KABANATA 4

5K 164 1
                                    

----------------

Ilang araw na simula ng makakilala ko sina Sophia at Ellis,yung sa 7/11.

Makalipas ang ilang araw nayon ay nag-iba ang pakikitungo ng mga kapit bahay ko sakin. Kung dati ay tinatawag nila akong Unlucky (malas) ngayon ay tinatawag na nila ako sa pangalan ko. May kumakalat kasi na balita na girlfriend ko daw si Sophia at baka sa susunod na araw ay wala nako dito sa baryo namin.

Kapag naririnig ko ang mga kapit bahay ko napapatampa nalang ako sa noo, sa totoo lang ako ang nahihiya sa mga sinasabi nila.


Nahihiya ako baka malaman ito ni Sophia, at baka akalain niyang nagpakalat ako ng maling balita sa kabutihang ginawa niya.

"Oy Lucky! Tol!" Sigaw ni Elena.


Nandito kami ngayon sa mall dahil gusto niya daw manood ng beauty pageant. Nandito raw kasi ang idol niyang si Everlyn Juliet bayon? ewan ko kung sino siya pero idol daw siya ng kaibigan ko. Hindi ko nga alam na mahilig pala ang isang ito sa mga beauty pageant.

"Ano nga ulit ang gagawin natin dito maliban sa pamboboso mo sa mga contestant na kasali sa pageant nato?" Tanong ko sakanya.

Naghahanap siya ng upuan kung saan malapit daw sa mga hurado, baka daw kaso mapansin siya ng idolo niya na si Everlyn daw.. Ang dami kong daw, siya lang kasi nakakaintindi ng mga sinasabi niya.

"Grabe ka naman bestfriend mamboso talaga? Hindi ko ugali yon noh! May girlfriend ako kaya sakanya lang ang mga mata ko." tinignan ko naman siya ng walang emosyon. Chosera.

"Teka mamaya muna nako sungitan pwde?" sabay hila niya sakin sa bakanteng upuan.

Umupo na siya habang ako naman nakatayo parin, kaya hinila niya nalang ako bigla at napaupo naman ako. Tang*na nito pwde naman niyang sabihin na uupo na pala nanghila pa.

Binigyan ko siya ng isang sapok sa ulo. Kaasar eh.

"Napaka sadista mo talaga kahit kailan Alexander" Angal niya sakin at yung unang pangalan ko pa talaga ang ginamit niya.

Bibigyan ko pa sana siya ng isa pang kotong kaya lang umiwas siya at hinawakan ang dalawa kong kamay.


"Ito naman hindi na mabiro hehe. Siya nga pala pagkatapos nito ililibre kita ng makakain natin"


"Aba dapat lang! Pagkatapos mokong hila-hilahin dito sa mall, paghintayin ng pagkatagal-tagal. Sobrang aga pa nating pumunta dito eh alas dyes palang pala nagbubukas ang mall nato, sa susunod talaga ay hindi mo nako mahihila pa punta sa walang kwentang bagay nato." banta ko sakanya. Ang init init pa naman sa labas kanina. Wala pa kaming dalang tubig o kahit pagkain manlang.

"Hala bestfriend grabe ka naman sa walang kwentang bagay." sabay pout niya.  "May kwenta itong ipinunta natin dito, dahil nandito ang nag iisang Everlyn Juliet Farella. Alam mo bang isa siya sa mga sikat na modelo dito sa bansa at sa buong mundo?! Kung hindi mo naitatanong nanalo din siya noong nakaraang linggo sa Ms Goddess sa italia! ITALY yon bestfriend ha, ITALY!!"

The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon