TINA'S P.O.V
Dec. 24. Lahat ay nagsasaya kasama ang kani-kanilang mahal sa buhay. Lahat sila naghahanda ng kanilang pang noche buena habang ako'y naghahanda para sa pag-alis ko kinabukasan. Hindi na rin ako lumalabas ng bahay dahil ano pang sense kung lalabas ako eh wala naman akong mapupuntahan tsaka matapos ang araw ng Christmas party, hindi ko na nakakausap si Nick. Hindi ko siya nakikitang nag-o-online sa fb. Tapos kapag nagiiwan ako ng message sa kanya puro seen lang. Ni hindi nga niya ako magawang replayan sa text o kaya sagutin yung mga tawag ko sa kanya.
Dahil wala naman akong magawa. Kumuha ako ng papel at sinimulang magsulat.
(Play the video beside......)
Dear Baduy,
Uy best! Sorry kung hindi ko nasabi sayo kaagad. Mahirap din kasi sa part ko na magpaalam. Wag ka ng malungkot diyan oh. Pumapanget ka kasi hahaha. Ay oo nga, pangit ka na pala. Hahaha. Joke. Pag wala na ako gusto ko na hindi mo pababayaan 'yang sarili mo ha. Inumin mo yung vitamins mo para hindi ka magkasakit tsaka palagi mong dalhin yung payong mo para hindi ka na yung taong laging basang-basa sa ulan. Kapag wala na ako dapat marunong ka ng tumayo sa sarili mong mga paa. Wag kang pasaway naku... Alam mo yung boomerang? Aabot yun sayo dito mula Canada kapag may nagawa ka namang kabaliwan. Wag mong pababayaan si Sheena ha kundi yari sa akin. Oo nga pala. Itong bestfriend mo may gusto na hahahaha. Kaso bakit ganun? Bakit ang manhid niya? Siguro dahil sa dami ng heartbreaks niya kaya naging manhid na siya. Kulet noh? Tanong ko sagot ko hahaha.
Nick, may sasabihin ako sayo. Sorry kung hindi ko masabi sayo noon kasi natatakot ako. Natatakot ako sa rejection. Natatakot akong sabihin mo na hanggang bestfriend lang ang tingin mo sa akin. Natatakot ako na baka bigla ka na lang lumayo sa akin kapag umamin ako. Ayaw ko naman mangyari yun. Pero sige, buo na ang loob kong sabihin sayo. Wala ng atrasan 'to. Handa na akong makatanggap ng rejection. Eto na...........Nick, sa tinagal-tagal ng pagiging magbestfriend natin, noong una wala lang sa akin pero naalala mo yung umalis kami at pumunta ng probinsya for at least 2 weeks? Doon ko naramdaman na malungkot pala kapag wala ka. Na hindi buo ang araw ko kapag hindi ko naririnig 'yang boses mo. Nick, gusto ko lang sabihin na.......................na................... mahal kita. Hindi ko sinasabi na mahalin mo rin ako ng pabalik. Gusto ko lang malaman mo na bukod kay Sheena, maraming tao ang nagmamahal at ang magmamahal sayo. Please..wag ka ng magalit o. Ayaw ko naman na umalis ako na may kaaway. Dec. 25 ng umaga ang flight ko. Sana naman bago ako makaalis mag-usap naman tayo ng personalan
Pakabait ka ha!
Truly yours,
Tina.
Naramdaman ko na tumulo na pala ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan. It's already 7 p.m. Nagbihis ako ng maayos na damit at kinuha ang letter at paper bag na may laman ng couple teddy bear. Pumunta ako sa bahay nila Nick pero hindi ko naabutan si Nick dun. May pinuntahan daw kaya pinaabot ko na lang kay manang yung regalo ko para sa kanila ni Sheena at yung letter.
10: 00 p.m. Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame. Ang daming katanungan na pumapasok sa isipan ko. Natanggap na kaya Nick yung pinapaabot ko? Ano kaya yung magiging reaction niya? Yung mga ganoong bagay.