TINA'S P.O.V
Ewan ko ba pero habang papalapit ang Pasko, dinudurog ang puso ko.
"Uy! Kanina ka pa nakatulala diyan ha. May problema ba?" Tanong ni Sheena. Umiling lang ako sa kanya at ngumiti.
"Kumusta na nga pala kayo ni Nick?" Nice Tina. You're just hurting yourself. Nakita kong namula si Sheena na para bang nahihiya.
"Sinagot mo na?" Tanong ko ulit. Umiling-iling siya at ngumiti.
"Sagutin mo na kasi......." Pangungulit ko. I know na I'm just hurting myself pero ayaw ko na malungkot si Nick sa pag-alis ko. Gusto ko na bago pa man ako makaalis ay mayroon ng bagong babae na magpapangiti sa kanya araw-araw. Hindi ko naman sinasabi na irereplace lang ako. Gusto ko na tanggap ni Nick ang personality ni Sheena. Gusto ko na kapag kasama niya si Sheena hindi ako yung nakikita niya kundi si Sheena mismo. Gusto ko na maging masaya sila pero may kung anong tumutulak sa akin na umamin kay Nick pero ang sabi ng utak ko hindi pwede dahil papalalain ko lang ang mga bagay-bagay.
"You know what. Ibang-iba si Nick sa lalaking nakilala ko. Hindi siya yung tipo na masyadong seloso, malambing. Yung sakto lang. Hindi siya yung lalaki na nagkikimkim ng sama ng loob. Prangka siyang tao. Siya yung tipo na tutulungan at kakaibiganin ka kahit na ikaw ang pinakaweird sa inyong mga magkakaklase. Kahit na makulit yun at minsa'y gag* yun. Kung magmahal yun wagas. Kaya siya nga 'tong umiiyak pagkatapos ng mga heartbreaks niya eh. See? Witness ako sa lahat dahil bestfriend niya ako. Kaya ikaw Sheena, wag mo ng hingin ang basbas ko dahil matagal ko na itong binigay sayo." Napangiti si Sheena at kaagad naman akong niyakap.
Hinahanda ko na yung pag-aasikaso sa mga forms ko sa school para wala na akong po-problemahin pa the next days. Pag-iimpake na lang ang aatupagin ko. .
"Uy ano 'yan?" Aagawin na sana ni Nick yung envelope pero agad ko 'tong itinago sa likod ko.
"Wala."
"Wehh???"
"Wala nga. Kulet neto."
Luchbreak at pinilit ko na hindi makasabay si Nick sa lunchtime. Kailangan kong sanayin ang sarili ko na wala siya pero sa kahit saang dako ako pumunta ay nahahanp at nahahanap pa rin ako ni Nick.
"Saan ka ba nagpupunta at kanina pa kita hinahanap."
"Diyan lang sa tabi-tabi."
"Oo nga pala. Nag-anyaya si Sheena para sa party niya bukas ng gabi."
"Ha?" Ugh. Nakalimutan ko na birthday pala ni Sheena. Ang dami-dami ko kasing iniisip. *Sigh*
"Aasahan ka raw niya kaya magdala ka ng regalo kundi boom alis ka sa party."
"Wow ha! Ikaw ba ang celebrant?" Sarcastic kong tanong.
"Man of steel." Ha? Anong connect? Baliw na talaga 'tong taong 'to.
------
Pagkauwi ko sa bahay ay nakatanggap ako ng missed calls sa phone na hindi ko man lang nagamit kanina dahil sa dami kong ginagawa. Nakatanggap din ako ng text galing kay mom na ayos na raw yung magiging kwarto ko doon. Napangiti ako pero unti-unti kong naaalala ang mga tao na maaari kong iwan....