Chapter26

1.2K 49 10
                                    

                   Bea’s POV

Napabugtong-hininga nalang ako sa mga naririnig ko ngayon. Hindi ko ba alam kung ano ng kailangan kong isipin eh. Pinag-uusapan nanaman kasi si Jake at Lucy dito ngayon sa cafeteria sa school. Break time eh!

Kesyo ang sweet daw at bagay na bagay daw talaga yung dalawa..

Nakakatawa! Kahapon lang nasamin sya at parang may gustong sabihin e, tapos ngayon may maririnig nanaman akong ganyan?

“Oooooooy! Nakikinig kaba  bakit ba palagi ka nalang lutang?” sabi ni Kris. Kaming tatlo kasi yung magkakasama ni Ken. Tropa na kami kahit noon diba?

Kaya eto na ulit.. magkakasabay kaming kumain. Magkakaharap kami. Magkatabi sila tapos ako yung nasa harapan nila.

“Iniisip ako nyan tol! Hahaha” pagbibiro ni ken kaya kinutusan ko nga.

“Che! Pinagkakatuwaan nyo nanaman akong dalawa!” pagsusungit ko. “Ano bang sinasabi mod yang unggoy ka?” tanong ko kay Kris.

“Unggoy ka jan! Gusto mo bang ipakiss kita dito sa masugid mong taga-antay?”

“Lul! Manahimik ka pre! Baka layuan ako nyan.” Binatukan pa sya ni Ken. Buti nga. XDD

“Sabi ko, anong favorite color ni Joy?” sabi nya.

“Teka nga sandali! Meron ba kayong hindi sinasabi samin?” paghihinala ko.

“Ha?? E..wala naman.” Napakamot sya sa batok nya. “M.U lang?” nagdadalawang isip pa atang sabihin yung totoo.

“Yooooown! Dude! Buti naman at sinabi na sayo ni Joy!” sabi ni Ken, crush na crush kaya ni Joy si Kris.

Buti pa si Joy, nakuha si Kris.

Ako? Eto.. di maintindihan si Jake.

Napaisip ako sandali.. kung hindi ko kaya pinaalis si Jake kagabi.. ano kayang sasabihin nya? mukha kasing may gustong ipaliwanag eh.

“Asher! Nandito ka pa ba? O nilamon ka nan yang kinakain mo? Tulala ka nanaman eh!” sabi ni Kris.

“Ahh! Color..color blue! Tama.. lahat ng klase ng blue. Sky blue, dark blue.. mga ganun!” sagot ko.

“Ahhh! Salamat sa impormasyon bossing!” sabi ni Kris tapos binatukan kagad sya ni Ken.

“Ako lang ang tatawag sakanyang bossing.. okay? Wag kang copycat!” natawa lang ako sa kalokohan nilang dalawa.

“Ewan ko senyo!” kumain nalang ako ulit.

Muntik ko na ngang hindi maubos yung pagkain ko kakatulalala. Para nakong may sakit na kung ano. Bigla nalang kasi akong nawawala sa sarili ko pag iniisip na sila Jake at Lucy.

Siguro napapansin narin ni Ken kasi madalas yung pagtingin nya sakin eh.

Nagulat ako kasi biglang may lumapit sa table namin.. napansin kagad sya ni Ken.

“Oy! Hello! Long time no see ah?” bati nung kararating lang na babae. Si Yassie. Tagal nawala ah? San kaya to nagsuot?

“Bigla ka nalang sumusulpot.” Natatawang sabi ni Ken. Ang alam ko.. medyo mainit yung dugo ni Ken kay Yassie ah? Bakit ngayon may pangiti-ngiti pa syang nalalaman?

Tumabi pa si Yassie sa gitna nung dalawa. Tss! Humarap sya kay Ken tapos medyo ngumiti.

“Medyo nakamove-on nako sa pambabasted mo eh!” sabi ni Yassie. napatigil kami ni Kris nung narinig yun.

“Niligawan mo si Ken?” naunahan ako ni Kris sa pagtatanong. Tumango naman si Yassie.

“but not completely move-on.. I’m in the process pa eh! Masakit parin.” Umakto pa sya na parang nasasaktan yung dibdib. Kala ba nya nakakatuwa sya?

Sino ba? Jhabea [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon