PAGKABUKAS nang elevator ay agad akong sinalubong ni El.
Umismid pa ito bago nagsalita.
"Wag mo kung kausapin, wala ako sa mood." tinaas ko pa talaga ang kaliwang kamay ko.
Pero hindi ito nagpapigil. Dirediretso parin ako sa paglalakad.
"Lumabas ka ba kagabi? may nalalaman ka pang walang matinong empleyado ang magnanight out nang Sunday night.."
Pumasok nako sa office ko at sumunod naman ito.
"Nga pala, may meeting ka with Mr. Ryu this afternoon." sambit nito.
Nagulat ako.
"Ha?! bakit today? sa Wednesday pa ah.!" reklamo ko.
Ano ba yan?! Hitsura ko naman today oh.!
"May biglaang out of town daw sya. Alam mo bang kanina ka pa daw nya tinatawagan, nakaoff naman daw phone mo, kaya dito sya sa office tumawag." paliwanag nito.
Saka ko lang narealize na patay nga pala ang cellphone ko.
"Anong tono? galit ba?"
Nagtaka naman si El.
"Baka, how will I know? teka?."
"Bakit?!"
"Wala..."
"Tinawagan nya ba ko sa cp ko muna bago dito sa office oh dito muna sya unang tumawag bago sa cp ko?"
"Ano ba yan, ang daming tanong. Malamang una ka nyang tinawagan sa cp mo. Kakaexplain ko lang eh." nababagut na sagot nito.
"By the way, how do I look today?"
Napakamot ito nang baba.
"What do you mean?."
"Mukhang ba akong okay? Yung normal?."
Napangiwi naman ito.
"Alam mo hitsura mo today? Haggard. Monday pa lang haggard ka na.."
Inirapan ko ito. "Sige na iwan mo na nga ako."
Agad kong chinarge ang cp ko pagkaalis ni El.
Pagkaon ko nito ay biglang nangregister ang text ni Jjong.
"Meet me at 2 at the cafeteria."
Napabuntong hiningi nalang ako.
INAYOS ko muna ang sarili bago ako pumasok sa may loob nang cafeteria at lapitan ito.
He's having an orange juice.
"Hi..." bati ko.
"Are you okay? you look tired." mukha namang sincere ito sa pagtatanong.
Oh my!
Kung pwede lang irewind ang pagbati ko dito.
"I'm very well. Thank you for asking." pagkukunwari ko.
"Great...so let's go."
Naglakad na kami ni Jjong papunta sa site. Nasa may likod lang naman nang Makati Med ito. Isa iyong lumang 2 story building na gigibain at patatayuan nang bago. Yun ang magiging bagong building nang HR department.
Naabutan namin ang mga construction workers na busy sa kanilang mga ginagawa. Isa dito ang bumati samin.
"Sir Jjong!"
"Good afternoon Kuya Maning." bati nito sa lalaki.
"Aba'y sinama nyo pala ang girlfriend nyo." ngiti nito sakin.

BINABASA MO ANG
Because I'm Your Girl 2 | Completed
Romance"I love you Aileen....sobra." paos na sabi nito. Nag "I love you" na. Suko nako. Highest Ranking Achieved: #2 Tagalog Teen Fiction #10 Filipino Writer