Karylle
.
.
.
"Huy! Ano na nga ulit pangalan mo? Karylle diba? Mula daw ngayon ako na ang kasama ni Russ na magta-trabaho under Doc. Vice." Sabi sakin nung kasama naming babae. Nagtaka naman ako. May nagawa ba akong mali? Maayos naman pagtrabaho ko ah. Ginagawa ko lahat ng sinasabi niya. "Ano?! Teka,bakit daw?" Sagot ni Russ. Nanatili akong tahimik. Iniisip ko yung nangyari kanina. Galit ba sya nung pinaalis kami? Bakit? Dahil ba sa holding hands namin? Pero bakit? Bitter sya ganun? "Aba malay ko. Baka hindi ginagawa ng maayos ni Karylle and trabaho nya." Masungit na sagot ni Jane. "Jane pwede ba. Kung may madalas mang pumalpak dito. Walang duda ikaw yun. Sa one month na pag-ojt natin dito ilang beses ka napagalitan sa kapalpakan mo?" Sagot ni Russ. Inirapan lang naman siya nung Jane. "Ngayon madadamay pa ako kung papalpak ka na naman." Asar na sabi ni Russ. Hinawakan ko naman siya sa braso. "Tama na yan. Hayaan mo na." Sabi ko para tumigil na siya. Baka marinig pa kami nung mga nagta-trabaho dito. "Mga bata,pwede na kayong mag-lunch. Malapit na rin naman mag-twelve. Balik na lang kayo mamayang 1:00." Sabi ni Doc. Luna sa amin. "Sige po. Salamat po." Sagot naman ni Archie. At tsaka kami hinila palabas ng RHU. "Tara na. Dun sa dati ba? Or mag-mami na lang tayo?" Sabi Russ. "Ayoko na dun. Nung huling pumunta tayo dun. Natae ako." Natawa naman ako sa sinabi ni Archie. "Sa dati na lang. Sa carenderia na lang tayo." Sabi ko. They agreed kaya naglakad na kami papunta sa Carenderia na malapit lang naman dito sa munisipyo.
.
.
.
Karylle
.
.
.
"Tapos sabi niya. Ha? Akala ko ba napkin bibilhin natin? Yung napkin na pads talaga binili niya teh. Eh table napkin pinapabili samin." Sabay naman kaming natawa ni Archie. "Oh tama na yan bakla ka. Pinapahiya mo na ako kay Karylle." Sita naman sa kanya ni Russ. "Oh? Hi girls!" Natahimik kami at tumingin sa nagsalita. "Hello po ma'am. Happy lunch po Doc. Vice ma'am Shane." Bati ni Russ. Ngumiti lang naman ako. Nakatingin lang samin ni Russ na magkatabi si Doc. Vice. "Tara na babe." Sabi ni ma'am Shane at umangkla kay Doc. Vice. "Shane pwede ba. Nakakadiri ka." Sabi naman ni Doc. Vice at tinanggal ang kamay ni Ma'am Shane. Yumuko ako nung makita kong makatingin din siya sakin. "Napaka-arte naman ng crush ko." Sabi pa ni Ma'am Shane. Naramdaman ko namang umalis na sila at nilampasan na kami. "Alam niyo,halata kay Ma'am Shane na gustong-gusto niya si Doc noh?" Komento ni Archie. "Yeah. Pero halata din kay Doc na ayaw na ayaw niya kay Ma'am Shane." Sagot naman ni Russ at sabay silang tumawa. Nanatili lang akong tahimik,habang nilalaro ang pagkain ko. "Huy! Teh. Ayos ka lang?" Tapik ni Archie sa kamay ko. "Ha? A-ah. Oo naman." Nginitian ko sila at tinuloy na ang pag kain. Ano to Karylle? Pinakiramdaman ko yung puso. Napakabilis ng tibok. I sighed at binalewala na lang.
.
.
.
Vice
.
.
.
"Naku,matagal na po pala kayong hindi umiinom ng maintenance niyo eh. Kaya siguro nanakit batok niyo at nahihilo kayo. Humingi na lang po kayo dun kay Ma'am Thelma ng maintenance niyo ano po. Wag po kasi kayong tumigil sa pag-inom ng maintenance niyo. Gusto niyo po bang lumala highblood niyo?" Nakangiti kong tanong sa pasyente ko. "Ay,sino ba ang may gusto na magkasakit?" Sagot naman niya. Lalo naman akong napangiti. "Kaya nga po,wag niyo po itigil pag-inom niyo ng maintenance niyo. Kunin niyo na po itong papel niyo tas kuha kayo ng gamot sa labas. Kay Ma'am Thelma ho." Sabi ko at sinulat yung gamot na kakailanganin ibigay sa kanya. Tsaka ko inabot sa kanya. "Salamat apo." Sabi niya at tumayo na. "Welcome po." Sabi ko at tumayo para alalayan siyapalabas ng office ko. Pinapasok ko naman ulit sina Russ at bago nuyang kasama. "Doc may iapapagawa po kayo?" Tanong nung babae. Kita ko naman sa mukha ni Russ na ayaw niya sa kasama niya. Napangiti naman ako. "Ah. Oo. Itong cabinet,pakitanggal yung mga papers na laman. Ilagay niyo jan sa box. Tas pagkatapos. Dalhin niyo sa baba,sa likod ng RHU." Utos ko. Wala na kasi akong mapaglagyan ng mga papers ko. Nakatambak na lang sa mesa ko. "Sige po." Sagot nung babae saka sinunod yung inutos ko. Umupo ako. Naisipan ko namang mag-open ng social media. Bumungad sa timeline ko ang litrato na Russ,Karylle at Archie.
'Russ Samson tagged Karylle Tatlonghari in a post
Bagong kaibigan. Bagong pag-ibig'
Nawala yung ngiti ko at napalitan ng inis. Tsk. Apakalandi! "Doc? Kelangan ka po sa ER." Sumunod naman ako kay Ma'am Malou. Pagdating ko dun,nakita ko si Karylle,pinapakalma ang isang bata na may sugat sa paa. "Ano pong nangyari?" Tanong ko sa isang lalakeng naka-civilian. Guardian siguro nung bata. "Motor ho. Ang kukulit kasi ng nga batang to. Ang bibilis magpatakbo ng motor sa kalsada." Sabi naman nung lalake. Nilapitan ko yung pasyente,saktong sa harap ni Karylle,na hawak yung injured na paa ng bata. "Kailangan ho natin tong tahiin. Napaka-open wound po eh." Sabi ko. Hinanda naman ni Ma'am Malou yung mga gagamitin ko sa pagtahi. "Tiisin mo yung sakit iho ah. Sandali lang to. Para hindi,pasukin ng bacteria ang sugat mo. Kasi kung hindi natin tatahiin baka maimpeksyon. Okay?" Hindi naman sumagot yung bata,kasi busy ito sa pag-iyak. Tinignan ko si Karylle na halos namumutla na,habang iniiwas ang tingin sa sugat. "Ms. Tatlonghari,are you sure kaya mo?" Tanong ko. She really look pale kaya kinabahan naman ako. Baka mahimatay to. "Po? Kaya ko po." Sabi niya pero halatang kinakabahan siya. May mga butil na rin ng pawis sa noo niya. "Hawakan mo na lang sa kamay yung bata. Si Ma'am Malou na jan." Sabi ko. Tumango naman siya at dahan-dahang lumipat sa may ulohan ng bata. I smiled at tsaka sinimulan ang pagtahi sa sugat.
.
.
.
.
Karylle
.
.
.
"Grabe hindi ko kinaya yung sugat kanina." Kwento ko kila Russ at Archie. "Kaya nga hindi na ako sumama eh. Grabe,baka kung ako nandun. Nahimatay na ako." Komento naman ni Archie. Tumawa naman ako. "Ako nga muntik na mahimatay eh. Tas kaharap ko pa yung sugat. Buti na lang pinalipat ako ni Doc. Vice sa ulohan nung bata." Sabi ko at tsaka pinagpatuloy ang kumain. Tumango naman si Archie. At kumain na din. Tumingin ako kay Russ. Tahimik ata siya. "Russ,okay ka lang? Ikaw naman tahimik ngayon." Tanong ko at hinawakan siya sa balikat. "Ha? A-ah. Ok naman ako. Medyo puyat lang." Paliwanag niya at ngumiti. "At sino namang pumuyag sayo aber? Wag mong sabihing may lalake ka?" Taas-kilay na tanong ni Archie. "Bakla ka. Wala! Loyal ako sa panliligaw kay Karylle noh." Sabi naman ni Russ. "Eww! Jusko po Inang Heaven! Alam mo Karylle,buti na lang talaga. Mas nainlove ako dun sa rider na pasyente natin nung una. Kung hindi talaga. Naku!" Sabi Archie tsaka umiling. Tumawa naman ako. "Teka? Ibig sabihin,may chance na magustuhan mo din siya noon?" Tanong ni Russ. Oo nga no? Di ko na-gets agad yung point nya kanina ah. Nakatingin kami pareho ni Russ sa kanya at inaantay ang sagot niya. "Hehe. Oo. Pero wag kang mag-alala sis. Na-overcome ko naman bago lumala." Halos sabay naman kaming napa-buntong hininga ni Russ. Jusko,kung saka-sakaling nagkagusto din tong si Archie sakin di ko na alam gagawin ko. "Buti naman. Kasi kung di mo na-overcome. Baka friendship over na tayo." Sagot naman ni Russ. Tumawa naman si Archie kaya napangiti na lang din ako. Nagulat naman kaming tatlo ng nay biglang malakas na nilapag yung tray ng food niya sa katabi ng table namin. "Oppss! Sorry." D-doc Vice!? Nginitian niya kami kaya tinanguan namin siya. Umiwas agad ako ng tingin at pinagpatuloy kumain. "Sya nga pala,may community service daw yung mga midwives mamaya. Attend daw tayong lahat. Sa mga Barangays dito." Ika ni Archie. "Oo,sinabi nila kanina. Sama kayo Russ?" Tanong ko. Syempre,baka may iba silang gagawin. "Oo naman. Si Doc. Vice kasi ang inutusan ni Doc. Luna na sumama sa Communuty Service kaya sasama din kami." Sabi niya saka ako nginitian. "Buti naman." Sabi ko at nginitian din siya. "Ay! Langgam!" Sigaw naman ni Archie at kunyare ay nagpagpag ng langgam sa paa. Tumawa naman kami pareho ni Russ. Napatingin ako kay Doc. Vice at seryoso lang siyang kumakain,kaya umiwas din agad ako ng tingin. Buti naman di niya kasama yung Shane na yun. Tsk.
.
.
.
Vice
.
.
"Doc sama na ako." Arte sakin ni Shane habang nagpapa-cute sa harap ko. "Shane,may iba ka pang gagawin dito diba? Wag ka magpa-cute di bagay sayo." Pagsusungit ko at lumabas na. Nag-aantay na kasi yung Van na sasakyan namin. "Oh Doc tabi ka na lang kila Karylle at Russ. Yan na lang bakante eh." Sabi ni Ma'am Malou pagkaharap ko sa pinto ng Van. Tinignan ko sila pareho. Nasa may pinto si Russ. Kaya kung uupo ako. Ibig sabihin gitna namin si Karylle. I sighed at hindi na nagreklamo. Time is running at ayoko namang maging pa-VIP. Pumasok na ako at tumabi kina Russ at Karylle. "Karyllw, sure ka di ka mahihilo. Palit kaya tayo ng pwesto?" I heard Russ asked her. "Okay lang ako Russ. You don't have to worry." She said at natahimik na sila. I feel so fudgin' awkward right now.
.
.
.
Russ (Bigyan naman natin siya ng exposure. Haha.)
.
.
.
Tinignan ko si Doc Vice,tulog na si Karylle at nakapatong ang ulo niya sa balikat ko. Pero minu-minutong tinitignan ni Doc. Vice si Karylle. Halata ko sa mga tingin niya na nag-aalala siya kay Karylle kung komportable ba sya o hindi. I sighed. Ilang araw ko na ring napapansin ang ganyang attitude niya. Yung pagpalit niya ng kasama ko. Yung sa ER at yung sa Karenderia kanina. Sana mali ang iniisip ko. Sana,wala lang yung mga napapansin ko. Sana.......sana.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sana hindi niya gusto si Karylle.
YOU ARE READING
My Manyak Doctor
FanfictionA college student in her 20's is having her OJT in a Rural Health Unit in her own municipality. Bata pa lang ay nais na niyang maging nurse. While conducting her OJT,she met a Freshly Graduate Doctor. He's gay,freshly graduate pero matalino. Let us...