Phenomenal: Seven

60.8K 5.1K 575
                                    

Day 5 out of hospital

I was in the middle of brushing my teeth this morning and talking to Mamala in the bathroom kitchen when Shane came right into the door. It's barely six in the morning and he's right there, standing at the foyer with his running shoes, shorts, and sweatshirt and sweaty hair.

"Aga aga ah," puna ko habang nagsisipilyo, white froth dripping from my chin.

Nagmano siya kay Mamala saka umupo sa counter at naghanap ng makakain. Akala mo talaga bahay niya 'to. "Nag-aya kapatid mo na magbiking."

Tumigil ako at agad nagmumog at naghilamos. "Sama ako!"

Tiningnan niya ako na parang ewan, his nose scrunched up, his thick eyebrows furrowed, habang ngumunguya ng cookies na galing sa glass container.

"Pwede pa ang bike ko 'dyan."

"Baka mapagod ka lang," sabi ni Shane pero hindi ko na siya pinapakinggan kasi paakyat na ako ng hagdan.

Pagbaba ko nakabihis na ako ng pang biking. Red running shoes, black leggings and navy blue shirt. Nasa living room na din ang masungit kong kapatid, wearing a bright yellow rubber shoes.

"Malayo ang pupuntahan namin. Baka magpauwi ka lang 'pag napagod ka," simangot niya.

"Kasing-layo ng hindi mo pag-abot sa crush mo?" pang-aasar ko na nakataas pa ang kilay.

"Kasing layo ng pagkakaroon mo ng boyfriend."

Hahabulin ko sana siya para sapakin pero nagmadali siyang lumabas sa living room. Tahimik lang na tumawa si Shane bago kami sumunod sa labas.

Nagbiking kami buong umaga sa village. Medyo nahirapan akong gamitin ang itim kong bike dahil ilang months din siyang hindi nagamit.

Lumabas kami sa village at dumaan sa kagagawang daan at naglibot sa kalapit sa baranggay. It was still early in the morning. The sun just risen and I don't have to worry about being outside too much.

Hinihingal ako, yes. There were times I had to stop to catch my breath. Shane said it wasn't a good idea na isama ako. But I did love it, biking that morning.

I love how the first rays of the sun touches my sweaty skin or how the sunshine slips through the houses and the trees. I love seeing the grass and wild flowers on the side of the road and the nearby empty fields at the north part of the village.

There are times I would close my eyes to feel the crisp morning air against my face and the sunshine behind my eyelids. The thing about being sick, it makes you appreciate the smallest things.

Huminto kami sa basketball court ng village. My brother started shooting hops with a random ball left behind on the court. Sinamahan siya ni Shane sa ilang minutong laro bago siya bumalik sa kinauupuan ko, hinihingal.

"Iba na talaga 'pag tumatanda," puna ko nang umupo siya sa tabi ko sa damuhan.

Nagpunas siya ng pawis gamit ang maliit na towel na dala niya.

"Napag-isipan mo na ba? May irereto ka na ba sa'kin?" tanong ko.

Sinilip niya ako mula sa towel sa kanyang mukha. "Seryoso ka pala doon?"

I gave him a deadpan look before rolling my eyes.

"At sa'kin ka talaga nagrequest." Nagpatuloy siya sa pagpupunas ng pawis at ng buhok.

"Distract yourself." Ngumiti ako ng mapang-asar. "Malay mo makahanap ka din ng lalake-"

Binato niya sa mukha ko ang basa niyang twalya. Ew!

***

Something PhenomenalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon