Chapter VII

1.1K 16 0
                                    

Karylle
.
.
.
"Salamat po for being good sa amin. Pasensya na rin po sa mga times na may pagkakamali po kaming nagawa." Sabi ko at tinignan silang lahat. Lahat ng employees ng RHU. It's our last day today,kaya we are saying our proper goodbye's. "Okay,since last day nyo naman na. Lilibre ko kayong lahat ng lunch." Napangiti naman kami yung ibang midwives tumili pa at pumalakpak.
.
.
.
"Buti na lang di sabay graduation natin. At least makaka-attend tayo sa grad. ng isa't-isa." Nakangiting sabi ni Russ sakin. "Tama ka." Sagot ko at nginitian din siya. I sighed. Next week,iba na. Gigising akong sa school na papasok at hindi dito. "Mami-miss ko dito." Sabi ko. Sumandal naman si Russ sa balikat ko. "Babalik din naman tayo dito eh." Sabi niya. Kaya natawa ako. "Sorry,pero nakapag-isip-isip ako na dumiretso na lang sa isang ospital pagkatapos ng graduation ko." Sabi ko kaya umayos siya ng upo at tumingin sakin. "Seryoso ka?" Tanong niya. I nodded and smiled apologetically. "Sorry I wasn't able to tell you earlier." Sabi ko. He smiled at hinawakan ang kamay ko. "Okay lang. Susundan na lang kita dun,pero dito muna ako." Sabi niya. Kaya ngumiti ako at niyakap siya.
.
.
.
Vice
.
.
.
Until how long Vice? Can you really endure it? Pagkausap ko sa sarili ko. "Arrghh!" I shouted at sinabunutan ang sarili ko at dumukdok sa table ko. "E-excuse me Doc?" Inangat ko yung ulo ko at napaayos ng upo nung makita ko kung sinong tumawag sakin. "Y-yes Ms. Tatlonghari?" Sabi ko at inayos ang buhok ko. "Ahh. Ito po pala,token po,galing po saming lahat." Sabi niya at inabot ang isang mug. It was personalized,may picture ako and my name. I smiled. "Thank you." Sabi ko. Tumango siya at palabas na when I called her. "K-karylle?" Humarap sya sakin. I stood up. "Bakit po?" I stared at her for a couple of seconds bago ako lumapit sa kanya at niyakap siya.
.
.
.
Karylle
.
.
.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang weird ng nararamdaman ko. At nag-iinit ung pisngi ko. I was clearly blushing. I didn't hug him back dahil sa gulat. Bumitaw sya at tinapik ako sa balikat tsaka niya binulsa ang kamay niya sa pantalon niya. I was still in the state of shock. He smiled. "Congratulations,and goodluck sayo." He said. I slowly got back to my senses at yumuko. "T-thank you po. Sige po." I said tsaka ako nagmamadaling lumabas. Pagkasara ko ng pinto. Marahan kong tinapik ang pisngi ko. Then I slowly rubbed my chest. My heart is still pounding. I shook my head at umalis na.
.
.
.
Vice
.
.
.
Pagkalabas ni Karylle ay huminga ako ng malalim. Pero napangiti din agad. I chuckled. "Ahh. Bakla ka. Para kang tanga." Sabi ko sa sarili ko. I chuckled again. I can't help it. "Ang tanda mo na bakla kinikilig ka pa." Payo ko sa sarili ko,pero nangingiti at natatawa pa din ako. "Hayy! I will surely miss her." Sabi ko at sumandal sa nakasarang pinto ng office ko.
.
.
.
.
.
.
One week later.
.
.
.
Karylle
.
.
.
"Congrats Russ!" I shouted at niyakap siya. Nauna yung Graduation nila samin,well,one day lang naman. "Naks, girlfriend duties kahit di pa girlfriend." Tukso naman ni Archie samin. "Sus. Sige na nga." Sabi ko at nilapitan din sya tsaka niyakap. Natawa naman siya pero gumanti din sa yakap ko. "Ambait din naman ng crush ko oh." Sabi niya. "Hoy!" Sabi Russ at hinila ako palayo kay Archie. Natawa naman ako sa kanila. "Charot lang naman! Napaka-patola neto!" Sagot ni Archie at inirapan si Russ. "Oh. Doc Vice?" Sabi niya kaya napalingon kami sa likuran namin ni Russ. I feel awkward ng makita sya. He was wearing a white longsleeves na pinatungan niya ng black coat. As well as his pants and a black shoes. Very formal. "Sorry I came late. Di ko tuloy nai-abot yung certificates niyo in person." Sabi niya kay Archie. "Okay lang po. At least dumating kayo." Sagot naman ni Archie. "By the way. Congratulations to the both of you. Asan pala yung isa niyong kasama?" Tanong niya at tumingin sa paligid. "Ay. Ewan ho namin Doc. Salamat po ulit." Archie said.  Doc Vice offered  a handshake sa kanilang dalawa. Walang alinlangan itong tinanggap ni Archie. When it was Russ's turn. They looked at each other seriously bago ito tanggapin ni Russ. "We request the graduates to come up stage for the picture taking." Sabi ng isang guro. "Tara na sis." Sabi ni Archie at hinila na si Russ na hindi na naituloy ang dapat ay sasabihin sakin. "Bukas ikaw naman. What time ba magsisimula ang program niyo para di ako ma-late ng dating gaya ngayon." Sabi sakin ni Doc Vice. Tumingin ako sa kanya. He was looking at the stage. "A-ah. 3:00 pm po." Sabi ko at tumingin din sa harap. I saw Russ,he was looking at us kaya kumaway ako at nginitian siya. He smiled back at tumingin na sa photographer. "Okay." Sabi niya. Tahimik lang kami hanggang sa bumalik na ulit sina Russ at Archie.
.
.
.
.
"Sige. See you tommorow." Paalam ko kay Russ. He drove me home,kagagaling lang kasi namin sa bahay nila for his celebration. Kumaway ako sa kanya bago pumasok sa loob ng bahay. Pagkasara ko ng gate. Narinig ko na rin ang paglayo ng sasakyan niya. I took a deep breath. Russ is such a good person. Sobrang bait niya and he cares so much for me. Pero,wala akong nararamdaman sa kanya. I don't know either kung papano ko sasabihin sa kanya na kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Ayokong masaktan sya. Pero ayoko na rin siyang umasa. Ang hirap naman! Walang gana akong naglakad papasok sa bahay.
.
.
.
.
Vice
.
.
.
"How did it went?" Umupo ako sa kama at hinubad ang sapatos ko. "It went well. Even if late ako ng dating." Sagot ko kay Shane na kasalukuyang kausap ko sa phone. "Dapat sinama mo kasi ako eh. Baka may mga girls na magkagusto sayo. Mahirap na." Sabi niya,i unbuttoned my longsleeves and removed my pants. Leaving only my boxers. "Ano naman kung meron. Di naman kita jowa." Sagot ko at kinuha ang tuwalya ko sa closet. "Grabe ka naman. Lantaran talaga pagpaparamdam at pagpapakita mong hindi ka interesado sakin." She said with sadness in her voice. "Shane, it's not my fault. Ikaw naman kasi tong habol ng habol. Una pa lang diba sinabi ko naman na. Na hindi kita gusto. Sige na. I have to take a bath na." Paalam ko and ended the call. Then a reminder popped on my notifications.  '17 hours before Karylle's graduation'. Yep,i set up a reminder every 2 hours para di ako ma-late sa graduation ni Karylle. I threw my phone sa kama at ngumiti bago pumunta sa banyo para maligo.
.
.
.
Karylle
.
.
.
"We may now award this certificate and a gold medal to Ms. Amiel Karylle Tatlonghari for her participation and excellent performance during her OJT at San Emilio Rural Health Unit. To be awarded by Doctor David Joseph Viceral." Tumayo siya at umakyat sa stage and lined with the principal and some of the college teachers. Rinig na rinig ko naman ang bulungan ng mga kaklase ko. Na kanina ko pa naririnig simula nung dumating siya.
'Huy. Ampogi ah.'
'Grabe ang bata niya at ang guwapo.'
'Balita ko bakla yan.'
'Para namang hindi.'
'Ang guwapo oh.'
Ilan lang yan sa mga sinasabi nila. Napangiti naman ako at tumayo na rin. "Congratulations Ms. Tatlonghari." Sabi niya tsaka niya inabot sakin ang certificate sakin at sinuot sakin ang medalya. "Thank you po." Sabi ko at nakipag-kamay sa kanya. I was about to leave the stage ng harangin ako ng MC. "Teka lang. Doc,mayroon ka bang pabaon na message for Ms. Tatlonghari?" Nagulat ako kasi,bakit? Yung iba wala. Bat sakin meron? I looked at Doc. Vice with a 'what-look'. Ngumiti lang naman siya at lumapit sa MC at inabot ang Microphone. Tumingin siya sakin at nagsalita. "Well. I wanna say congratulations sayo Ms. Tatlonghari,wishing you well sa lahat ng gusto mo pang gawin. Specially sa board exam mo. Dapat first take pa lang pasado na ah. And also,wag ka ng matakot sa mga malalaking sugat okay? Take care of your future patients. But don't also forget to take care of yourself." Sabi niya. Naghiyawan naman yung mga kaklase ko. I don't know whether to smile or just keep my face blank. Mas lalo namang lumakas ang hiyawan ng lumapit siya at niyakap ako. "Di ba ako invited sa celebration mo?" Tanong niya habang yakap ako. I can't open my mouth dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. "I'll wait for your invitation after this." Sabi niya at mahinang tumawa saka bumitaw sa yakap. I just smiled at sabay na kaming bumaba sa stage.
.
.
.
Vice
.
.
.
"Salamat po ulit sa pagdalo sa graduation namin." Karylle's professor said and offered a handshake. I accepted it at nginitian siya. She excused herself dahil picture taking na daw. "Pwede ba tayong mag-usap." I looked at my back and saw Russ standing with a serious face. I smiled. Dahil siguro sa sinabi ko kanina. "Sure. Tungkol saan ba?" Sagot ko. Kitang-kita kk sa mukha niya ang galit at selos. Tumalikod siya at naglakad. I followed him,hanggang sa tumigil siya. Tumingin ako sa paligid and realized na lumayo kami sa mga tao. "Diba sinabihan na kita? Pasensya ka na kung hindi kita ginagalang pero halos isang taon lang ang tanda mo sakin. Pero ano yung ginawa mo kanina?" Seryosong tanong sya. Nagkibit-balikat naman ako. "They asked if I have something to say. Eh meron akong sasabihin eh. What's wrong with that?" Sagot ko at tinignan din siya. He smirked. "Bakit kelangan may yakap? Diba sabi ko naman sayo,na pigilan mo yang nararamdaman mo dahil akin siya at----" "Why? Umamin na ba siya na gusto ka rin niya? Hindi pa naman diba? Kaya wag mo siyang angkinin as if she's yours. Kasi hindi mo siya pag-aari." Putol ko sa sasabihin niya sana. Nagulat siya at tila napaisip sa sinabi ko kaya bahagya akong ngumiti. "Bakit ikaw,gusto ka rin ba niya?" Balik-tanong niya. Binulsa ko yung kamay ko sa frontpocket ng pantalon ko. "Edi quits tayo. Parehas lang naman nating hindi alam diba? Kaya galingan mo. Dahil magsisimula na rin ako." Sabi ko at nginitian siya bago tumalikod at naglakad pabalik kung saan ginaganap ang program. I smirked at nilapitan si Karylle na kausap na ngayon ang mama niya. 'Let it begin.' Isip ko at nginitian si Karylle and her mom. "Hello po tita." Bati ko at nagmano. "Hello din Doc." Sabi niya and smiled. "Tita. Hello." Sumingit naman si Russ at nagmano din sa mama ni Karylle. "Ay hello din sayo. Oh tamang-tama,pauwi na kami. Sumama na kayo at ng matikman niyo naman ang handa nitong si Karylle." Her mom offered. Ngumiti ako at bumulong kay Karylle. "I guess I won't wait for your invitation na. Mama mo na nag-imbita eh." Sabi ko at tumawa. "Sure po tita. Tara na po." Sabi ko. Masayang naglakad ang mama ni Karylle habang nakasunod kami. Russ held my wrist and stopped me. Di naman yun napansin ni Karylle kaya hinayaan ko na siyang sabayan ang mama niya. "I accept your challenge. Siguraduhin mo lang na ikaw talaga ang gusto niya. Baka mapahiya ka." He said at nauna ng naglakad. I chuckled and shook my head. 'I can feel it. I won't regret this.' Bulong konat sumunod na.
.
.
.
.
So tiyaga muna mga mahal kong kapatid. Hahaha. Yan lang kinaya ng utak ko eh. Haha.
Vote and comment na din. Salamat!😁

My Manyak DoctorWhere stories live. Discover now