"SINO yan?..." bulong sakin ni Rafa.
Para kaming ewan ni Rafa, niyaya ko kasi itong dalawin namin si Jjong sa site.
Well hindi talaga, dahil wala naman akong balak magpakita dito.
Naging parehas kasi kaming busy sa work. Pero palagi naman itong natawag sakin.
Sobrang miss ko na ito kaya dinamay ko si Rafa na iistalk ito at makita.
Busing-busy ito nakikipag-usap sa mga construction workers. At yun na nga may katabi itong babae. Kung makangiti naman itong babaeng ito sa Jjong ko para lalamunin nya ito nang buhay.
Over ka naman Chin!
"Mukhang close pa sila oh..." dagdag pa ni Rafa.
Tiwala naman ako kay Jjong, pero hindi sa mga babaeng nakapaligid dito.
Isipin ko palang na marami itong nakakasama na mga babae eh parang nag-iinit ang mga tenga ko.
Hindi naman ako ganun ka selosa.
Asus?! Di ba nga nagbreak kayo dahil sa kakaselos mo kay Monica?!
"Katrabaho nya yan..." paliwanag ko kay Raf.
"Ganda nya girl, bagay sila nang friend mo."
Kinurot ko si Raf.
"Aray!" bulalas nito.
"Anong bagay? saka friend ka dyan!" sita ko dito.
"Friend talaga, kasi parang di naman kayo diba?!"
Tama naman kasi ito. Ano nga ba kami ni Jjong?.
Ngayon ko lang narealize. Importante pala talaga ang label sa isang relasyon.
NASA ATC kami ni Jjong.
Katatapos lang naming kumain nang maisipan naming maglakad-lakad.
Kinuha nito ang kanang kamay ko.
"Hindi ka na ata masyadong nagpopost sa instagram account mo?"
Nagulat ako sa tanong nito. May instagram to?!
"Ha? pano mo naman nasabi? Pinafollow mo ba ko?"takang tanong ko.
"Syempre naman..."
"Sino ka dun?."
"Yung moodyapple yung name." nahihiyang sabi nito.
Natawa ako.
"Ikaw yun? grabe kung maglike yun sa mga pics ko. Last time nga inopen ko yun wala namang profile pic tas naka private pa. Ikaw pala yun?.."
"Bakit nga hindi na?" pangungulit nito.
"Teka kelan mo pa ko pinafollow?" usisa ko.
"Matagal na, nasa Japan pako..."
"Talaga?!"
"Oo..."
Kinilig ako sa mga nalaman ko dito.
Sana ay hindi na matapos tong gabi na to.
Minsan natatakot ako kapag sobrang saya ko pakiramdam ko kasi may kapalit na lungkot ang bawat saya.
Chineck ni Jjong ang relo nito.
"Tara!." yaya nito.
"Saan?"
"Nuod tayo sine."
"Ngayon?" natatawang tanong ko.
"Oo...like old times." at hinawakan pa nito ang dulo nang baba ko.
BINABASA MO ANG
Because I'm Your Girl 2 | Completed
Romance"I love you Aileen....sobra." paos na sabi nito. Nag "I love you" na. Suko nako. Highest Ranking Achieved: #2 Tagalog Teen Fiction #10 Filipino Writer