Chapter 44

528 12 20
                                    

It's been two weeks since nagising ako mula sa pangyayaring iyon, I'm still shocked and curious about it. At dalawang linggo narin ako pabalik balik sa ospital para alagaan si John, hindi pa siya nagigising simula sa nangyari.

Sabi ng doctor, ang daming dugo raw ang nawala sa kanya, same with Klein. Dalawa silang patuloy na natutulog hanggang ngayon. We thought na nabaril lamang si Klein ng isang beses, gaya ni John dalawang beses din siyang nabaril.

I'm always praying na, sana magising na sila. I touched my tummy, medyo may kalakihan na rin.

"Wake up now, miss ka na ni Baby," I touch his cheeks, I miss him so much. I'm longing his touch also, hindi ako nakakatulog if hindi ko niaamoy ang damit niya.

Umiiyak ako tuwing gabi, napapanaginipan ko minsan na hindi na siya magigising. Hinahanap hanap ko ang breakfast na mga luto niya, kaya kapag wala ay iiyak lamang ako.

I put his hand on my tummy. "Ayan, malaki na ang tyan ko. Nakakaasar ka, wala akong mapaglihian." Ngumuso ako at nagsimulang umiyak na naman.

Hormones!

Napapahid ako ng luha ko nang biglang bumukas ang pintuan, pumasok ang kaibigan ni John.

"Good news, Julee!" Nagmamadaling lumapit sa akin si Benjamin kaya binatukan siya ni Sam, napatawa ako ng mahina.

"Guess what?"

"Ulol, sabihin mo nalang," at binatukan ulit siya ni Francis.

"Aray ha, kanina pa kayo ha!" Sinamaan niya ng tingin ang dalawa, na parang wala namang pake sa kanya. "... hmp nagtatampo na ako sa inyong dalawa, bahala kayo diyan. So back to you Julee, gising na si Klein!"

Nanlaki ang mata ko. "Talaga?" Tumango naman siya kaya lumabas ako at sumunod sila, humahangos akong dumating sa kwarto ni Klein.

"Fuck, bakit mo ginawa yon?"

"Gago akala namin patay kana,"

"Tanga, hindi mamatay yan. Ang masamang damo matagal mamatay."

"Hindi pa nga ako nagkaka asawa mamatay agad? Tangina niyo din e ano?"

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila, nanlaki ang mata ni Klein nang makita ako. Lumapit ako sa kanya, kaya nginitian naman ako ng mga kaibigan niya bago sila umalis.

"Masakit pa?" Tinuro ko yong sugat niya sa beywang. Tumango naman siya at napabuntong hininga.

"Are you hurt?" Umiling ako, hindi ako nasaktan dahil sila ang nasaktan para sa akin. Yong dapat na sa akin ay sinalo nila.

"How's your baby?" Napangiti ako sa tanong niya.

"We're okay, ang lakas nga nang kapit niya sabi ng doktor." Pagkwekwento ko sa kanya. "... ninong ka ha? Wag mong tatakasan to tuwing pasko, lagot ka sakin." Napatawa siya ng mahina kaya napatawa din ako bago naging seryoso ulit.

"Salamat Klein, mula noong na kidnap ako hanggang ito. Hindi ko inakalang ikaw "yon, dahil sayo buhay pa ulit ako. Pasensya kung hindi tayo nagkaroon ng matagal na samahan ha? Umalis ka kasi kaagad sa school and then ito din ang nangyaring trahedya. Thanks for saving my life and also my baby's life." I sincerely said. Naikwento kasi sa akin ni Sam ang ginawa niya.

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan. "Kung mauulit man ang trahedyang yon, ganon pa' rin naman ang gagawin ko. I'll save your life and I won't regret saving yours than mine."

Binatukan ko siya sa sinabi niya. "What?"

"Siraulo ka ba? You don't need to risk your life for me, our life is precious. Wag mo nang uulitin yon ha? Hindi mo ba iniisip ang sarili mo? Ako kaibigan mo lang, yang buhay mo isang beses lang yan---" he cut my words.

She Is The Gangsters WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon