~*1.1 Stargazing

11 2 0
                                    

----------------------------

NOTE: Sobrang Important po ng timestamps hehehe

-----------------------------

-----------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

 Amanda's PoV 

March 27, 2004 //  Mini Miracles Home's Veranda //  7:00 PM

"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!"

Nagkakantahan sila sa loob habang ako nasa labas ng ampunan. Madalas akong tumakas ng ganitong oras para pumunta dito sa Veranda. 

Mas gugustuhin ko pa na dito nalang ako kesa naman makicelebrate ako sakanila. Birthday kasi ngayon ni Hilda. Yung bruhang laging nagrereyna reynahan dito sa ampunan. Alam ko naman na napipilitan lang silang lahat na nandun kasi takot na mapaginitan.

Tss. 

Doble ng edad ko ang edad niya pero bakit ako masisindak sakanya? Kahit na 6 palang ako at 12 na siya, wala akong pake. Wala siyang karapatan na diktahan ako kahit siya pa ang pinaka matanda dito.

Ako lang naman sa lahat ng bata dito sa ampunan ang merong lakas ng loob na kumalaban sakanya. Kaya wala rin akong kaibigan eh. Paano kaaway ko yung bruha. Pati nga rin yung mga sister dito sa ampunan halatang ayaw sakin kasi lagi ko daw inaaway si Hilda. Ang liit liit ko pa daw pero ang haba na ng sungay. Maraming nagsasabi sakin na para daw akong matanda na kung umasta kahit pa ang bata bata ko palang. Sobra daw kasi ako mag magaling.

Inangat ko ang tingin sa langit ng baka sakaling mawala yung mga nasa isip ko.

Ang ganda ng mga bituin. Ang swerte nila kasi magkakasama sila na nagpapaliwanag ng gabi. Di katulad ko na walang kasama simula palang sa umpisa. 

Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko galing sa mata ko pero kusa parin silang nalabas.

"Bakit kasi lagi nalang ako magisa. Parang pang habang buhay na yata 'tong sumpang 'to." sabi ko habang pinupunasan ang mga luha galing sa mata ko.

"Hindi ka habang buhay magisa. Sigurado ako na may mga taong darating pa sa buhay mo para samahan ka. You might be experiencing a hard time now, but I promise you that it won't last forever. Just have patience and wait because it would be worth it."  sabi ng isang babae sa gilid ko.

May tao pala dito kanina pa. Mga kaedad ko lang din siguro 'to. Ayos na sana yung sinabi niya eh, kaso nag-english pa.

"Kelan ka pa nandiyan?! Tsaka ano bang pakialam mo sa buhay ko?" Pagmamataray ko sakanya.

Tumawa siya ng bahagya. Ano naman nakakatawa sa sinabi ko?! 

"Anong tinatawa tawa mo diyan ha?" tanong ko pero hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig parin sa malayo.

Tint In The Shades Of A HueWhere stories live. Discover now