General
.
.
.
"Ano? Sige. Sandali. Bantayan mo siya ha. Pauwi na ako. Oo nga." Halos mabangga na niya lahat ng nakakasalubong dahil sa pagtakbo palabas ng hospital. Magkahalong kaba,takot at excitement and nararamdaman niya ngayon.
.
.
.
"Argh! Ang sakit! Vice!" Napapangiwi naman si Karylle sa sakit na nararamdaman niya dulot ng pag-labor niya. Kasabay ng pagsigaw ay ang pagpisil at kagat niya sa braso ni Vice na kanina pa namumula. She's gonna give birth to their child. Walang may alam sa gender ng bata dahil mas pinili nilang wag ng alamin. "Doc,pakibantayan ho muna asawa niyo. Tatawagin ko lang po si Doc. Rodriguez." Paalam ng nurse pero pinigilan siya ni Vice. "Ano teka? Rodriguez? You mean,Buern?" Sabi niya. Pinili niyang sa hospital mismong pinagta-trabahuan niya dalhin ang asawa. Ito kasi ang pinakamalapit sa bahay nila. "Opo. Bakit po?" Tanong ng nurse. Muling kinagat ni Karylle ang kamay ni Vice kaya hindi agad siya nakasagot. "Babaeng doctor ang tawagin mo. Subukan mo lang tumawag ng lalakeng doctor sasabunutan kita." Banta niya kaya takot na tumalima ang kaawa-awang nurse (charot). "Ahhh! Aww!" Sigaw niya ng biglaang kagatin ni Karylle ang kamay niya. "You'll never gonna get me pregnant again. Remember that." Nangingiwi at nahihirapang sabi ni Karylle. "Ha? Last three pwede---awww!" Muling napapikit sa sakit si Vice ng kagatin muli siya ng napakabait niyang asawa. "Last three mo mukha mo." Sabi ni Karylle na pawis na pawis na.
.
.
.
.
"Mrs. Viceral,push harder. Nakikita ko na ang ulo ng bata." Payo ng doktora,Karylle tried her best. At sa bawat ire niya ay ang pagsabunot sampal at tulak niya kay Vice na gulong-gulo na buhok. Pawis na pawis na at hindi maipinta ang mukha. After some pushes ay maririnig sa loob ng Delivery Room ang iyak ng isang sanggol. "It's a healthy baby boy!" The doctor said as she held the baby and gave it to Karylle she laid the baby at Karylle's chest. Naiiyak naman itong tinitigan ni Karylle at hinalik-halikan. "Hi baby." Sabi ni Karylle at hinaplos ang mukha ng anak niya. "Vice look---" Hindi na naituloy ni Karylle ang sinasabi ng makitang namumutla na si Vice. Bago pa man muling makapagsalita si Karylle ay natumba na si Vice na agad namang dinaluhan ng mga nurse. Napailing naman si Karylle at muling tinignan ang anak nila.
.
.
.
.
General
.
.
.
"Hi baby! Ako pala ang tatay mo. Half tatay,half nanay." Pagkausap niya sa anak nila ni Karylle na kasalukuyang nasa nursery. He wiped his tears habang hinahaplos ang mumunting daliri ng anak nya. "Doc,pwede niyo na pong puntahan ang wife nyo. Ihahanda lang po namin si Baby." Sabi ng nurse kaya tumango si Vice at pinuntahan si Karylle.
.
.
.
"What will we name him?" Karylle asked. Napatigil naman si Vice sa pagbabalat ng pipino. "Oo nga noh. Wala ka pa bang naiisip?" He asked at umupo sa tabi ni Karylle. "I was thinking of naming him after your father. Rey Alejandro." Karylle suggested,napaisip naman si Vice. "Pwedeng baguhin natin? Ahm. David Alejandro. Okay lang?" Tanong ni Vice at hinawakan ang kamay ng asawa. Karylle smiled and nodded. "Excuse me po. Andito na si pogi baby." Sabay silang lumingon sa pinto at hinintay ang nurse na papalapit sa kanila. She gave the baby to Karylle. Muli ay naluha naman si Karylle ng masilayan ang anak. "Ano pong pangalan ni Baby Doc?" The nurse asked habang ang isang kasama nito ay tinutulungan si Karylle sa pagpapa-dede sa bata. "David Alejandro Viceral." Vice said at pinanood ang mag-ina niya. "Okay. Sige. Pwede na po ninyong i-set ang bill nyo Doc. Para makauwi na po si Ate Karylle." Sabi ng nurse na kasamahan ni Karylle. Ng nagta-trabaho pa siya sa Hospital. "Karylle!" Tili ni Anne at patakbong pumasok. Kasunod nito ay sina Vhong,Buern,ang mga magulang nila pareho. Lahat sila ay lumapit kay Karylle. Kaya naman hindi makasingit si Vice para lapitan ang mag-ina niya. "Excuse me lang ha. Ako tatay ng batang yan. Tsaka Vhong,Buern. Wag kayo masyado tumingin. Nagpapadede sya oh. Lumayo-layo nga kayo." Sabi niya at hinawi sina Vhong na ikinatawa ng tatay niya. Umupo siya sa kama katabi ng anak niyang pinapa-dede ng asawa niya. He was just staring at his baby,sobrang natutuwa siya,nae-excite,sobrang saya. Halo-halo ang nararamdaman niya. "Anong pangalan ng apo namin?" Malambing na tanong ng tatay ni Vice. Tinapos ni Karylle ang pagpapa-dede at hinayaan niyang buhatin siya ng tatay Rey nila. "David Alejandro po dad. We name him after you and Vice." Karylle said and smiled. "Okay ka na ba anak?" Concerned na tanong ng nanay niya at hinawakan ang kamay nito. "Okay na po ako ma. Si Baby ho ang tignan nyo." She smiled at lumapit sa ama ni Vice. Masaya nilang kinausap ang baby na para ba itong sasagot. Both Vice and Karylle watch them. With happiness in their heart.
.
.
.
.
Their journey to love is never easy. Well all lovestory is not always like good. Lahat may pinagdadaanan. Ending na to sibs! Hahaha. Pasensya na sa lame na story. Naubusan na kasi ako ng idea. Maraming salamat sa mga sumuporta sa kwentong ito. Sana sa susunod na story ko ay suportahan niyo pa rin ako. I love you guys so much. Stay safe and Godbless.😊
YOU ARE READING
My Manyak Doctor
FanficA college student in her 20's is having her OJT in a Rural Health Unit in her own municipality. Bata pa lang ay nais na niyang maging nurse. While conducting her OJT,she met a Freshly Graduate Doctor. He's gay,freshly graduate pero matalino. Let us...