Phenomenal: Six

62.4K 5.2K 748
                                    

Day 4 out of hospital

I was waiting for Shane to answer the call while painting my nails with black and red nail polish on my bed. All black with a red ring finger. Maingat na maingat ako sa ginagawa habang paulit ulit na pinipindot ang screen ng phone kapag hindi siya sumasagot.

Nang matapos ko ang isang kamay humiga ako sa kama at tinaas ang kamay ko para makita ang resulta. Not bad.

Sumagot si Shane and I tap the loudspeaker button para pwede kong ipagpatuloy ang ginagawa habang kausap siya.

"Where are you?" tanong ko habang ang isang kamay naman ang pinipinturahan.

"Driving." And indeed I could make up the silent purr of his car and his hollowed voice. Siguro ay pauwi na siya galing intership. "Bakit? May ipapabili ka?"

"Hanapan mo ako ng boyfriend."

Narinig ko ang ingay ng preno ng sasakyan na akala ko noong una naaksidente na siya. "Hoy? Buhay ka pa?" tanong ko.

"What the fuck, Gab! 'Wag mo akong kinugulat habang nagda-drive." Sabog ang boses niya sa speaker.

"Ano ba'ng nakakagulat sa sinabi ko? Hanapan mo ako ng boyfriend."

I heard him say something under his breath. Did he curse? Did he sigh? The silent purr continued and I know he's back on driving.

"Bakit mo biglang naisip? Takot ka bang maging forever alone?" Ngayon nakakapagbiro na siya.

"Wala lang," binalik ko ang atensyon sa nails ko.

"Naasar ka sa kapatid mo? Nagbibiro lang si Iñigo."

Umiling ako kahit hindi niya nakikita. "I just wanna get a boyfriend before I turn twenty two."

This time, I heard him sigh. Loudly. Na para akong bata na nagpapabili ng laruan na hindi ko kailangan. "Minsan talaga ang sarap mong iuntog sa pader."

Wow ah. "Ang cute mo, sarap mong tusukin ng isang daang karayom," bawi ko.

I heard his familiar chuckle from the speakers. "Pag-isipan ko."

"Na tusukin ka ng karayom?"

"Na hanapan ka."

Sumimangot ako nang matapos ang tawag. Pag-isipan? Ganoon ba ako kahirap hanapan ng boyfriend? Pinag-isipan ko ang sarili kong tanong and realized Shane has a point. Am I pretty? No. Do I have a good personality? Also no.

***

Something PhenomenalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon