POV: LALAKING HUMAHANGA [Filipino]

21 0 0
                                    

"Mga Katangian mong Kahanga-hanga"

Babaeng aking hinangaan,
Ako ngayo'y magtatapang-tapangan.
Tulang piniga sa aking isipan,
Nawa'y iyong magustuhan.


Ang iyong buhok na sing-itim ng uling,
Mga mata mong hindi duling,
Pisngi mong mamula-mula,
Labi mong natural ang pagka-pula,


Dibdib mong sakto ang laki,
Kinaiinggita't hinahangaan ng mga babae at lalaki.
Bewang na mala-bote ng Coca-Cola,
Hinihiling ng mga dalaga, tita't lola.
Mga katangian mong kahanga-hanga.


Hita mong napakakinis,
Walang kasing-linis.
Mga tuhod na pantay ang kulay sa kutis,
Epekto ba ng pagligo sa batis?


Ang tibay ng iyong loob ay kahanga-hanga rin!
Mga siga sa kanto'y kaya mong paiyakin.
Kung iyo ngang nanaisin,
Handa akong magpaalipin.

©ROSE ANN


POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon