Chapter 4

326 13 1
                                    

SATURDAY afternoon.

Nasa bahay kaming magbabarkada. Si Tine nalang ang hinihintay namin. Ito narin kasi ang nagtake-out nang food para samin.

Nagkakatawanan kami nang dumating na si Tine.

"Guys! guys! may balita ako! VIP nang buhay mo Chin!" excited na sabi ni Tine nang makapasok na ito nang bahay namin.

"Easy naman Tine, ano ba yan?."

At nilapag ni Tine ang dala nitong magazine.

Nagulat kami nang makita ang front cover nito.

"O-M-G! Si Jjong ba to?!!" si Rafa.

Natigilan ako. Si Jjong Ryu nga ang front cover nang magazine.

"Pano sya nacover dito?." tanong ni Miki.

"Basahin nyo yung page.08 andun yung full article para sa kanya.

Agad na kinuha ni Rafa ang magazine at binuksan agad sa nasabing page.

Nag-uumpisa nang magbasa ang nagtabing sina Rafa at Miki, nang magsalita ulit si Tine.

"Kumuha pala sya nang Architeture degree nang nasa Japan sya. At dahil nga magaling sya ay hindi sya nahirapang maging successful sa career nya. Nakalagay din dyan yung mga buildings na sya mismo mag-isa ang nagdesign."

"Tine naman, binigay mo pa tong magazine para basahin namin, di sana ikaw nalang tinanong samin." sita ni Rafa kay Tine.

Hindi ko na pinansin ang mga ito. Nakatitig lang ako sa mukha ni Jjong na nasa magazine. Napakagwapo nito tignan sa suot na white long sleeve shirt na nakaroll pa ang sleeve. Ang pang baba naman nito ay khaki color na chino trouser. Bahagya itong nakasandal sa isang dingding.

Ngayon ko lang ulit kasi nakita ang mukha nito. Ilang beses ko ring itong hinanap sa social media. Pero wala akong mahanap, mukha naman din kasing hindi ito mahilig sa mga ganun.

"Okay ka lang Chin?." narinig kong tanong ni Miki.

"Oo naman bakit?."

"Eh ba't ganyan ang mukha mo. Parang ang lungkot-lungkot mo."

Bigla kong inaayos ang sarili.

"Hindi ah, binabasa ko kasi yung article, ang ingay-ingay nyo. Pati yung dalang pagkain ni Tine nakalimutan nyo na." tumayo nako para kunin ang paper bag na dala ni Tine.

"Ako na maglalagay nito sa table." at iniwan ko na ang mga ito.

Nang gabing yun ang hindi ko magawang makatulog. Buti nalang at Linggo kinabukasan. Kinuha ko ulit ang magazine na binabasa kanina nina Rafa. Binasa ko lahat nang nasa article tungkol dito. Sa bandang "personal life" section nito nabasa ko na single parin ito hanggang ngayon. Sa nabasang yun ay napangiti ako pero napawi din naman.

MONDAY morning.

"Paalis kana?." bungad sakin ni Kuya nang makababa nako nang hagdan.

"Opo, bakit?."

"Oh..." sabay abot sakin ni Kuya nang card.

"Ano to.?"

Binasa ko ang nakalagay sa card.

Invitation iyon nang kasal ni Simon at Yna. Hindi nako nagulat sa balitang yun.

Last month lang kasi ay nagtext si Tita Naneth sakin, nangungumusta ito at nabanggit nga nito na malapit nang ikasal ang panganay nito.

"Sa friday na pala ang kasal nila." suhesyon ko.

"Pupunta ka ba?, I mean sasama ka ba sakin?."

"Syempre naman kuya..." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang magsalita ulit ito.

Because I'm Your Girl 2 | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon