Chapter 11

306 11 1
                                    

HALOS mangangalahati na ang araw ay hindi pa rin dumadating si El.

Aba lokong to ah! Ni ayaw namang sagutin yung mga tawag ko. Ring lang nang ring. Lagot sakin yun kapag nakita ko na to.

"Mel dumating na ba si El?."

Tanong ko dito nang makalapit ako sa desk nito.

"Wala pa Aileen, may pinapaayos pa naman ako sa kanya kahapon."

"Miss Raymundo, nasa linya po si Sir Martin." sabat samin ni Rose.

"Okay, thanks.!"

Agad kong kinuha ang telepono para makausap ito.

"Aileen, please I need to speak to you in person." sambit nito sa kabilang linya.

"Pupunta na po ako dyan." saad ko.

"HO?..." gulat ko sa mga sinabi nang matanda.

Naglayas daw si El! Halos dalawang araw na raw itong hindi nagpapakita sa mga magulang.

Nagkaron daw ito nang pagtatalo, sumama ang loob kaya ayun umalis nang walang paalam.

"Aileen, please do something. Pakiramdam ko kasi makikinig sayo yun. "

"Naku Sir, I don't think so...kahit po kasi ako ay madalas kontrahin non."

Sa totoo lang ayaw kong makialam sa problema nang mga ito.

Paano nalang kung totoo yung sinabi ni Rafa na may gusto ito sakin.

PAGKABALIK ko sa office ko ay agad ko ulit tinawagan si El.

Akala ko ay hindi parin ito sasagot.

"Aileen.."

"El?! where are you? Aba alam mo namang kailangan mong pumasok ngayon diba?!." singhal ko dito. Magkukunwari ako na hindi ko alam ang paglalayas nito. Baka kasi sa ganung paraan ay masabi nito kung nasaan na ito ngayon.

"Magreresign nako..." rinig kong sabi nito.

"Ano? at bakit naman?"

"Basta...marami akong iniisip ngayon eh." maktol nito.

"Nasan ka ba?"

"Basta nasa malapit lang."

"Great...saan yang malapit na yan?."

"Andito ko sa Manila Hotel."

Ha?! at naghotel pa talaga ito!

"Okay, wag kang aalis, pupuntahan kita."

"Wag na Aileen hin____"

"Ah basta! wag kang aalis.!"

Pano ba yan! May lakad pa naman kami ni Jjong ngayon.

Itetext ko na sana si Jjong para icancel muna ang lakad namin nang naunahan ako nito.

"Maagang natapos meeting ko, andito nako sa may cafeteria. Dito nalang kita hihintayin."

Napangiwi ako nang mabasa ang text nito. Ano ba yan?! Kasalanan to lahat ni El eh, naeexcite pa naman akong makita si Jjong.

NASA loob na kami nang sasakyan ni Jjong.

Hindi ko magawang sabihin dito ang balak kong pakikipagkita kay El.

Mamaya eh kung ano na naman ang isipin nito.

Sasamahan ko pa naman sana itong bumili nang bagong suit.

"MMmmm....."

"May problema ba?." tanong ni Jjong, habang nagmamaneho.

Because I'm Your Girl 2 | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon