In My Dreams - Chapter 8

9 2 5
                                    


" Guys! " sabi ko na hinihingal . Akala ko ba hindi na mag-iintayan dito sa cafeteria? Gulo din naman ng mga to

Napalingon naman silang tatlo sakin tumigil ako sa paghinga , at ganun din sila . Nag exhale ako ginaya nila ulit ako . Mga dalawang beses ginawa ko yun at ganun din sila!

" Bwahhh! " Ginulat ko tong mga to at ayun nagulat naman .

" HAHAHAHAHA! P-price less ahh . " tawa lang ako ng tawa na ako lang pala ang natatawa . Napahinto naman ako. Alam mo yung para silang nakakita ng multo . Jusko. Patay na ba ko?

" Huy. Ano ba mga problema niyo? Para kayong nakakita ng multo ah. Akala ko ba sabay sabay tayo pupunta dito. Bakit nauna kayo? " Nakakainis. Kanina pa sila ganyan sakin simula nung nagrecite lang ako sa science subject . Nakakatampo.

" A-ah . Sorry akala kasi namin nauna ka na. Di ba lumabas ka kaagad kaya akala namin mauuna kang pumunta dito. Hihi " Parang medyo nininyerbos tong si xavier ah.

Well, totoo naman lumabas ako agad ng room kasi naiihi na ko. Kinikilig pa nga ako habang naglalakad. Hihihi.

" Sorry. Tara ! Bili na tayo ! " Tumakbo na ko sa pwesto namin. Pero yung tatlo para silang zombie na busog. Aish ! Pwes ako Gutom na ko! Tumayo na ko at bumuli ng makakain.

Hmmmm. Cheese burger , fries and Strawberry juice !! Yeyy! Buti nalang ako ang nuna.

" Mana-Aray! " Sakit nun ah. Napatingin naman ako kung sino yun.

Si Monica .

" Oops! I thought its a trash can " nagtawanan naman yung mga maids niya . Akala mo naman DIYOSA! Tumayo na ko baka isipin pa ng iba dito ako matutulog saktong pagkatayo ko  lumapit siya sakin.

" Paharang-harang ka kase " Tumalikod na siya saken at ang saket ah! Yung buhok lang naman niya eh tumama sa maganda kong mukha. Tss. If I know She's insecure 'cause she afraid to loose her Crown and Im the one who may get that crown. Bwahahaha! K.enough


Pumila nalang ulit ako sa dulo . Bayan! Gutom na ko eh.

After 7 minutes naka bili din ako.

Pumunta na ko sa table kung saan andun sila Xavier AT si monica plus yung 3 Maids niya.

Papalapit palang ako pero feeling ko OP na agad ako.

" Haha. Mamaya ah. Game ako diyan! " Tuwang tuwang sabi ni Lucas. Nakaramdam ako ng selos kase SUPER FRIENDS ang tingin ko sa aming anim. Nag-iba ko ng way na pwedeng pag-upuan , yung alam kong malayo-layo sakanila.

Nang makaupo na ko. Pinagmasdan ko sila. Siguro kung andito sila khyle , sobra na akong OP. Close na close sila oh . Hayyy. Makakain na nga.

Mainit init pa . Hmmm Ang bango. Hi Cheese B eto na si mouth hihihi. Ahhhhh

" AHHHHHHHH! KHYLE AND CALEB ARE HERE NAAAAAAAAA! " Napatigil naman ako sa pagsubo ng Cheese B . Si khyle at cal ? Andito na?

Napatayo naman ako At Ayun ! Shocks! B-bakit ang gwapo niya. Parang mas lalo siyang gumwapo ! Ilang araw lang naman siyang nawala ah. Lalapitan ko na sana sila kaso biglang may kumapit sa braso ni khyle at si monica yun.

Para akong nanigas ng magtama ang aming mga mata . Feeling ko tunaw na ko . Pero mabilis din niyang iniwasan yung titigan moment. Ha?

Nanaginip ba ko? Bakit ganito nalang nila ko ituring na parang walang nangyari? I mean parang walang friends friends na nabuo saming anim? Si caleb naman busy sa pag tetext. Si caleb kaya? Friends pa rin ba turing sakin?

In My Dreams (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon