I open my rp account, and automatically smiled.
“Hi babe, gusto sana kitang makita in personal. Let's meet up?” mensahe nito sakin
this is it pansit, magkikita na kami after one month of being in a relationship with him. hihi
“Sure, Babe sabihin mo lang kung saan tayo magkikita.” I giggled
seconds pass
“Sa park na malapit sa school niyo na lang tayo magkita, friday afternoon babe.” he replied
“Sige Babe chat mo ako for more info, I love you so much.” ang harot
“See you.” ay wala man lang i love you too?
Next day is friday kaya hindi ako makapakali.
He's my first boyfriend
faceless
unknown
pero bukas makikila ko na siya.
“Oh Cha bakit parang uod ka jan?” puna ni kuya sakin dahil sa hindi ako matigil sa kakalakad.
naghahanap kasi ako ng masusuot na babagay sakin bukas.
“Ah wala kuya, hehe exercise lang.”
---
napaaga ako sa park dahil sa sobrang excitement.“Babe nandito na ako sa park, san ka na?” I chatted
“Otw na babe, san parte?” he replied
hindi pa ako nakakapag-reply ng nag chat itong muli.
“Uh nakita na kita babe.” he said
nakilala niya ako? eh hindi pa naman ako nagsesend ng op sakanya ni minsan.
napalinga-linga ako sa paligid at sakto namang nakita ko si kuya papalapit sa gawi ko.
balak ko sanang magtago, baka mag pang-abot pa sila ni kent.
“Hi babe.” ngisi na bati sakin ni kuya kasama niya sina mama at papa
na estatwa ako sa kinauupuan ko
wt-- don't tell me? si kuya at si kent iisa?
at dahil sa wala akong masabi, gusto ko na lang tumakbo palayo sakanila.
“May pa I love you ka pa, tapos anong nineteen yrs old ka jan.” si kuya naman sabay batok sakin
napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan.
“Ang landi landi mong bata ka, thirteen yrs old ka pa lang at hindi nineteen.” si mama sabay hawak sakin
“You're grounded for a month Charice, may gatas ka pa sa labi may pa babe, babe ka pang nalalaman!” bulyaw sakin ni papa
“Sorry hehe.” nag piece sign pa ako kina mama
“Hindi mo ba nahahalata na ako ang ka chat mo?” tawa naman ni kuya habang sina mama at papa naka tingin ng masama sakin.
rip self landi landi mo kasi.
“I hate you.” sabi ko kay kuya ng pabulong
“Oh nasan na yung “I love you so much babe” mo jan, Cha.”
jowa na naging jowala pa! pahamak na rp yan nagisa tuloy ako sa bahay.
what a SCAM
“walanghiya ka kuya!” sabi ko at umiyak na lang sa kwarto, dahil sa kagagahan ko.
YOU ARE READING
SHORT STORY (COMPILATION)
Short Storyshort story may crush ka pero hindi ikaw ang gusto