KABANATA 12

4.3K 145 18
                                    

Lucky POV

"Mamang pogi..diyan nalang sa tabi" para ng pasahero ko.

"Nako ma'am bawal pong magbaba ng pasahero dito mahuhuli po ako ng traffic enforcer" paliwanag ko at naghanap ng pwdeng pagbabaan niya.

"Ay gonan ba sige sa puso mo nalang ako baba haha" biro niya sakin.

Tumawa nalang ako ng pakunwari. Transwomen nga pala siya.

"Ilang taon kana mamang pogi?" Tanong niya.

"Ah eh 21 po ma'am" sagot ko

"Hmm... Mag kasing edad lang pala tayo. Single ka?" Tanong niya ulit.

"Ahhmm. Opo maam hehe" Huh! Pakiramdam ko ang init sa loob ng kotse kahit may aircon naman

"Mahaba ba?" Biglang tanong niya na ikinagulat ko. Napapreno ako at tumalsik naman siya papunta sa passenger seat .

"Aray ko naman mamang pogi dahan dahan naman kagagawa palang nitong mukha ko" sabi niya.

"Sorry po ma'am may tumawid po kasi bigla" palusot ko. Nagmaneho nako ulit at sawakas nakahanap nako ng pagbababaan niya

"Dito na po maam. Pwde na po kayong bumaba dito" sabi ko at nilingon siya.

"Ay ganon how sad naman. Paki tulungan mo nalang akong ibaba yung mga dala ko" paguutos niya. Binaba ko ang mga gamit niya at tyaka kinuha ang bayad niya.

"Salamat po ma'am ingat kayo" paalam ko sakanya.

Sumakay ako ng kotse at nagmaneho ulit ng mapansin kong paubos narin pala ang mga kalamay na dala ko.

Nagustuhan ng mga pasahero kaya yung iba ang daming binibili. Mabuti nalang at naisip ko tong ginitong gimik.

May nakita akong isang magandang babae na nakasuot ng pormal kaya agad kong itinigil ang minamaneho ko,ang dami naman niyang dala puro papel at may kahon pa.

Bumaba ako ng taxi at tinulungan siyang isakay ang mga dala niya.

"Ahm. Saan po tayo maam?" Tanong ko sakanya. Inayos niya muna ang damit niya dahil nalukot ito bago sumagot

"Dynamica Corporation paki-bilisan nalang dahil may hinahabol akong oras" paguutos niya. Bakit ang tao ang hilig maghabol ng oras sila nga hindi naman magawang habulin jk haha.

Pinaandar ko na agad ang sasakyan at nagsimula ng mag maneho medyo malayo ang kumpanyang sinabi niya. Pero bawal tanggihan ang mga pasahero dahil the costumer is always right. Baka maireklamo pako mahirap na.

Sinusulyapan ko siya sa salamin "Bakit may dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya. Seryoso siya magsalita kaya medyo naiilang ako sakanya.

"A-ah h-hindi na-naman po maam" utal kong sagot. Tumikhim muna ko at nagsalita ulit " Napansin ko po kasi na medyo marami kayong dala dala" napataas siya ng kilay.

"Hindi naman po sa nagmamarunong ako pero sa itsura niyo po kasi ay halatang mayaman kayo, nagtataka lang po ako kung bakit nandon kayo sa gilid ng kalsada habang may daladalang mga gamit ng mag-isa lang" paliwanag ko.

"Nasiraan ako" tipid na sagot niya. Hindi na ko nagsalita ulit dahil baka masungitan pa ako.

"Andito na po tayo maam" pagpaalam ko at nilingon siya.

"Ipasok mo sa parking lot" utos niya.

"Ha? Eh bawal po kasi ang mga taxi sa parking lot ng building na ito, baka po masita ako" paliwanag ko. Nabasa ko kasi ang nasa karatula salabas.

"Basta pumasok ka nalang akong bahala sayo, isa ako sa mga stakeholders dito kaya wala kang magiging problema" paninigurado niya.

Tinapakan ko na ang gas at pumasok sa loob ng parking lot. Inihinto ko ang kotse at tinulungan na siyang ibaba ang mga gamit niya.

The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon