Chapter24

1.2K 50 13
                                    

Heya! Sa mga naghihintay ng update ko.. salamat sayo! :) Magvote na.. eto lang oh! --------->

                                                   Bea’s  POV

Pagkatapos nung mga naganap at pinagsasasabi ko sa ferris wheel, eto ako ngayon sa likod ni Ken, nagtatago sa sobrang kahihiyang ginawa ko. Shonga ko! Napakalakas pala nung pagsigaw ko.

“Uy..wag ka nga jang magtago.” Medyo natatawang sabi ni Ken. Kakababa lang kasi namin eh.

“Nakakahiya kaya!” bulong ko.

“Tara nga dito.” Hinila nya ko palapit sakanya tapos hinawakan yung kamay ko. “Mas magandang tingnan.”Ngumiti sya sakin tapos hinigpitan yung pagkakahawak nya dun.“Tara na boss..enjoy muna tayo.” Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ni Ken ngayon. Masyado nakong nagiging problema sakanya. Masyado ko narin syang nasasaktan. Hindi naman ako tanga para hindi malaman yung nararamdaman nya..lalo pa’t sinasabi at pinaparamdam pa nya. 

“Ken..”napatingin sya sakin.

“Yes bossing?” nakangiting sabi nya pero hindi sya sakin nakatingin. Naghahanap siguro ng pupuntahan namin.

“Bossing ka jan!” hinampas ko yung braso nya. Ngumiti sya ulit..bakit lalong gumagwapo si Ken ngayon? Haist!

“Uy, may dumi bako sa mukha?” dun lang ako nabalik sa kamunduhan..

“Ah, wala. Tara! Sakay tayo dun oh!” turo ko dun sa ano, di ko alam tawag eh..basta bibe sya na may pedal. Hahaha! Alam nyo ba tawag dun?

Pumunta kami ni Ken dun sa sinasabi ko. Inalalayan ako ni Ken para makasakay ako. Kaso nga lang, gumalaw yung bibe. Muntik nakong mahulog sa tubig, buti nalang nahawakan kagad ako ni Ken. Kaya tuloy ngayon nakayakap ako sakanya.

“Ang sweet nyo namang mga bata kayo.” Puna nung kuyang nag-aalalay  samin. Nanatili parin akong nakayakap kay Ken kahit narinig ko yun. naririnig ko kasi yung tibok ng puso ni Ken.. ang bilis.

Kagaya nung pagtibok ng puso ko pag magkasama kami ni Jake..noon.

“Bossing, pano tayo makakasakay nyan kung nakayakap ka sakin ng ganyan?” pabirong sabi ni Ken. Nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko kaya mabilis na umupo..nag-iinit yata yung mukha ko? >////<

Narinig ko pa silang nag-usap nung si kuyang nag-aassist sa mga sasakay.

“Nakuu! Ganyan din ang asawa ko, nakakalimot na minsan na may mga tao sa paligid.”Tapos natawa silang pareho.

Uwaaaaaaa! Nakakahiya! T__T walanjo naman si kuya ehh.Nakakalimot kagad?Agad-agad?

Ehh si Jake nga hindi ko makalimutan eh. AMP!

Sino ba? Jhabea [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon