Hindi ko alam kung sasaya ba ako o matatakot dahil sa ibabalita ko sa mga magulang ko.
“Mama may sasabihin po ako.”
tumingala sila pareho sakin
“Ano yun Nak?” nakangiting tanong sakin ni mama
“A-ano po kaasi Ma--”
“Sige Nak wag ka nang mahiya.” sabi ni mama ng hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin
si papa naman nakasimangot sakin
“M-mama, P-papa wag po saaanaa kayong m-magagalit.”
“Just spill it now.” pagalit na sabi ni papa
“B-buntis po ako.” naiiyak ko ng sabi
“WHAAAT?” napasigaw si papa at tumayo sa gulat.
“Sorry po p-papa.” naiiyak ko pang sabi
“At sino naman ang tatay ng dinadala mo?” tanong ni mama
“Kailan mo nalaman na buntis ka?”
“Papanagutan ba ng nakabuntis sayo ang batang yan?” dagdag ni papa na galit na galit na ngayon.
ang daming tanong, juseyo!
“Buntis po ako at hindi ko po kilala kung sino ang tunay na ama kina, Rozen, Chase, Ares, Hades, Damon, Dashiel, Elijah, Eion, Hector, Hen--” napatigil ako sa pagsasalita.
At napabalikwas nang naramdaman kong may bumuhos sakin ng malamig na tubig
“TANGINAAA!” inis na sigaw ko
kung sino man ang maygawa nito humanda ka sakin.
“AYAN GISING KANA PORTIA! KANINA KA PA NANAGINIP JAN.” si ate habang nakataas ang isang kilay nito sakin
“ATE NAMAN EH!” reklamo ko
“ANO?”
“Wala po.”
mahinhin kong saad, parang dragon kasi ito pag-nagagalit.
“BWISIT KA TANGHALING TAPAT NANAGINIP KA JAN, HALA SIGE BANGON AT MAG HUGAS KA NG PLATO.”
utos nito sakin
aish!
Pahamak kang panaginip ka, nabuhusan tuloy ako ng malamig na tubig.
YOU ARE READING
SHORT STORY (COMPILATION)
Short Storyshort story may crush ka pero hindi ikaw ang gusto