10 years later...........
TINA'S P.O.V
Natapos ko rin ang kursong gusto ko. Nagkaroon ako ng mga boyfriend hanggang sa nahanap ko na ang true love ko. Ngayo'y, ako na si Tina Thomson. Mayroon na kaming isang baby girl ng asawa ko ay ang nakakatuwa pa rito ay napreserve namin ni Nick ang pagiging magkaibigan namin. Naging asawa niya si Sheena at balita ko na may isa na silang anak. Baby boy naman. Minsa'y nag-uusap kami ni Nick kapag ako ay napapauwi sa Pilipinas para magbakasyon pero wala na roon ang feelings. Hindi na kami awkward sa isa't-isa at hanggang bestfriends lang kami dahil may sarili-sarili na kaming pamilya. Nakakatuwa nga kasi noong ikinasal kami ng asawa ko ay dito kami mismo sa Pilipinas nagpakasal kaya naanyayahan ko sila Nick at Sheena na that time ay engaged na rin. The next 3 days ay sila naman ang ikinasal at imbitado kami ng asawa ko. Syempre kasama rin yung dati naming mga classmates nung college.
Yung mga baby namin? Ayun, nakuha yung kagandahan at kagwapuhan naming mga magulang hahaha. Sabi nga ng mom ko na kamukha ko raw yung baby ko nung bata pa ako pati rin si Nick. Kamukha rin daw niya yung baby niya. Sabihin na nating may pagkakahawig. Ano kayang klaseng kinabukasan ang mangyayari sa mga anak namin?.......................
Isa lang ang natutunan ko sa buhay. Ang huwag maduwag at maging malakas sa pagharap ng iyong kinabukasan at mga kabiguan dahil hindi mo mararamdaman ang kapayapaan sa iyong puso kung hindi ka aamin at hindi mo tatanggapin ang mga rejections na ibinibigay sayo ng tadhana. :)
THE END.