TINA'S P.O.V
Makalipas ng isang linggo noong nagbunutan kami at matapos ang aming examination, napagpasyahan kong bumili na ng ipangreregalo ko kay Winnie The Pooh pagkatapos ng last day namin ng exam.
"Uwi ka na kaagad?" -Nick.
"Di pa. Bibili na muna ako ng pang-exchange gift."
"Sama ako!"
"No!"
"Sungit." -.- "Promise. Magbebehave lang ako."
"Hindi pa trin pwede!!"
"Bakit?" :c
"Malalaman mo kung sinong nabunot ko."
"O sige ganito na lang. Sabay tayo pero maghiwalay na tayo ng way sa pagbili."
"Ok."
Pumunta kami sa mall pero iba ang nangyari. Supposed to be na pagkadating namin doon ay maghihiwalay na kami ng daan pero ang anak ng bulate. Nag-aya na kumain sa mga stall.
"Say a~~"
"No."
"Ok. Ako na lang." Sinubo niya yung takoyaki na dapat ay ibibigay niya sa akin. Pagkatapos naming kumain ay hinila na naman niya ako sa may food court.
"Order ka na."
"Sige. Busog pa ako." Makita lang kita na busog, busog na rin ako. Hihihi. Ang landi.
Sa wakas! Pagkatapos niyang kumain sa food court ay sinabi na niya rin yung katagang 'Busog na ako. Tara na.' akala ko talaga hindi na mabubusog 'yang lalaking 'yan. Umupo kami sa may bench dito sa loob ng mall kasi di daw niya kayang maglakad na busog. Ayan kasi lamon ng lamon.
"Tingin mo ba sasagutin ako ni Sheena?"
"Oo naman." Sabi ko na may mahinang tono at pilit na ngumiti kahit na masakit. Si Sheena yung nililigawan niya ng mahigit 8 buwan na. Ang tagal noh? Pero sabi sa akin ni Sheena sasagutin na raw niya si Nick any day this month. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at pumayag akong maging tulay nilang dalawa since kaibigan ko rin si Sheena. Siguro magiging myembro na ako ng Samahan ng mga Malalamig na Pasko.
"Nga pala, hindi mo pa sinasabi kung sinong crush mo. Sino nga ba?"
"Wala." Mahal mayroon at ikaw yun Nick.
"Aww.....sad."
Naghiwalay na kami ng landas ni Nick. Nabili ko na rin yung pang exchange gift ko. Bumili rin ako ng dalawang teddy bear na may suot na couple t-shirt na kapag pinagdikit silang dalawa ay may mafoform na heart sa gitna. Gusto ko ngang ibigay sa kanya yung isa.
Pagkadating ko sa bahay, bumungad sa akin ang plane ticket at passport na nakapatong sa kama ko. Ako na lang ang nakatira sa bahay na 'to since nung nagmigrate sila mom, dad, at kuya. Ayaw ko itong kunin o titigan man lang dahil mas lalo akong nalulungkot pero kahit ano man ang gawin ko, dadating at dadating din ang panahon na aalis ako.
Sa Dec. 25 ang alis ko. Pupunta na ako sa Canada at doon ko na ipagpapatuloy ang aking pag-aaral. Doon na kasi nakatira sila Dad, mom, at yung kuya ko. Hinihintay na lang nila ako. Binigyan naman nila ako ng ilang araw para makapagdesisyon pero hanggang Dec. 25 lang at kapag wala akong sinabi na hindi na ako sasama, tuloy ang alis ko.