Thirteen

10 1 0
                                    

“Anak bakit ka umiiyak? kanina lang tumatawa ka jan.” nag aalalang tanong ni mama pagkakita niyang luhaan ako.

“Mama kani-kanina lang ang sasaya ko tapos tapos.” I said ang hug her.

“Tapos?” tanong nito at inaalo ako sa likod.

“Tapos ng saya at kilig, iyakan ang mapapala ko Mama.” umiiyak pa rin ako habang binibigkas bawat salita.

“Sus bata ka ano bang nangyayari sayo?”

“Mama p-patay na po siya.” nagulat si mama sa binalita ko at humiwalay sa pagkaka akap sq

“Sino ang namatay anak?” tanong nito

“Yung magiging boyfriend ko po sana Ma.”

“Huh?” naguguluhan na nitong sabi

“Mama iniwan niya na po ako.”

“Sino ba 'yan Nak?”

“Hindi niyo po siya kilala Mama, pero nagmamahalan na po kami.”

“Ano ang ikinamatay niya anak?”

“Mahabang kwento Ma.” naiiyak ko pa rin na saad

“Na-nahuli na ba ang pumatay sakanya anak?”

“Hindi po Mama, ang saya-saya pa nga niya mama pag may nagluluksa eh!”

“Pinagtatawanan niya siguro ako Ma!”

“Ano ba yan anak.” pinagpunan na nito sa'kin ang tuwalyang hawak-hawak niya kanina balak ata ni mama maligo eh.

“Killer siya Mama! lagi na lang siyang pumapatay ng inosente.”

“Sino ba 'yang killer na sinasabi mo Nak?” nag aalala na nitong tanong.

“Si Sicario po Mama.”

“Jusko anak, sino ba yan? walang awa ang ganyang tao pumapatay ng mga taong inosente.”

“Owwsic po mama.”

“Sicario? Owwsic? dalawa silang pumatay?”

“Hindi po mama si Sicario at Owwsic ay iisa, siya po ang pumatay sa boyfriend ko.”

“Teka-teka kanina ka pa sa kakaboyfriend nak, kailan ka pa nagkaboyfriend?”

“Nung simula pa lang ng bagong kwentong nabasa ko Ma.”

“Kwento?”

“Duh Mama sa wattpad kasi.” agad akong binatukan ni mama pagkasabi ko ng wattpad at itinapon sa'kin ang tuwalyang hawak-hawak nito kanina.

“Bwisit kang bata ka! akala ko na totoo inabala mo pa pagligo ko sa kaartehan mo.” Inis na bulyaw sa'kin ni mama kaya ngumisi na lang ako rito at iniwan si mama mag isa.

Epic ka Mama yon na yun eh, nagdadrama na ako.

Pinunasan ko ang natitirang luha ko at agad na naghanap ng kakampi sa pagkamatay ng boyfriend ko.

SHORT STORY (COMPILATION)Where stories live. Discover now