Lucky
Ngayon na ang araw ng alis namin sa bahay ng mga Farella June 29 20** ang isa sa pinaka masakit na tagpo sa lahat, napakaraming ala-ala sa bahay na ito na hindi ko makakalimutan dahil minsan lang sa buhay ko na magustuhan ng nag gagandahan at hindi ordinaryong babae, ang mga babaeng nagmulat sa mga mata ko na hindi pwdeng mag isa ka nalang habang sumusulong ang panahon, dahil kadugo mo man sila o hindi maari mo parin silang maging pamilya
"Handa kanaba bestfriend?" si Elena nga pala ang sundo namin, nakahanap narin ng bagong driver ang pamilya Farella kaya hindi ko na iisipin pa kung sino ang magmamaneho sakanila
Tumango ako sakanya bilang sagot at tuluyan na kaming pumasok ng kapatid ko sa kanyang kotse, makakauwi nako sa dati kong tirahan sa lugar kung saan hindi man gaano kalakihan ay may naiwan din namang alala na mula sakanila. Nakarating kami sa bahay at tinulungan ako ni Elena na ibaba ang mga gamit namin, dala ko ang lahat ng ibinigay nila sa kapatid ko kaya malaking pasasalamat ko narin at binigyan ako ni maam pinckey ng bonus sa paglilingkod sakanila.
"Kaya mo nabang bitbitin yan hanggang sa loob ng bahay niyo o gusto mo tulungan na kita?" Tanong niya
"Kaya ko na to, sige na at baka hinahanap kana ni tita"
"Okay sige, pero kapag kailangan mo ng tulong text mo lang ako ah" bilin niya.
"Sige ako ng bahala" at sumakay na siya sa kotse niya, bubuksan ko na sana ang padlock ng bahay ng wala akong makitang padlock sa may pinto, dahan dahan kung binuksan ang pinto at nagulat ako dahil may isang babaeng tumambad sa loob ng aking bahay at nakaupo ito sa may sala......paanong?........
Abangan sa book two....
_____________________
A/N: Sana nagustuhan mo ang storya ni Alexander^_^
See you next time!
Maraming salamat sa mga sumupporta simula dulo hanggang umpisa! Kayo ang nagbibigay buhay sa bawat kwentong napupublish ko. Thank you so much!!🥰🥰
BINABASA MO ANG
The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG)
General FictionHindi ako makapaniwala sa nasasaksihan ko ngayon. Kinusot ko ang mga mata ko to see if what I've seeing right now is true. And YES it's f*cking real! Farella sisters are in front of me! Gosh ang mga idols ko kaharapan ko mismo ngayon! Mga bakla pwd...