5

1 0 0
                                    

TINA'S P.O.V

Dec. 20. Christmas party namin ngayon. Mukhang ako lang yung trying hard na magpakasaya this day. 

Ano pa nga ba? Nagparty-party kami. Sayaw muna then games. Games ulit tapos kumain. Nag games ulit kami pero sandali lang then exchange gift. Nagpalitan na ng exchange gift ang iba tapos magpapaicture silang dalawa nung nabunot niya para raw remembrance. Nung turn ko na, binigay ko yung regalo kay Bunny. Siya pala yung Winni The Pooh. -.-

"Ok. Anong code name mo Tina?" Tanong sa akin ni Kate na isa sa mga host ng party namin.

"Miss Prodigious." Sagot ko.

"Miss Prodigious daw!" Tumingin ako sa mga kaklase ko na maaring makabunot sa akin pero hindi ko inaasahan na may lalapit at siya ang nakabunot sa akin.

"Hi." Natawa ako sa mukha niya. Hahaha. Mukha siyang timang. "So ikaw pala si Ms. Prodigious? Dami mong alam. Hahaha!" Binatukan ko siya kaya yung picture naming dalawa ay di maayos. Yung mukha niya nakabusangot tapos ako naman natatawa. Nang matapos ang exchange gift ay pumunta si ma'am at nagsalita.

"May i-a-announce ako." Agad akong huminga ng malalim at napapikit.

"Alam kong graduating na kayo at maraming magbabago. Marami sa inyo ang magkakaiba-iba ng kurong kukuhanin at universities na papasukan. Pero mukhang may mapapaaga kayong classmate na aalis." Nagtanungan ang lahat kung sino ang aalis. Yung iba naguluhan. Tiningnan ako ni ma'am na para bang nagsasabi na tumayo ako at ako na ang magsabi. Huminga ako ng malalim. Tumayo ako at naglakad sa harapan.

"Hi guys." Ngumiti ako ng pilit. "Salamat sa mga memories. Sa kulitan. Sorry kung minsan nasasaway ko yung iba sa inyo."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko ng isa ko pang classmate. Tumingin ako kay Nick na halatang nagulat sa narinig.

"I'm going to Canada this coming Dec. 25." Karamihan sa mga naging close ko dito sa classroom nalungkot lalung-lalo na si Sheena. Ngumiti na lang ako para ipahayag sa kanila na hindi dapat sila malungkot.

"Magbabakasyon ka lang naman doon diba?" Umiling-iling ako.

"Permamnent na akong titira dun. Nandun kasi yung family ko pero babalik naman ako dito para magbakasyon." :) Yung iba ang daming katanungan pero hindi ko na sila magawang masagot dahil baka maiyak ako. Hindi ko magawang tingnan si Nick dahil alam kong galit siya sa akin dahil hindi ko ito sinabi sa kanya.

Umuwi akong mag-isa. Iniimpake ko na yung mga damit ko at yung mga gamit ko. Sinisimulan ko pa lang linisin yung kwarto ko nang makita ko yung paper bag na may laman ng couple teddy bear na kasabay kong binili sa stuff toy na Winnie The Pooh. Napaisip ako kung ibibigay ko ba yung kalahati kay Nick o ibibgay ko sa kanilang dalawa ni Sheena itong couple teddy bear.

24th of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon