CRUSH
"Hi Yuri" my crushed approached me isa ito sa kaibigan ng kapatid ko.
"H-hey." I smiled
Tangina ganito pala kiligin minsan matutulala at mauutal ka.
"Are you busy?" she asked
May inuutos yung guidance sakin pero dahil si crush ang nagtanong.
"No." agad ko namang sabi.
"May sasabihin sana ako." parang nahihiya pa nitong saad.
Sasabihin kaya niya na crush niya ako? so the feelings is mutual.
"What is it?" pa english ko pang tanong dagdag points yun.
May inabot ito sa'kin isang envelope na parang may laman na papel.
Love letter kaya 'to para sakin?
Sa loob-loob ko gusto ko ng magtatalon ngayon.
"Pwedeng ibigay mo yan kay Katelyn." kumunot ang noo ko
Si Katelyn ang kapatid kong babae.
"Bakit hindi ikaw ang mag abot?" sabi ko naman, baka gagamitin niya si Katelyn para maabot 'to sa'kin?
"Ahh ano kasi baka hindi niya tangapin." nag away kaya sila?
Baka naman sorry letter ito para sa kapatid niya.
"Bakit naman hindi?"
"Paki abot na lang sakanya." ulit naman nito.
"Ano ba meron rito?" tumaas ang boses ko ng bahagya.
Crush kahit gusto kita kung 'di mo pa sasabihin kung anong laman nito at pag ako napikon hahalikan kita.
Bwisit
"Basta."
"Hindi ko ibibigay kay Katelyn 'to, kung 'di mo sasabihin kung anong laman nito."
"May aaminin ako." eto na kaya yung part na sasabihin niyang crush niya ako?
Aamin na kaya ito na may crush siya sa'kin?
"Ok ano 'yun?" masaya ko namang tanong hindi ko mapigilan ang excitement.
"May gusto kasi--" hindi nito natapos ang sasabihin.
"Gusto rin naman kita, crush na crush nga kita eh."
"H-huh?" natulala ito
"Ang sabi ko crush kita una pa lang kitang nakilala." pag uulit ko.
"A-ano?" bahagyang lumaki ang mata nito sa gulat.
"Crush kita crush mo ako, so tayo na?" ngising ko namang sabi
Natulala ito sakin at namutla.
"Love letter ba ito na para sa'kin? nahihiya ka lang sabihin na para talaga sa'kin ito at hindi kay Katelyn?" humakbang ako papalapit rito at umaatras naman ito.
Gusto ata nitong makorner ko siya sa dingding tapos ihaharang ang katawan rito.
"Teka lang Lance! A-no kasi." tumigil naman ako
"Hindi naman kita crush! at hindi ako pumapatol sa lalake! Si Katelyn ang gusto ko at hindi ikaw." parang nagunaw ang mundo ko at naestatwa.
"Kaya kung ang akala mo na ikaw ang gusto ko nagkakamali ka." sabi pa nito at umaatras pa rin.
Habang ako nakatulala sakanya at prinoproseso ang lahat ng sinasabi nito.
"At yang inabot ko sayo, love letter yan para kay Katelyn." agad na napasulyap ako sa hawak-hawak kong envelope.
"SANA IBIGAY MO." sabi nito at umalis sa harapan ko.
Naiwan naman akong tulala at pahiyang-pahiya.
Pinagpupunit-punit ko ang envelope at inapakan sabay mura ng paulit-ulit.
Tignan na lang natin kung makalapit ka pa sa kapatid ko, bwisit!
"Tomboy si Crush."
-
YOU ARE READING
SHORT STORY (COMPILATION)
Short Storyshort story may crush ka pero hindi ikaw ang gusto