Prologue + Chapter1 to 9

7.1K 98 19
                                    

          Prologue.

Akala natin masarap mahalin ng dalawa.

Akala natin magiging Masaya tayo pag may dalawang taong naghihintay sa sagot mo.

Akala natin madali lang para sa bidang babae sa pelikula ang pumili ng taong mamahalin at magiging leading man.

Akala natin madali lang pumili lalo na pag mahalaga sila pareho sayo!

“Pangarap ko sya, pero palagi ring nandyan ang bestfriend ko!”

SINO BA? SINO BA ANG PIPILIIN KO KUNG ALAM KO SA SARILI KONG MAY MASASAKTAN AKO!

Ako si Bea Bernardino. At alamin ang kwento ko kasama ang mga taong mahalaga sakin.

 At tulungan nyo akong sagutin kung.. “SINO BA?"

.

.

.

=======

            ♥Chapter1-10♥

**Chapter1

                     Bea's POV

"HAY! Nakakapagod. Tsk!" 

Naibato ko yung bag ko sa bench. Nasa park ako ngayon at nagpapahinga! Kakatapos ko lang kasi sa trabaho ko sa karinderya. 

"Teka Bea! Gusto mo ba? Eto oh!" Napangiti lang ako.Inabutan nya ako ng sandwich.

Tamang-tama yan! Gutom na ko. Maaasahan talaga kahit kailan ang bestfriend ko. (^__^)

"Tititigan mo lang ba ko? Baka matunaw ako nyan. Haha! O? Dali di kapa ata kumakaen e." sabay ngiti nya. 

"Akin na! Gutom na nga ako e." kinuuha ko nung sandwich na hawak nya. 

"Ken?" 

Tiningnan naman nya ako ng ubod ng seryoso saka bumanat ng..

"Bakit? Alam ko namang gwapo ko. Kaya di mo na kailangan pang sabihin yun." 

Nabatukan ko naman sya. 

=___=" "Sira!"  

"HAHAHA! Bakit ba kasi?"

"Salamat." saka ako ngumiti. 

Bestfriend ko kasi yang si Ken. Laging nakabuntot pero sya lang yung palaging nandyan para tumulong. Alam nya lahat ng tungkol sakin. Parang kapatid ko narin kung maituturing.

"Salamat san? Dahil sobrang gwapo bestfriend mo?" hays! kahit kailan talaga sya!

"Alam mo ang kapal talaga ng mukha mo! Pasalamat ka.. bestfriend kita. Haha!" panunuya ko.

"HAHA. Totoo namang gwapo ko. Tsk! Dalian mu ng kumaen. Para maihatid na kita pauwi sainyo. Gabi na o." sabi nya. 

Sinubo ko yung huling kagat at uminom ng tubig. 

"Lika na! Baka kung ano pang mangyare sayo pauwi." Tumayo nako para umpisahan ang paglalakad. Baka kasi gabihin pa tong mokong nato dahil sakin.

Nagsimula kaming maglakad. Magkasabay lang kami saka nagmumuni-muni.

"Bea.. Alam mo bilib talaga ko sayo." sabi ni Ken habang atsaka nya ipinamulsa ang kamay nya.

"Sakin? Bakit?" sabi ko. 

Sino ba? Jhabea [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon