo-halo ang emosyon ko rito.
Magulo man ang aming seksiyon,
may laban naman sa mga kompetisyon.


Ako'y isinali sa quiz bee,
Tagumpay para sa Ruby!
Baitang ika-sampu ito,
Palaban din ang mga tao rito.

Sa Baitang ika-labing isa'y masaya.
Masasabi kong ito'y kayang-kaya.
HUMSS-B, walang katulad.
Ang nasa seksiyong ito'y mapapalad.

Baitang ika-labing dalawa naman tayo.
Mga tao rito'y propesyonal at seryoso.
Ayaw mong mapag-iwanan?
Kumapit ka sa Diyos at huwag mo siyang bitawan.


Marami pa akong nais sabihin,
Ayaw ko lang pahabain.
Basta ang masasabi ko lang ay salamat.
Salamat sa lahat.


©ROSE ANN

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon