CHAPTER TWO.
“Mr. de la Rosa?” tanong ng nurse sa infirmary.
Umupo siya pero may nararamdaman paring konting sakit sa ulo. Wala siyang naaalala sa mga nangyari at di rin niya alam kung paano siya napunta sa Infirmary. Ang huling natatandaan lang nito ay nakaupo siya sa isang bench at may nagtanong sakanya na babae.
“Are you okay?” tanong ni Khizra.
“Yeah. I need to go. Thanks.”
“Wait, I think you’re not yet okay. Namumutla ka pa. Are you sure kaya mo ng maglakad?”
“Oo nga, rest here for a while Mr. de la Rosa.” payo ng Nurse.
“Ano ba, okay na ako diba? Kasasabi ko lang…. By the way, Miss?--” sabi niya at nakatingin ito kay Khizra.
“Call me Khizra.”
“Khizra, Sorry and Thank you.”
“Huh? Sorry? Hindi ako nagdala sayo dito sa Infirmary---“
Di na nito pinakingan si Khizra at lumabas na siya ng Infirmary. Tinignan niya ang kanyang wrists watch at naalala niyang may kailangan pa siyang puntahan.
Dumating na siya sa parking lot at sumakay sa kanyang sasakyan kahit na alam niyang medyo delikado dahil sa lagay niya pero di na siya nagdalawang isip at agad-agad na itong umalis.
* * *
After mavalidate ni Sahsha ang kanyang green form, nakatangap siya ng SMS galing sa kanyang ate.
ATE SHANDY :)
| Bumili ka ng laruan ni Shean, kahit ano at samahan mo pa ng gelato. Gamitin mo ung credit card ko. Please? Busy ako. Thank you :* |
Dahil wala naman siyang gagawin nagpasya nalang siyang bilhin ang ipinapabili sakanya.
“Macky, asan na si Khiz?” tanong ni Sahsha sa kasama niyang masyadong busy sa pagte-text.
“Papunta na dito. Tinext ko na siya.” sagot ni Macky.
“Guys!” sigaw ni Khizra, “Oh my~ Ang gwapo ni guy! May pagka maldito pero he’s one of my crushes na. hahaha!” Dugtong pa nito.
“Nako, Khiz ha. Ayan nanaman kabaliwhan mo. Ikaw na! Ikaw na ang may maraming crush. Hahaha” sabi ni Sahsha. “By the way guys, sama kayo saakin? Pupunta ako ng mall. Wala akong kasama. Please?” dugtong pa nito.
“Sahsha may date kasi ako, hinihintay na ako ng gf ko. I need to go, Sorry. Next time nalang okay? Sorry talaga. Bye guys.”
“Bye!” sabay na sinabi ng dalawa.
“Ingat sayo ang Gf mo.” sabi ni Sahsha
Nagtawanan naman sila, si Sahsha kasi kahit anong pinagsasabi. Syempre bago pumunta doon si Macky, hugs and beso muna pero di nagpabeso si Sahsha kay Macky, hug lang.
“Na-ah! Di puwede bawal paglalaki. Haha! Sareee~”
Beso Alert! Waaaaah. Ano ka ba kasi Sahsha parang beso lang. Tsk~ di ko pa magawa. Pero siguro naman maiintindihan nila. Strict ang parents ko, Joke! Hahaha.
Nakatingin naman si Sahsha kay Khizra, habang ang mga mata nito ay parang nagmamakaawa. Natawa nalang silang dalawa.
“Hahaha. Ayan ka nanaman Sahsha ha, wa epek na yan. Birthday ni Mommy, we’re going to celebrate it sa labas. I’m sorry talaga. Sorry.” sabi ni Khizra.
“Che! Pero joke lang. Hahaha!.. Okay, I understand naman. Send my regards to your family at paki-greet ako ng happy birthday kay tita. Wag mong kalimutan ha?”
![](https://img.wattpad.com/cover/2573549-288-k939963.jpg)