Elena
Nandito kami ngayon sa dagat kasama ang girlfriend ko at ang mga idol ko kasama ang manager ng idol kong si Ms,Everlyn, naiwan ang bestfriend ko sa dalampasigan ng dahil sa nangyari sakanya hindi ko naman gustong masaktan siya ng ganon pero kasi kanina pa namin sila pinapanood ni Isabella at alam na alam kong may something sa kanilang lahat lalu na sa magkakapatid. Kaya yon lang ang paraang naisip ko para malaman kung tama ba ako
Lesbian ako kaya alam ko kung ano ang inaakto ng isang babae kapag nalalapit siya sa taong gusto niya. Alam ko hindi dapat ako nag iisip ng ganon dahil baka mali ang pakiramdam ko pero unang tapak ko palang sa bahay ng mga Farella may something na akong naramdaman lalu na ng makilala ko pa ang magkakapatid na Farella kaya mas lumakas ang kutob ko at alam ko din na hindi lang ako ang nakakaramdam non lalu na sa nangyari kanina mababakas ang concerned sa mga mukha nila at nagpaunahan pa silang lumapit sa kabigan ko. Sabihin niyo ng nag aassume ako pero malakas talaga ang pakiramdam ko kaya aalamin ko pa yon
"Babe balik lang muna ako don samahan muna muna dito sina idol" paalam ko sa girlfriend ko tumango naman siya at naglakad nako papunta sa pwesto ng kaibigan ko
"Bestfriend" bungad ko sakanya sinamaan niya naman ako ng tingin
"Gago ka wag lang lumapit sakin" Sabay hagis niya sakin ng bimpo nasalo ko naman ito at sinabit sa beach chair at umupo narin sa katabing upuan niya.
"Sorry na bestfriend may gusto lang naman akong patunayan eh" paliwanag ko
"At dinamay mo pako sa kayabangan mo, kung gusto mo palang may patunayan edi sana ikaw ang sumalo ng bola" Galit parin siya sakin
"Sorry na kasi patawarin muna ko" pagmamakaawa ko sakanya at kunwari ay nalungkot pa
"Tss. Oo na gago ka"
"Haha okay na sana eh minura mo pako, anyway anong tingin mo sa Farella sisters?" Out of the blueng tanong ko. Tumingin siya sakanila
"Hmm. Okay naman sila"
"Pambihira okay lang ang sasabihin mo!" Sigaw ko sakanya. Hindi kasi ako makapaniwala sa sinabi niya like what the Fuck ang gaganda at ang sesexy ng nasa harapan namin ngayon tapos okay naman sila lang ang maririnig ko sakanya
"Bakit ano bang gusto mong sabihin ko? Na magaganda sila? Sexy?" Sarkastiko niyang mga tanong
"Oo haha" sagot ko sakanya
"Asa" sagot niya naman.
"Alam mo ba kanina napansin ko na iba kung mag-alala sayo ang magkakapatid na Farella umamin ka nga sakin bestfriend may something naba sainyo ng magkakapatid nayan?" Tanong ko sakanya habang nakatingin parin sakanila na naliligo sa dagat
"Wala" tipid niyang sagot
"Hindi ako naniniwala"
"Edi wag kang maniwala tss." Sungit din nito eh no
May masamang ideya nanaman tuloy akong naisip "may sinabi sakin si Sophia" pagsisinungaling ko napatingin siya sakin "Ang sabi niya gusto karaw niya" mukang hindi naman siya nagulat sa sinabi ko. Mukang totoo nga yata pero hindi pako nakontento dahil dinagdagan ko pa ang kasinungalingan ko
"Pati narin si Ms,Augustina ang sabi niya sakin may gustorin siya sayo wag mong sabihing wala kang pinili sakanila" Sabay tingin ko sakanya. Lumikot naman ang mga mata niya. Hmm. Tama nga ako
"Hindi ko kailangang mamili ng isa sakanila dahil wala akong balak na sirain ang magkakapatid" boom huli ka ngayon
"So tama nga ako sinasabi ko na nga ba kaya pala ganon nalang sila mag react na dalawa kaninan, kung nakita mo lang ang mukha nila sobra silang nag-alala sayo pero ang pinagtataka ko lang pati si Ms,Violet at Ms,Everlyn ay nag alala din sayo. Hmm."
BINABASA MO ANG
The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG)
General FictionHindi ako makapaniwala sa nasasaksihan ko ngayon. Kinusot ko ang mga mata ko to see if what I've seeing right now is true. And YES it's f*cking real! Farella sisters are in front of me! Gosh ang mga idols ko kaharapan ko mismo ngayon! Mga bakla pwd...