Chapter 5

328 16 0
                                    

KAKAUPO ko palang nang magsalita ulit ito.

"You're late..."

Ni hindi man lang ito tumingin sakin.

"Just to be clear, you are from AIDEA?."

Aba ngayon lang ulit kami nagkita, tapos ganito ang magiging tono nito?. At dami dami namang  Architect sa Pilipinas ay ito pa talaga? Under na pala ito nang AIDEA Philippines Inc.

"Yes, by the way...I only have 20 minutes for this meeting." tumingin na ito sakin.

Kung makatingin naman ito ngayon ay parang naguguilty ako.

Wala naman akong kasalanan dito ah.!

"20 minutes? akala ko ba lunch meeting to? " mataray na tanong ko.

Gustong-gusto kong tanungin ito kung kumusta na ito. Kaso mukhang hindi mangyayari yun, sa tono kasi nang pananalita nito ay para bang last week lang kami nagbreak.

"Well, it should be 30 minutes but since you're late...a cup of coffee will do."

I can't believe this! Galit to dahil lang sa 10 minutes na late ako?!

Magsasalita pa sana ako nang naunahan na naman ako nito.

"We should start, dala mo ba yung mga hiningi ni Susan?."

Hindi pa rin ako makapaniwala! Nasa harapan ko sya ulit ngayon. Pero bakit parang sobrang cold naman nito sakin.

"Here..." sabay abot sa folder na dala ko.

Chineck nito ang folder tapos tinawag ang waiter.

"Yes sir?.."

"Two cups of caramel latte please."

Parehas naming favorite yun nung College.

Pero dahil gusto kong magpakabitch dito.

"No, I like to have a double espresso."

Nagbaling ito nang tingin sakin at sinenyasan ang waiter na sundin ang sinabi ko.

Nang makaalis na ang waiter ay biglang nagring ang cellphone ko.

"I'm sorry..."

Hindi ito sumagot. Binalingan nito ulit ang folder.

El Calling...

Ano ba naman to.

"Yes?.." walang ka ganang-gana na tanong ko.

"Mga 10 na pala ako makakasapasok sa Monday."

"Hindi pwede." Hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Jjong habang nasa phone ako.

May magagawa ba ko, nasa harapan ko ito.!!

"Ha?...may night out kami nang mga friends ko bukas. For sure mga midnight nako makakauwi." singhal nito.

Kapag minamalas ka nga naman, mukha pa tuloy akong Nanay nang batang to.

NAGKUKUNWARING tinitignan ni Jjong ang mga papers na dala nito.

Kunwari ay deadma sya sa kausap nito. Kahit parang gusto na nyang kunin ang cellphone nito at ihagis.

Sino ba ang kausap nito?! May boyfriend na kaya ito?

Nadisappoint sya nang sobra nang malaman na hindi ito makakapunta sa kasal nang Kuya Simon nya kahapon.

Ilang beses nya ding prinaktis ang sarili sa harap nang salamin, kung papaano nya ito kakausapin kapag nagkita na ulit sila.

He missed her so much. Ito ang dahilan kong bakit nagbalik sya nang Pilipinas.

Because I'm Your Girl 2 | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon