~*1.2 Slambook

12 2 0
                                    

Faith's PoV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Faith's PoV

March 31, 2004 //  Perez' Residence // 7:30 AM

"Yaya Chonna! Yaya Chonna!" Sigaw ko mula sa kwarto ko.
"Saglit lang po ma'am!" Sigaw ng isa naming katulong.

I searched for my brush and started combing my hair.

Ngayon kasi kami ulit babalik sa ampunan. Traditon na namin 'to na every end of the month, dadalaw kami sa ampunan at maghahanda ng simpleng lunch.

Malapit kay Mommy ang ampunan na iyon. Sila kasi ni Daddy ang nagtayo ng ampunan na iyon. Kaya even if wala na si Mommy, gusto ko parin ipagpatuloy yung pagtulong dun sa mga bata na nasa ampunan.

Narinig ko naman na bumukas ang pinto at may mga bakas ng paa na papalapit saakin.

Yaya Chonna's here.

"Oh ano, ready ka na?" Tanong ni Yaya Chonna.

Napangiti ako tumango ng paulit ulit.

I heard Yaya Chonna chuckle at sinuklay ang buhok ko using her hands.

"Mukhang excited na excited ka ah! May gusto ka bang makita sa ampunan?" Tanong sakin ni Yaya Chonna.

"Opo. Meron po akong nakitang babae. She was crying alone on the Ampunan's Veranda. Kaya I told her po na, magkaibigan na po kami para hindi na siya lonely." Masaya kong kwento kay Yaya Chonna.

"Huhulaan ko, hindi mo alam pangalan noh?" Sabi ni Yaya Chonna na parang nangaasar.

Hindi naman ako nakakibo dahil sa sinabi niya.

"Hulaan ko ulet, hindi mo nakuha yung pangalan kasi dinaldal mo agad ng dinaldal." Pag gatong pa niya.

Napakamot nalang ako ng ulo kasi totoo lahat ng sinabi ni Yaya Chonna.

Hays. Sabi ko na talaga nalimutan ko alamin yun ih.

"Yaya, satingin mo, does she still remember me?" tanong ko kay Yaya Chonna

"Oo naman." pag assure niya sakin

"Paano po kung hindi na?" I said with a sad tone

Naramdaman kong ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko at iniharap sakanya.

"Edi ipaalala mo sakanya. Nak, minsan nakakalimot tayo pero hindi ibig sabihin non, pinagbabawalan na tayong gumawa ng mga bagong alaala. Kung di ka man niya maalala kahit ipaalala mo sakanya, gumawa kayo ng mga bagong memorya na paniguradong maaalala niya. Ganun kasimple."

Pinat niya yung ulo ko at saka tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.

" Handa na yung mga pagkain. Tara na?" sabi ni Yaya Chonna.

Tint In The Shades Of A HueWhere stories live. Discover now