~*1.3 Photograph

5 2 0
                                    

Faith's PoV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Faith's PoV

May  30, 2010  // Mini Miracle's Home Veranda // 6:56 PM

"Ahh panalo nanaman ako! Hahahaha." 

Naglalaro kami ngayon ni Amanda ng sungka. Kanina pa siya nananalo habang ako kanina pa talo. 

"Andaya ah! Kanina ka pa nananalo. Baka naman dinudugas mo ako ha!" sabi ko sakanya.

"Oy di ah! Honest ako no!" Sabi niya na parang nagpipigil ng tawa.

Hinampas ko siya. Halata kasing dinuduga nanaman ako ng isang 'to eh. Tawa lang siya ng tawa habang hinahampas ko siya. 

Anim na taon narin mula nung magkakilala kami. Simula nung araw na niligtas niya ako mula dun kay Madam,na ang pangalan pala ay Hilda, naging magkaibigan na kami. 

"Napakapikon mo talaga eh." sabi niya habang natatwa parin.

"Eh kasi naman! Naglalaro ako dito ng maayos tapos dinedemonyo mo ako. Hay nako!" sabi ko na nagiinarte. 

"Aba kung gusto mo ng patas na laro, dapat di ako inaya mo." sabi niya sakin.

"Damuho ka." sabi ko sakanya na ikinatawa niya naman. 

"Imisin na nga natin 'to. Pasok na tayo sa loob , nilalamok ako dito."  sabi naman ni Amanda.

Tinanggal ko ang mga shell mula sa sungka at nilagay sa bag na pinaglalagyan nito. Siya naman ang nagbitbit nung mismong sungka at inakay ako papunta sa loob.

"Ay Hopia! Ano pala... ano.. parang meron akong LBM ngayon." sabi niya saakin.

"Oh tapos? Kailangan i-announce?" 

"Hindi kase, diyan ka lang.  Ilalabas ko lang 'to saglit lang talaga." sabi niya sakin.

"Ginagawa mo naman akong pilay eh! Bulag lang ako pero kaya ko maglakad."

"Eh kasi baka mamaya matisod ka diyan tas mabagok ulo mo. Papaospital ka pa kapag nagkataon. Sayang kaya sa pera." Halata naman sa boses niya na nagtataray nanaman siya.

"Talagang mas importante yung pera kesa sakin no?"

"Syempre! Kailangan ko mabuhay at para mabuhay, kailangan ko ng pambayad kaya kailangan ko ng pera. Hindi naman kita pedeng ipangbayad kaya mas importante pera kesa sayo. Faith utak naman." Biro niya sakin

"Pabibo" sabi ko.

Pabiro akong umirap ako dahil sa sinabi niya. Ikinatawa niya naman yung comment ko sakanya.

"Ngayong alam mo na, pumirmi ka lang diyan at ilalabas ko lang talaga 'to."

"Para saan pa ang white cane kung di gagamitin? Duh! Amanda utak naman." Panggagaya ko sa line niya sakin.

Tint In The Shades Of A HueWhere stories live. Discover now