So mga kafated! Next! Hahahaha.
.
.
.
.
.
Vice
.
.
.
"Doc Vice!" Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko ang isang bata. Lumuhod ako para makapantay sya. "Bakit Xia?" Malambing kong tanong at hinawakan ang dalawang braso niya. "Andun po si ate. Pwede niyo po ba kaming samahan?" She asked. She has a heart failure at malala na iyon. The only way to save her is through heart transplant. It's been two months wala pa rin silang nahahanap na donor. She's been insisting na bagay daw kami ng ate niya. Si Grace. Maganda siya,sexy, mabait at mapagmahal,pero hindi ko siya gusto. Si Karylle talaga ang gusto ko. "Sige,tara na." Sabi ko at tsaka ko siya binuhat. Kahit labag sa loob ko,kelangan ko yung gawin para sa bata.
.
.
.
"Doc Vice,pasensya ka na sa kapatid ko ah." Pagkausap sakin ni Grace. Tulog na si Xia. Pero saglit ko siyang binantayan dahil kelangan umalis bg ate niya kanina. "It's okay. Naiintindihan ko naman eh." I said at tumayo na. Kelangan ko pa kasing mag-round. Bale may dalawa pa akong pasyente for today. "Salamat po sa pagmamahal na binibigay niyo kay Xia." Sabi niya at nilapitan ako. "It's okay. I also have a sister,i just see her kay Grace." Sagot ko at nginitian siya. Nagulat naman ako nung bigla niya akong yakapin. I did not respond dahil nga nagulat ako. "Doc---sorry. Sorry." Naitulak ko si Grace ng makita ko si Karylle. Halata ang gulat at pagkalito sa mukha niya. Agad ko siyang sinundan ng mabilis siyang lumabas. "Karylle. Karylle! Sandali!" I tried to reach her pero hinarang ako ng isang nurse telling me to check my patient. Mariin akong pumikit. "Sige,susunod ako." Matamlay kong sabi bago yumuko. I know that she will think na may something kami ni Grace. Pano pa ako aamin sa kanya? Argh!
.
.
.
.
Karylle
.
.
.
Patakbo akong pumasok sa Nurse's ward at inabutan si Anne na kausap yung dalawa. Mabilis akong umupo sa tabi ni Anne at sumubsob sa mesa. Dun na kumawala yung luhang kanina ko pa pinipigilan. "Huy,Karylle? Anyare?" Alalang tanong ni Buern sakin at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko at hinimas ang likod. "Oo nga sis. Teka,bibili lang kami ng pagkain. Mabilis lang to." Sabi naman ni Anne at tinapik ako sa balikat. Nang maramdaman kong kami na lang ni Buern ang nandun. Nag-angat ako ng tingin at umayos ng upo. "Oh,bakit ka ba kasi kuma-crylalu jan? May problema? Kelangan mo pera? Pautangin kita." Sabi niya na hinihimas pa din ang likod ko. I shook my head. "Eh ano nga bakla ka. Sige na,sabihin mo na." Sabi niya at pinunasan ang luha ko. "Kasi....kasi. Si Doc Vice,nakita ko k-kaninang nagyayakapan sila ng isang babae. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nasaktan,tapos,tapos.....naiiyak na ako kanina." Hirap kong sabi dahil sa paghikbi. Tumawa siya ng mahina. "Jusko. Hindi mo alam kung ano yang nararamdaman mo?" Eksaherada niyang tanong na tinaas pa ang kamay sa ere. Pero agad ding binalik sa likod ko. Humarap ako sa kanya at umiling. "Bakla ka. Inlove ka sis. Inlove ka kay Doc. Vice." Kumunot ang noo ko. "Ano? Hindi pwede yan." Giit ko at umiling-iling pa. "Gaga ka ba? Anong hindi pwede eh nararamdaman mo na nga. Nasaktan ka sa nakita mo kanina kasi gusto mo na siya. Nagseselos ka. Kasi you're thinking na sila. Hindi ba?" Napaisip ako. Yun ang iniisip ko. "So,kung mahal ko siya. At kung sila nga. Pano ako?" Pagkasabi ko nun at mas lalo naman akong naiyak. "Para kang tanga. Lika nga rito." Sabi niya at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik at sinubsob ang mukha ko sa balikat niya. Ilang sandali pa. Kumalas siya at hinawakan ang mukha ko. At nilapit sa mukha niya na tila ba hahalikan niya ako. "Di ka pa naman siguradong sila na diba? Malay mo natuwa lang yung babae. Malay mo guardian siya ng isang pasyente ni Doc. Vice at nagpapasalamat lang diba? Huwag ka ng mag-drama at hindi bagay sayo." Sabi niya at pinunasan ang magkabilang pisngi ko. Kung may makakakita siguro samin na papasok dito aakalaing naghahalikan kami,likurang banda kasi ni Buern ang pinto kaya di talaga makikita kung ano ginagawa namin. Tas ang lapit pa ng mukha niya. Ngumiti ako hinawakan ang kamay niya na nasa pisngi ko. "Tsaka,mahal ka naman namin nila Anne. Mahal kita." Sabi niya. I smiled. "Alam ko." Sabi ko. Tinanggal niya ang kamay niya sa mukha ko at lumayo. "Hayaan mo. Kapag sinaktan ka ng Baklang Doktor na yun. Jojombagin ko siya." Sabi niya kaya medyo natawa naman ako. "Alam mo bang ngayon ko lang na-realize na mahal ko siya." Bunyag ko. Akala ko magugulat siya pero,hindi. Nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha niya. "Alam ko. You never mentioned to us na may nagugustuhan ka. Siguro,naguguluhan ka pa. Kaya ayaw mo munang sabihin." Hula niya na tumama na naman. Tinanguan ko naman siya. "Oh Karylle, buti di ka na umiiyak. Binilhan ka ba ng Chanel na bag nitong si Buern?" Tanong ni Vhong na kakapasok lang kasama si Anne at may dala silang pagkain. "Che. Bat ko naman yan bibilhan? Di naman siya lalake." Pagsusungit naman ni Buern kaya natawa ako. Umupo si Anne sa tabi ko at pinilit akong ikwento ang dahilan ng pag-iyak ko. Halos mamula naman ako sa hampas niya habang sinasabi ko iyon sa kanya. "Dalaga ka na!" Paulit-ulit niyang sinasabi na may kasama pang tili. "Naks naman Karylle. Jowain mo na." Sabi naman ni Vhong pagkatapos ko magkwento. "Pero atin lang to ha. Walang magke-kwento. Kahit sa nanay ko. Anne." Banta ko at matamang tinitigan si Anne. Nagtaas naman siya ng kanang kamay sabay sabing "Promise sis." Gaya ng inaasahan ko. Hindi natapos ang pang-aasar sakin ng kaibigan kong si Anne. Dapat pala di ko na sinabi. Ipapahamak pa yata ako nito. "Ms. Tatlonghari!" Sabay-sabay naman kaming napalingon sa marahas na pagbukas ng pinto. Pumasok ang tatlong Nurse na sa ibang ward nag-stay. Lumapit sila samin at tila ba sila,teka. Galit? "Ms. Tatlonghari,umamin ka nga samin. Bakit ka kilala ng bebeluvs kong si Doc. Vice?!" Masungit na tanong niya at nag-cross arms pa. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Ilang beses ko na rin kasing napanood to sa nga K-drama. Hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang ng pizza. "Kinakusap kita?!" Bulyaw niya. "Opps! Hanggang diyan ka lang sis." Sabi ni Buern at naramdaman kong tumayo si Buern kaya lumingon ako. Lumapit pala sakin yung babae. "Layuan mo si Doc. Vice kung ayaw mong mapahamak." Banta nung babae bago naglakad papunta sa may pinto. "Layuan mo din si Karylle kung ayaw mong mapahamak ang trabaho mo." Seryoso namang ganti ni Buern. Medyo kinabahan ang babae at tila nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Syempre,Doctor si Buern at nurse lang siyang kagaya ko. Lumabas na sila kaya bumalik ako sa paglamutak sa pizza. "Gagang yun kala mo din naman pang-universe ang ganda!" Sabi ni Buern at umupo na sa tabi ko at kumain na din.
.
.
.
.
Vice
.
.
.
.
"Grace,pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko sa kanya pagkatapos kong ma-check si Xia. At tulog na. "Sige Doc." Sabi niya. Nauna na akong naglakad palabas,agad din naman siyang sumunod. Pagkalabas namin ay hinarap ko kaagad siya. "Grace,you have to find a heart donor. It's been two months. And I don't know until when can I fool her about us." Seryosong sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya. "Eh bakit kasi di na lang natin totohanin? Doc,mahal na kita. Unang beses pa lang kitang nakita,nagustuhan na kita." Sabi niya at lumapit sakin. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at mas lalong lumapit sakin. Tumingkayad siya at akmang hahalikan ako ng hawakan ko siya sa balikat niya at marahan siyang tinulak palayo. "Grace,pasensya ka na. But I don't feel the same way for you. I like somebody else. Lahat ng ginagawa ko sayo, it's because I care for your sister." Seryoso kong sabi. Kita kong lumungkot siya. "Well,ano pa nga bang ine-expect ko?" Tumawa siya ng mapakla. Tahimik lang ako. I can't say anything. "Sige. Salamat Doc. Inform ko na lang po kayo kapag may heart donor na." Sabi niya at pumasok na sa loob. I sighed at naglakad na rin paalis.
.
.
.
Naghahanda na ako para sa pag-uwi ko ng maisipan kong puntahan muna si Xia. Kaya naman,kinuha ko muna stethoscope ko bago pumunta sa room ni Xia. I slowly opened the door baka kasi tulog na. I heard Grace talking to her. I suddenly wanna hear what she's saying kaya walang ingay akong lumapit. Xia was sleeping and Grace was sitting beside her. Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya ako makikita. "Xia,sandali na lang. Pasensya ka na kung hindi ko pa sinasabing last month ka pa may heart donor. Akala ko kasi kapag pinagpatuloy namin ni Doc Vice yung pagpanggap namin na sweet eh magugustuhan niya din ako. Hayaan mo,one week more. Kapag wala talaga. Gagawin na natin ang surgery mo." Uminit ang dugo ko sa narinig ko. "So,you we're lying to us for one month already?" Mapang-uyam na tanong ko. Gulat siyang humarap sakin. "Doc?" Sabi niya. I let out a sarcastic laugh. "Mag-usap tayo sa labas." Madiin kong sabi at lumabas agad. Pagdating ko sa labas ay hindi ko mapigilang mapa-mura. What was she thinking?! She risk a life of a little girl just for herself?! Pagkarinig kong tumunog ang pinto ay hinarap ko kaagad siya. "Doc,sorry." Sabi niya at yumuko. "Sorry?! Ha?! Huwag ka sakin mag-sorry?! Mag-sorry ka sa kapatid mo! How could you do that to your own sister?! Alam mong napaka-risky ng sitwasyon niya. All we want you to do is to find her a heart donor. You've been fooling us for almost a month!" Bulyaw ko. May mga tao na ring tumitingin samin,pasyente at nurse. Pero wala akong pakealam. "Ginawa ko yun dahil mahal kita!" Sagot naman niya at nag-angat ng tingin. She was crying. "Fck that love! Hindi ko ginustong mahalin mo ako at maging selfish ka sa kapatid mo! You could have kill her! Paano mo naaatim na makitang naghihirap ang kapatid mo para lang sa sarili mo!" I hissed. Hindi siya sumagot at yumuko ulit. "Go get that donor. Pero pasensya na pero hindi na ako ang gagawa ng surgery ng kapatid mo." Pinal na sabi ko at umalis na. I heard her sob pero hindi ko na yun pinansin kahit sa totoo lang ay nagi-guilty din ako sa sinabi ko.
.
.
.
.
Karylle
.
.
.
.
Three months na din simula nung magkasama ulit kami ni Doc Vice. Hanggang ngayon siya pa rin ang gusto ko. At hanggang ngayon hindi ko pa alam kung gusto niya din ako. The past three months ay halos hindi kami magkausap. Nauso kasi ang Dengue at halos mapuno ang hospital sa dami ng pasyente. "Hoy babae. Bat hindi ka pa umuuwi?" Tanong ni Buern na nakatayo ngayon sa harap ko. "Ang daming kelangang gawin dito tas papauwiin mo ako?" Sagot ko naman. Pumikit ako at sumandal sa upuan ko. "Gaga ka. Buong gabi kang andito. Ni wala kang tulog. Kahit hindi mo shift kahapon at ngayon andito ka." Sermon niya kaya dumilat ako ulit at tinitigan siya. "Pagod na ako Buern!" Reklamo ko at yumuko. Ang sakit ng buong katawan ko dahil sa pagod at puyat. "O siya sige. Matulog ka na lang muna sa office namin ni Vhong. At least doon may sofa,kesa naman dito. Ako ng bahala kung pagagalitan ka ni Kalbo. Tara na." Sabi niya. Hindi na ako nagprotesta at tumayo na lang. Kumapit ako sa braso niya at sabay kaming naglakad palabas ng Nurse's ward.
.
.
.
.
"Oh Karylle. Nyare sayo? Para kang nagmovie-marathon ng isang linggo." Sabi ni Vhong pagkapasok namin sa office nila ni Buern. "Hay naku. Pagod to,tsaka puyat. Pano ba naman kasi hindi niya shift today tapos di umuwi." Sagot ni Buern. Pagkakita ko sa sofa ay bumitaw ako kay Buern tsaka patakbong lumapit sa sofa at pabagsak na humiga. "May kumot ka ba dyan Buern? Medyo malamig kasi eh." Tanong ko. Ewan ko ba. Kanina pa magulo ang pakiramdam ko. Malamig,tas mainit. Sobrang pagod lang siguro ako. Pagkatpos iabot sakin angieang pink na kumot ay umayos na ako ng higa at natulog.
.
.
.
.
Vice
.
.
.
"Doc na kay Doc. Navarro po yung X-ray. Kunin niyo na lang daw po sa kanya kapag kailangan niyo." I nodded at agad tumayo. I have to find out what's the problem sa lungs ng isang matanda. Dali-dali akong pumunta sa office nila. I really missed Karylle. Pero hindi ko siya matiyempuhan sa dami ng pasyenteng may Dengue na kelangan asikasuhin. Kumatok ako ng tatlong beses. Pagkarinig ko ng sigaw na Come in ay pumasok agad ako. I know them as Karylle's friends. Pero hindi ko sila close. Naglakad ako palapit sa table ni Vhong ng masulyapan ko ang natutulog na si Karylle. She looks so pale. Naawa ako sa itsura niya. Halatang pagod at puyat siya. "Uhm. Doc?" I snapped out of my thoughts nung tawagin ako ni Vhong. "Ah. Yes. Yung X-ray sana." Sabi ko at tumuloy sa table niya. He immediately gave it to me. "Thanks Doc." Sabi ko at tumalikod na. Muli kobg sinulyapan si Karylle ng mapansin kong medyo nanginginig siya. Kaya naman lumapit ako at sinapo ang noo niya. Mainit siya. "Doc. Navarro,do you have any soup here! Or kahit noodles." Tanong ko habang inaayos ang kumot ni Karylle. "She's having fever. Right?" Tanong ngisang unfamiliar voice. Ng tignan ko. Doctor din,siya yung isa pang nakita kong kasama ni Karylle. At agad kong naamoy na shokla din siya. "Naku. Wala na. Mabuti pa pauwiin na lang natin siya." Doc. Navarro suggested. "Ihahatid ko na kang siya." "I'll drive her home." Sabay naming sabi ni Buern. "Ako na. I know where she lives. And besides kaibigan niya ako." Buern said at tumabi sakin at hinaplos ang ulo ni Karylle. "Ako na. Kaibigan ko din naman siya. Pakibigay na lang saoin address niya." Giit ko. At puno ng pag-aalalang tinignan si Karylle. "Ako--" "Ahm Buern. Tara na. Doc. Vice here's the address. Tara Buern,labas tayo." Singit ni Vhong. Inabot niya sakin ang isang papel kung saan nakasulat ang address ni Karylle at hinira si Buern. He called him Buern. "Karylle. Bubuhatin na kita ah. Iuuwi na kita sa inyo. Ang taas ng lagnat mo." Sabi ko. Gumalaw siya, pero hindi ako sinagot. I just carried her at lumabas. Pinagtitinginan kami ng mga tao sa hallway. Pero wala akong pake. Chismiss niyo kung bet niyo. Balakayojan. Che. "V-vice?" I heard her whisper kaya tumigil ako saglit at nilapit ang mukha ko sa kanya. "Yes Ms. Tatlonghari?" I said. She can barepy open her eyes at hindi siya makqpagsalita ng malakas. "I-i missed you." Mahinang sabi niya. But i heard it clearly. Nilayo ko ang mukha ko at pinagpatuloy ang oaglalakad ko. Pagdating sa parking lot,nagpatulong ako sa guard na hapain at buksan ang kotse ko. Daha-dahan kong pinaupo si Karylle sa tabi ng Driver's seat. After thanking the guard ay pumasok na din ako sa kotse ko. I looked at her and hindi ko alam kung anong nagtulak sakin,pero bigla ko na lang hinalikan ang pisngi niya. I smiled. "I missed you too Ms. Tatlonghari. I freakin' do." Sabi ko at ini-start na yung kotse.
.
.
.
.
.
Hapoy monthsary sibs! Mahal ko kayo! Hahaha. Sensya nasa lame update. Pa-vote comment and follow sibs! Thanks!😁
YOU ARE READING
My Manyak Doctor
FanfictionA college student in her 20's is having her OJT in a Rural Health Unit in her own municipality. Bata pa lang ay nais na niyang maging nurse. While conducting her OJT,she met a Freshly Graduate Doctor. He's gay,freshly graduate pero matalino. Let us...