Intro: Colors

14 3 0
                                    

Faith's PoV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Faith's PoV

October 8, 2020, 4:08 PM, Central Park

Colors.

The most expressive yet most unappreaciated thing in this world.

Sabi nila through colors, you can express yourself

Yellow- The expression of happiness. Katulad daw ng araw, nakakapagpagaan ng mood ang dilaw. Kapansin pansin agad kahit sa malayo palang.

Red- Expression of love and anger. Isang karaniwang scenario, laging binibigay ng mga nanliligaw sa nililigawan nila ay mga pulang rosas. Kaya kapag na busted, yung mukha naman nila yung nagiging pula.

Blue- The expression of sadness. The most popular among the three yet the most painful among them. Ganito daw yung kulay ng langit. Maganda kaso laging tinatago ang lungkot sa mga ulap.

Those are the primary colors na tinuturo sa pre-school. The base of every complex colors.

And just like by those primary colors, the emotions they express are also the base of every complex emotions.

Too bad, alam ko lang kung ano yung pangalan ng mga kulay pero  hindi ko alam kung ano mismo ang kulay nila.

Umaasa lang naman ako sa mga kinokwento sakin nina Yaya Maritess at Yaya Chona. Lagi lang nila akong kinukwentuhan tungkol sa mga bagay bagay.

Hay.

Humiga ako sa damuhan at pinikit ang mga mata ko. Ramdam ko yung init ng araw sa balat ko. Dilaw. Sikat na sikat nanaman yung araw kaya paniguradong wala masyadong ulap ngayon.

Hinawakan ko ang mga damo at nakuntento nang maramdaman kong malalambot ito pero nakakatulok. Berde. Hindi pa naman ito ganun ka gaspang at karupok kaya hindi pa siguro ito tuyot.

Napangiti ako ng mapait.

Mas maganda sana kung nakikita ko yung paligid. Hindi yung puro hula lang.

Bumangon ako at naupo nalang.

Nakarinig naman ako ng kaluskos  ng mga damo. May tao sigurong papalapit. Malalaki yung mga hakbang eh tapos marahan pa.

"Bilisan mo nalang maglakad, dami pang alam eh." Sabi ko ng pabiro.

Naramdaman ko naman na padabog siyang lumapit sakin at umupo din malapit saakin.

"Panira ka talaga ng trip. Bakit ba kasi lahat ng bulag anlalakas ng mga radar." Inis na sabi niya.

Tumawa nalang ako ng kaunti dahil sa inasal niya.

Siya si Amanda. Childhood bestfriend ko. Amazona at laging laman ng gulo pero mabait din naman sa mga taong mabait din sakanya. Sadyang pilya at bitchesa lang minsan.

Lahat yata ng baho niya sa katawan alam ko.  Simula bata palang kasi kami magbestfriends na kami. Kaya kahit sa paglalakad, kilala ko na siya agad.

"Hoy! Hello? Earth to Hopia?" 

"Ah, ay ano yun?" Kanina pa pala ako tulala. Masyado na akong pre-occupied.

 "Hay nako! Daldal ako ng daldal tapos di ka pala nakikinig. Ang sabi ko nagbreak na kami ni Jason." Napalingon ako dahil sa sinabi niya.  

"Ha? Eh diba----"

"Ako yung nakipagbreak. Paano may putok pala yun tapos may alipunga pa. Yuck kadiri noh." Maarte niyang sabi.

"Ano naman kung ganun? Grabe ka. Mabait naman ah. Tatagal ba kayo ng 1 month kung hindi siya mabait." Sabi ko sa kanya.

Realtalk lang. Sobrang pihikan ng isang 'to. May mahanap lang na kapintasan, makikipagbreak na agad. 

"Sis, may kasabihan kase na 'Don't choose a man unless you want to have  a child exactly like him' at syempre naniniwala ako dun." Sabi niya. Aba't nag english pa si gaga.

"Ah, so ayaw mo magkaroon ng mabait na anak?" Asar ko sakanya. 

"Gaga. Tinanong mo ba muna ako kung magaanak ako?" biglang naging seryoso yung boses niya. Naging tahimik kami sandali dahil dun sa sagot niya. "Akala ko ba gusto mo magkaanak? Diba sabi mo ayaw mo magkaanak na katulad ni Jason kaya ka nakipagbreak sakanya tapos ngayon hindi mo gusto. Ano ba talaga?"     

 "Magkaiba yung hindi gusto magkaanak sa hindi magaanak. Ayokong matulad yung magiging anak ko sakin."  Mahina niya lang sinabi pero narinig ko parin. 

Sobra akong naaawa sakanya. Ito yung lagi niyang pinipilit itago sakin pero nararamdaman ko. Alam kong hirap parin siya dahil laging may mga taong naghahanap sakanya, dagdag pa yung mga sinasabi ng iba. 

"Anyways, hindi naman talaga yun yung highlight ng chika ko today." sumigla nanaman yung tono niya. Napa-facepalm nalang ako sa utak ko dahil sa pagpapalit niya ng mood. Bakit kasi itatago pa eh alam ko naman. 

 "May bago na ulit akong jowa! Hihi" sabi niya with matching kurot pa. Kinikilig naman 'to. Ang tindi talaga ng babaeng 'to. Hindi uso sakanya talaga yung 3-months-rule kuno. Mas madalas pa ata siyang magpalit ng boyfriend kesa magpalit ng damit.

"Ano naman pangalan niyan?" tanong ko na medyo nagsusungit.

"Antonius Coen Echaves. ACE for short. Diba ang gwapo ng pangalan? Hindi lang gwapo yung pangalan pero pati siya mismo gwapo den. Tapos mabango din, mayaman pa! Kinikilig talaga ako. OMG!" Sa pagsabi niya palang ng pangalan halatang halata na nagpapantasya nanaman si Bruha. Nagsusumiksik naman siya sakin at niyugyog yugyog pa ako. 

Onti nalang talaga sisipain ko na 'to. 

"Alam mo ewan ko sa'yo Amanda kung bakit hindi ka pa nadadala."Napailing nalang ako ng sinabi ko yun. 

"Ih mamshi nafefeel ko na siya na talaga yung the one. Na---"

"Nakikita ko yung future ko sakanya. Siya yung lalaking pang matagalan. Hays. Never pa ako nakaramdam ng ganito para sa isang tao. Is this forever?" Ginaya ko yung paraan niya ng pagsasalita. Parehong linya nanaman kasi panigurado ang sasabihin niya. 

"Epal." Halata naman sa boses niya na inis siya na ikinatawa ko naman.

"Forever forever ka pa kasing nalalaman eh ganyan sinasabi mo sa lahat ng lalaki. Mamaya baka nga pag nalaman mong hindi nag totoothbrush yang bago mong jowa iwanan mo agad."  

"Hoy hindi ah! Malay mo nakalimutan lang. Kapag mabaho na hininga tsaka iiwan." sabi niya naman.Napatawa nalang kaming dalawa. Siraulo talaga 'to. Ang daming alam na kalokohan. 

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa tumunog ang alarm ko. Nakaligtaan ko na ang oras. 

"5:30 na. Uuwi na ako Danda." Paalam ko sakanya.

"Anong uuwi, 5:30 na." Sabi niya sakin.

"Ano naman gagawin natin?"

"Dating gawi. Game?" Tanong niya sakin. Nararamdaman ko na nakangiti siya habang tinatanong niya ako.

"Game."   

Tint In The Shades Of A HueWhere stories live. Discover now