Chapter IX

1K 15 3
                                    

Karylle
.
.
.
"Doc Vice?" Gulat na tanong ko. Ngumiti siya at nag-wave. "Ako nga sabi pa niya." Kumurap ako ng ilang ulit. Thinking na panaginip lang to. "Hi." Baling naman nya sa mga kasama ko. Nginitian naman sya nila Anne. Siya nga! Jusko! "Can I sit with you guys?" Pormal na tanong nya. Tumango ang tatlo. Tumingin siya sakin as if asking for my permission. I slowly nodded kaya naman nakangiti siyang umupo sa tabi ko. "Girlfriend mo si Karylle?" Diretsahang tanong ni Anne kaya naman tinignan ko sya ng masama. Tumawa naman si Vice. "Ahh. Hindi. Nagkasama lang kami sa RHU dati. Kung saan ako nagta-trabaho." He explained. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Halo-halong kaba,pagkailang at.......at pagkaulila? "So dito ka na pala nagta-trabaho Ms. Tatlonghari. Grabe ka ah. You didn't left any contacts sa amin. Para naman sana alam namin kung pano ka kokontakin. At kung saan ka makikita." Tila may tampong sabi niya kaya napayuko ako sa hiya. "Biglaan ho kasi eh. Pasensya na po." Hingi ko ng paumanhin. "It's okay. At least alam ko na ngayon." Sabi niya kaya alangan akong ngumiti. "Vice! Ba yan! Kanina pa kita hinahanap eh. Tara na inaantay na tayo." Sabi ni....... Ma'am Shane? Ah. So sya pala ang kasama niyang pumunta rito. Hindi kaya?.... Ugh! Nevermind that. "Sige guys mauna na ako. May hinatid lang kasi kaming pasyente dito. I'll introduce myself next time." Sabi niya at nginitian mga kasama ko tsaka tumayo. "Ms. Tatlonghari,mauna na ako. I'll see you again tommorow." Sabi niya at nakangiting naglakad palayo. Teka? Ano daw? Tommorow? "Doc? Teka!? Tommorow?!" Pahabol na tanong ko pero kumaway lang siya at naglakad na sila palayo.
.
.
.
"Ampogi niya ah. Di mo talaga boyfriend yun Amiel Karylle Tatlonghari?" Muling tanong ni Anne. Lahat silang tatlo nakatingin na tila nasa hotseat ako. "Oo nga. Imposibleng di mo jowa yun. Iba makatingin sayo." Segunda ni Buern. Tumawa ako ng peke. "Ano ba kayo. Di niyo ba nakitang bakla siya?" Sabi ko at muling tumawa. "Eh ano naman? Hindi na bago yan Karylle. Andami ng bakla na nagkakagusto sa babae. Pinapakasalam pa nga at inaanakan din." Kontra naman ni Vhong kaya lalo akong kinabahan. "Oo nga. Pero eww. I can't imagine myself in their position." Nangingiwing sabi ni Buern. I sighed. "Wala nga kaming relasyon. Period. Wag na kayong magtanong dahil wala talaga." Sabi ko at tinapos ko na ang pagkain ko. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. "Tapos na ang lunch break. Ayaw niyo naman sigurong mabulyawan ni kalbo diba?" Sabi ko at parang nabalik sila sa realidad. Dali-dali silang tumayo at kinuha ang kanya-kanyang bag. Bago kami sabay-sabay na pumunta sa Hospital na tabi lang ng restaurant na pinagkainan namin.
.
.
.
.
.
Vice
.
.
.
"Yes hello Mr. Baldhine. (Baldhead talaga yan.😂) Regarding your invitation....I would like to discuss it again." Pagkausap ko sa kanya at ngumiti.
"Really?! Sure? Tommorow 8:00 am. Dito sa office ko." Halatang natutuwa siya sa sinabi ko. "Okay. Tommorow. See you." Sabi ko bago pinatay ang telepono. I took a sip on my beer tsaka masayang sumandal sa sofa. Napailing naman ako sa mga pinag-gagawa ko. "Nakangiti ka yata ngayon hijo? May girlfriend ka na ba?" Sabi sakin ni Daddy na halatang kakagising lang. "Ahh. Wala ho." Sabi ko. He nodded at pumunta na sa kusina. Binaling ko ang tingin ko sa harapan ko. I closed my eyes at inisip kong sigurado ba ako sa gagawin ko. Nilagok ko yung alak sa baso at tumayo. 'Bahala na.' Isip ko at umakyat sa kwarto ko.
.
.
.
.
"Sigurado ka na ba Doc?" Malungkot na tanong sakin ni Ma'am Janet. Niyakap ko naman siya. "Sigurado na po ako. Salamat po sa pagtayong nanay ko dito sa RHU." Sabi ko. Bumitaw ako sa yakap at nakita siyang nagpupunas ng luha kaya napangiti ako at bahagyang tumawa. "O siya sige. Ano pa nga bang magagawa ko? Basta kapag hindi mo na kinaya ang trabaho dun. Wag kang magdadalawang-isip na bumalik dito." She said kaya naman hinawakan ko siya sa balikat. "Opo nay." Sabi ko kaya parehas kaming natawa. "Pano ba yan? Wala na akong magaling na assistant. Alam mo bang relax ako nung dumating ka kasi matalino kang bata." Sermon naman sakin ni Doc Luna. Lumapit ako sa kanya at niyakap na lang sya. Niyakap din naman niya ako. "Iba na ang trabaho mo dun ah. Mas maraming emergency. Iba-iba ang attitude ng mga pasyente mo. Kaya kapag di mo na kaya. Feel free to come back here." Sabi niya at hinimas ang likod ko.
.
.
.
"Babye na po." Sabi ko at muling niyakap sina Ma'am Janet at Doc Luna. "Ano ba yan,akala ko pa naman. Ikaw na ang para sakin." Malungkot namang sabi ni Shane. I chuckled at tinapik ang balikat niya. "You'll find him. Bye guys. I'll keep in touch!" Sabi ko bago sumakay sa kotse ko. Bumusina muna ako at kumaway mula sa bintana ng kotse ko bago nagmaniobra paalis. Hayy! Mami-miss ko din dito.
.
.
.
.
Karylle
.
.
.
"Mga teh,alam niyo bang may bago daw tayong doktor dito?" Chismis samin ni Buern,habang nakaupo kami sa Nurse ward. "Totoo? Naku sana guwapo." Excited namang sabi ni Anne. "Huy. Andito na nga ako kung makapag-expect ka pa jan." Sita naman ni Vhong na kakapasok lang. "Tse. At kayong dalawa. Andito na naman kayo. Mga Nurse ba kayo? Naku. Kapag nalaman ito ni Kalbo pagagalitan kayo." Sermon ni Anne sa dalawa. Kapag kasi wala ng ginagawa tong dalawa lagi sila dito sa Nurse's ward. Si Vhong dahil kay Anne. Si Buern. Bored siguro. Joke. Magkakaibigan kasi kami. Siya nga yung unang naging close ko dito eh. Approachable kasi siya. Nature na siguro nilang mga bakla yun. "Binibisita lang naman namin yung mga girlfriend namin." Sabi ni Buern at lumapit sakin saka ako inakbayan. Napatawa naman ako sa ginawa niya. "Bagay kayo. Hahaha. Anyway. Karylle kilala mo ata yung bagong doctor." Sabi ni Vhong at nilapitan si Anne. "Kilala ko? Wala naman akong-" Napaisip ako. Kilala ko? Iisa lang naman ang Doctor na kilala ko bukod sa mga nakakasama ko dito sa Hospital. "Si Doc Vice?" Hula ko at tumingin kay Vhong. Waiting for an answer. "Hindi ko narinig ng mabuti ang pangalan. Basta yung doctor na lumapit sayo kahapon nung kumakain tayo ng lunch." Sabi niya. Tama nga ako. Siya nga?! Pero? Papaano? "At ang sabi pa,matagal na raw siyang gustong mapunta ni Kalbo dito. Kasi siya pala ang Top 1 sa Bar exam. Biruin mo yun. Ang galing niya. Ang hirap kaya nung mga questions sa exam. Akala ko nga noon di na ako makakapasa eh." Sabi ni Vhong at umiling-iling. Top notcher pala siya. Pero mas pinili niyang magtrabaho sa RHU,at ngayon lang pumunta sa Hospital. "Oh. Lunchbreak na. Tara na." Aya ni Buern na nakatingin sa wristsatch niya. Tumango ako ganun din si Anne at kinuha ang wallet ko. Nakasanayan na kasi naming sabay kumain ng lunch. O kaya naman magmeryenda dito sa ward na kami ang magkakasama. Magkahawak-kamay sina Vhong at Anne na lumabas ng ward. Paglabas naman namin ay umangkla sakin si Buern. Hinayaan ko na lang siya. Sanay na kasi ako sa pagiging touchy niya.
.
.
.
.
Vice
.
.
.
"Ano bang dahilan bakit ka pumayag Mr. Viceral?" Mr. Baldhine ask. Dumiretso na kasi ako rito pagkagaling ko sa RHU. "Well,may nurse kayo dito na,gusto kong makasama sa trabaho." Bunyag ko. He looked at me with a puzzled reaction. "Well. Thank you for coming to our humble hospital. Isang karangalan sakin to have you with us." Sabi niya. I stood up and smirked. "Don't thank me. Thank her." Makuhulugan kong sabi at nginitian siya. "Tell me the name. Kakausapin ko agad. Pasasalamatan ko. She must be very special to you." Tukso niya at tumayo rin. I smirked. "Mauna na po ako. I have to check the condo that I bought." Sabi ko. Lumapit siya sakin at nakisabay nung naglakad na ako palabas. "I'm sorry di na kita masasamahan hanggang sa baba. I still have a meeting kasi." Nahihiyang paumanhin niya. "It's okay. Mauna na po ako. See you tommorow." Sabi ko at naglakad na palayo.
.
.
.
"So here's the key sir. Enjoy. Kung meron man po kayong kailangan just ring the front desk anytime." Sabi ng staff at binigay sakin ang susi. I nodded at nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng condo ng makalabas siya. Gray,black and white ang motif ng condo.
.
.
.
"Wow. First surgery. Success agad. I'm really happy and honored to have you as a doctor here at my hospital." Puri sakin ni Mr. Baldhine habang masayang nakatayo sa Doctors office. I just smiled at him. "Nga pala mamaya. I will conduct a short program sa session hall ng Hospital together with the other nurses and doctors para opisyal kang ipakilala sa kanila." Sabi niya. Tumango-tango naman ako. "Okay. Ipapatawag na lang kita. Magpahinga ka na. I know you're tired." Sabi niya. "Sure." Maikli kong sagot at sumandal sa upuan ko. It's true. I'm really exhausted. Tapos di ko pa nakikita yung taong gusto kong makita. I closed my eyes at naisipang umidlip muna saglit.
.
.
.
Karylle
.
.
.
"Ano daw bang agenda at pinatawag tayo ni kalbo dito?" Takang tanong ni Buern na halatang nababagot na. Well,parehas kami ng nararang kasi naming mag-round pareho sa mga pasyente niya kaya larehas kaming pagod. "Pagoda pa ko teh." Sabi niya at humilig sa balikat ko. Humikab siya at papikit na ng magsalita si Mr. Baldhine. "Attention everyone!" Napapadyak si Buern at unayos ng upo. Natawa naman ako ng mahina. "Siguro yung iba sa inyo alam na. We have an additional to our line of Doctors. Respected person siya. Top notcher sa bar exam nila and really has an amazing skill,when it comes to his job." Nakaramdam ako ng kaba at excitement. Oo kilala ko na ang sinasabi niya. Kabado ako kasi magkikita at magkakasama na naman kami sa trabaho. Excited ako kasi makakasama ko na ulit siya. Ang gulo diba? Di ko man aminin na-miss ko siya. "Let's clap our hands and welcome Doctor David Joseph Viceral." Sabi ni Mr. Baldhine at pumalakpak. Pumalakpak din kami. At nadagdagan ng hiyaw mostly sa girls nung naglakad na siya papunta sa tabi ni Baldhine. Buti na lang at nasa harap kami ni Buern. Actually yung mga doctor na gaya ni Buern uupo sa harap ng mahaba at malaking oval shaped na table dito sa Session Hall. Pero medyo nahuli nga kami ng dating. Hindi ko din naman mahagilap si Anne. Si Vhong isa sa mga nakaupo. "Goodmorning to each of us. I am Doctor David Joseph Viceral or you can just call me Doc. Vice. Let's work hard together and save lives. Thank you." Sabi niya at muli kaming pumalakpak. Nakatingin lang ako sa kanya. Bukod sa dati ng guwapo niyang mukha na lalo atang gumuwapo. Wala na akong nakitang bago sa kanya. "Oh and more. Karylle? Oh. There you are." Sabi niya at nakangiting tumingin sakin kaya nagulat ako. Lahat sila ay nakatingin sakin. With puzzled faces. Including Buern na parang nagising ata. Alangan akong ngumiti at hinila ang white coat ni Buern at pilit tinatakpan ang mukha ko. Na hindi ko naman magawa kasi hinihila din ni Buern palayo sakin. "I missed you Ms. Tatlonghari." Ano daw?! Hindi ako makagalaw. Hawak ko pa rin ang coat ni Buern pero pareho kaming tumigil sa paghihilahan ng coat niya. "Girl." Siniko ako ni Buern at tuluyang hinila sa kamay ko yung coat niya. "H-ha?" Sabi ko dahil hanggang ngayon ay gulat pa rin ako. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Vice. Bwesit na bakla to. Ipapahamak pa ako. "I said I missed you. Umalis ka kasi without saying proper goodbye's na kahit contact number or address wala kang iniwan samin." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. "Ahe." Alangan ulit akong ngumiti. Hindi ko gusto na sakin lahat sila nakatingin. At yung iba pa eh masama ang tingin. Dukutin ko mata ng mga babaeng yan eh. Tsk. "That's all." Sabi niya. Binalik niya yung mic kay Mr. Baldhine at naglakad palapit sakin. Kumapit ako sa braso ni Buern at dahan-dahang nagtago sa likod niya. "Diba sabi ko naman sayo,magkikita ulit tayo ngayon. Pano ba yan magkakasama na naman tayo. See you around. I missed you. I really do." Sabi niya ulit at nginitian ako bago naglakad palabas ng session hall. Tahimik pa rin ang lahat. "Buern. Ilayo mo na ako dito please." Bulong ko sa kanya. "Bakla ka idadamay mo pa ata ako." Sabi niya bago,pekeng tumawa kaya nalipat ang atensyon ng iba sa kanya. "Tapos na diba kal-boss? Alis na kami ah." Sabi niya bago ako hawakan sa braso,at tinulak ako kahit nakatalikod pa siya. Pagdating namin sa glass door ay mabilisan siyang humarap at binuksan ang pinto. Pagkalabas namin ay sabay kaming tumakbo palayo. "Hayy! Nakakainis naman! Mukhang di na lang si Kalbo ang galit sakin ngayon!" Problemado kong sabi pagkapasok namin sa Nurse's ward. "At mukhang madadamay pa ako te." Reklamo din ni Buern at umupo sa upuan ko. Habang ako nakatayo lang sa harap niya. "Tutal, ginawa mo na kanina. Pwede ba kitang maging saviour mula sa mga fans ni Doc. Vice?" I asked at nagpa-cute pa sa kanya. "Yak. Di bagay sa'yo girl." Nangingiwi niyang sabi kaya sumimangot ako. "Pero sige. Payag ako." Sabi niya. Kaya muli akong napangiti at niyakap siya kahit nakaupo pa siya. "Karylle! Anong ibig sabihin nun?!" Naputol ang yakapan namin ni Buern ng pumasok si Vhong na hingal pa. Halatang tumakbo. "Alin?" Kunyare ay inosente kong tanong. "Kunyari ka pa! Yung pa-i miss you ni Doc. Vice?!" Eksaherada niyang tanong sakin. Kaya nataranta ako at sinipa si Buern. Mukhang naintindihan naman niya yun. Tumayo siya at inakbayan ako. "Alam niyo,gutom na ako. Tara meryenda tayo. Libre ko." Sabi niya. Mabilis pa sa alas-kuwatrong pumayag si Vhong. "Utang mo ang gagastusin ko ngayong gaga ka ah." Bulong naman ni Buern. Di na lang ako sumagot at hinayaan siyang kaladkarin ako palabas. Nauna pa si Vhong na lumabas. Mukhang-libre talaga yung kupal na yun. Tsk.
.
.
.
.
Pasensya na kung may mga mali ako. Hahaha. Wala kasi talaga akong alam sa mga ganyan. Ewan ko bat ako gumawa ng gantong story. Chos! Hahaha. Labyu guys. Sa mga nag-add lang ng story ko sa library nila,na hindi nag-follow. Pa-follow. Haha. Thanks sibs!😁💛

My Manyak DoctorWhere stories live. Discover now