TINA'S P.O.V
Dec. 19.....Kaarawan ngayon ni Sheena Tina. Wag kang malungkot. Be happy for her..
Nakapagbihis na ako at nakapag-ayos. Nagtry lang ako magmake up para hindi halata na haggard ako dahil ilang araw na rin ako na hindi nakakatulog ng maayos. Hinihintay ko na lang ngayon na sunduin ako ni Nick para sabay na kami sa pagpunta sa bahay nila Sheena since hindi pa ako nakakapunta doon.
*Beep Beep*
Dali-dali akong napatingin sa labas ng bintana at nakita ko doon si Nick na nag-aabang sa tapat ng gate kaya dali-dali akong pumanaog at ngumiti bago ko buksan ang gate.
"Hi." Hindi nakapagsalita si Nick at parang nagulat ng makita ako.
"Ano? Gusto mo na ako?" Pabiro kong tanong.
"Hindi ko alam na magmumukha ka na palang tao kapag inayusan."
"Hampas ko kaya sayo 'tong purse ko."
"Wag po manang!"
"Che!"
Sumakay na kami sa sasakyan ni Nick at siya yung nagdrive. Pagkadating namin sa venue ay maraming tao ang dumalo. May mga taga-school namin pero hindi ko kilala yung iba. Sa mukha lang. Mayroon din naman na completely strangers. Siguro mga kaibigan 'to ni Sheena.
"HI!!!!" Bati sa amin ni Sheena habang papatakbo palapit sa amin. Napatingin naman ako kay Nick na nasa gilid ko at halatang napangiti siya ng makita niya si Sheena. Para ngang si Sheena lang yung nakikita niya.
"I'm glad you came." :D Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya.
"Hi Nick." Halata kong nahihiya si Sheena dahil hindi niya magawang tignan si Nick ng diretsuhan.
"H-hi S-Sheena. You look beautiful."
"Thank you." OP........
"Uh..sige maiwan ko muna kayo."
Sumama na lang ako sa group table ng mga kaklase namin. Lahat kami nagkukulitan at naglalaro dahil hindi pa naman nagsisimula ang party. Oo nga pala. Sa garden nila Sheena ginaganap ang party ngayon dahil malawak naman ito.
Ilang minuto pa ang lumipas at nagsimula na ang party. Sayawan, games, kainan, sayawan ulit tapos yung iba nagmomoent. Ako? Kamoment ko yung pader. Joke. Nakaupo lang ako sa upuan at kunwaring nagtetect. Galawang forever alone.
Nang natapos na ang party ay nagsiuwian na ang iba pero napagdesisyunan naming mga magkakaklase na magpaiwan na muna dahil wala naman kami gagawin bukas dahil Christmas party namin.
Paikot kaming umupo at sa harapan namin ay bonfire. Nagkwentuhan kami at nagshare ng mga tungkol about sa buhay-buhay at tanungan rin syempre.
"May tanong ako sayo Tina since kanina ka pa tahimik diyan." -Angela
"Ano yun?"
"Naranasan mo na ba ang magmahal?" Napatingin ako kay Nick na palihim at nakita ko silang naglalambingan ni Sheena kaya bumalikwas ako ng tingin.
"Siguro."
"Sigurong ano? Oo o hindi?"
"Ewan."
"Eto na lang. Ano ang gagawin mo kung isang araw mawalay ka sa taong mahal mo?" Teka.......dapat masaya ako dahil papalapit na ang pasko pero dahil sa kanila, mas lalo akong nalungkot. Bumuntong hininga ako at ngumiti.
"Wala. Hindi mo mapipigilan ang panahon. Hindi ka Diyos para pahituin ang mga araw na daraan at daraan. Kailangan mong sanayin ang sarili mo na wala siya sa tabi mo. Kailangan mong maging masaya para sa bagong kinabukasan na darating. Kailangan mo siyang palayain sa puso mo dahil mas masasaktan ka lang kapag patuloy mo pa rin siyang kinukulong dito. Huwag kang malulungkot kung mayroon na siyang minamahal na iba. Dapat maging masaya ka para sa kanya at magpasalamat ka sa Diyos dahil hindi pinadama ni God ang pangungulila at kalungkutan sa kanya. Be happy. Hindi lang para sa kanya kundi pati na rin sa sarili mo." Napatingin ako sa mga kaklase ko at lahat sila ay napatahimik at napatingin sa akin.
"Hugot!!"
"Oo nga. Bakit? May nang-iwan ba sayo dati?" Tanong ni Nick.
"Wala." Pero malapit na akong mang-iwan..