Chapter22

1.2K 37 8
                                    

Hindi ako makatulog, nakakaiyak naman kasi..

Dati niligtas pa nya ko. Dati hindi nya ko pinababayaan. Pero nung dumating si Lucy sa buhay nya.. parang nabalewala ako ng sobra sa lalaking mahal ko.

Feeling ko wala akong kwenta.

Ang corny ko ‘no? Pero ‘yon talaga yung nararamdaman ko.

Ala-una na pero eto parin ako. Nakakulubong lang at nag-iiiyak. Naaalala ko kasi yung kanina. Kanina nung nakita nya kong nakasalampak dun..

Akala ko lalapitan nya ako.

Pero tulad nga ng sabi ko… hindi.

Binalewala nya lang ako. Tinuloy lang nila yung ginagawa nila tapos pumasok na sa bahay nila.

Masakit yun para sakin.

Sobra!

Tae naman o! Mas lalo pa kong naiiiyak. Bukas pa naman walang pasok at nandun nanaman ako sa bahay nila Jake. Makikita ko nanaman yung ngiti nya na si Lucy lang yung nakakagawa.

Noon naman, hindi ganito kasakit eeh! Hindi naman ganito kasakit para sakin.

Kasi noon. Tanggap ko kung ano lang kami ni Jake.. Pero ngayon? Hindi na.

Hinding-hindi na. Sumobra na kasi yung pagmamahal ko kay Jake. Grabe lang ‘no? ang tanga ko kasi! Akala ko.. pareho kami ng nararamdaman. Assuming lang pala ako.

~~

“Oh? Bakit namumula yung mata mo apo?” tanong ni lola sakin. Umagang-umaga kasi parang kamatis yung mata ko.

“Puyat lang po.”

“Sus! O sige na apo! Pupunta na ko kila ma’am Jackie.. kumain ka nalang jan tapos mamaya sumunod ka nalang dito.” Bilin ni lola. Nagmano ako sakanya at humalik. “ingat ka po ‘la”

“Osige! Sige.” Sinara ni lola yung pinto.

Mag-isa nanaman ako.

Huminga ako ng malalim. “Dapat kasi.. sinunod ko nalang si Ken dati. Dapat di nalang ako masyadong lumapit kay Jake.” Ayokong kumain. Humiga nalang ulit ako sa sofa sa sala.

“Haaaaaaaaaayyyy! Hindi ko na alam gagawin ko!” ang tanga ko kasi!

Pagkatapos kong magdrama, eto ko ngayon sa carinderia.. nagpappakabusy nalang para medyo makatakas sa mga gusto kong makalimutan.

Parang gusto kong tumagal yung oras para hindi nalang ako magpunta kila Jake.. Ayoko na..

Sus! Eto nanaman ako. Dapat hindi ko muna iniisip yun.

Sino ba? Jhabea [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon