Chapter 22

704 19 0
                                    


Halos ang bigat ng mata ko, 'yong ulo ko din. Tapos ang laki ng itim sa ilalim nang mata ko, mugto din siya. Uwaaaaah! Anyare to my precious face? Sana pala di nalang ako umiyak kagabi pero kasi di ako makatulog tuwing naalala ko ang mga sinasabi niya.

Nandito padin kasi ang kirot sa puso ko, aaminin kung sobrang dinamdam ko yung mga sinabi niya sakin. Masisisi niyo ba ako e first time kong makarinig ng ganong mga salita from him.

It's 5:21 am gusto ko nang maligo pero tinatamad ako pero no choice din dahil kailangan kong maligo.

Nang matapos ako ay dahan dahan kong binuksan ang kwarto ko, sinilip ko din sa kabilaan baka kasi andon si John, pero ano naman gagawin niya?

Sabagay wala naman siyang pake sakin.

Bumaba ako sa hagdan at nag tungong kusina, wala na don yung binili ko para sa kanya siguro tinapon niya sa labis na pagkainis sakin.

Di na ako nagluto nang pagkain wala din namang kakain ng lulutuin ko. Umalis na ako ng walang paalam o note na nakalagay doon, alam naman niyang may pasok ako.

Habang naglalakad hindi ko maiwasang magtaka the way he react kagabi, parang may mali? Ano bang mali sa pag uwi ko kagabi? Ni hindi niya naman kasi ako kinontact tyaka inaya ko siyang lumabas ayaw niya naman diba? Tapos ako pa itong mali.

Nang nakalabas ako sa subdivision ay naghintay ako ng taxi na dadaan papuntang school, well may pera pa akong natira.

Nakatingin lang ako sa sapatos ko ng may bumusina sa harap ko. "

"Julee right? Pinsan ni John sabay kana sa 'kin."

Binigyan ko siya ng nakakatakang tingin? Pero yung loko nginitian ako? Sino ba' to? Feeling close? Pinsan ni John? Wait sa pagkakaalam ko barkada lang ni John tumawag sakin ng ganyan.

"Waaaah, nakakainis ka naman kinalimutan mo name ko." nag pout pa ito sa loob ng kotse niya. Seryoso? Di ko talaga maalala, yung naalala ko is tatlo sila non.

"Sorry di talaga kita maalala," sinimangutan niya ako at inirapan? Sakalin ko kaya to?

"Arghhhh whatever, si Francis 'to sobrang poging fancis na kaibigan ni John secret lang natin ha? Alam mo naman baka mag selos si Sam , makakaganti na din ako." mukha siyang ewan sa ginagawa nya, parang gusto kong mapa face palm.

"Ah okay, Francis?" bored na tanong ko.

Baka ma late pa ako sa super mabait na teacher namin ngayon. Alam niyo na yung sobrang mabait na teacher namin sa science tapos adviser na si Sir Demonyo ay este Dimanya.

"Barnes, sakay na malate kapa e," okay? Barnes barnes barnes akala ko barney. Napahagikhik ako saaking mga naiisip.

"Pinagtritripan mo ba surname ko? Sumbong kita kay mama ko e." napahagikhik padin ako cute niya pala.

"Hindi ah hindi naman," kahit ngayon ko lang siya nakasalamuha feeling ko ang gaan ng loob ko sa kanya.

Siguro dahil malungkot ako kagabi at ngayon siya itong nagpapasaya sakin?

"Stop laughing, nakakainis ka." Pinilit kong mag seryoso at umayos nang upo. Tumingin ako sa bintana ng kotse niya medyo malapit na kami sa kanto na binabaan ko.

"Dito nalang ako." Humarap ako sa kanya at kinonutan ako nito ng kanyang nuo.

"Ha? Ang layo pa kaya, doon kana bumaba sa parking lot. Delikado dito baka anong mangyari sayo." nginitian ko lang siya.

"Dito nalang ako Francis, thank you sa ride. See you next time."

Nang tumigil ang kotse ay bumaba na agad ako.

Mag proprosista sana siya pero pinigilan ko siya gamit ang iling ko.

After all kabarkada siya ni John, at ayaw kong magka issue na sumakay ako sa sasakyan nila.

Nilakad ko lang since medyo malapit lang naman, hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kagabi, parang isang malaking joke ang nangyari.

Aaminin kung natakot ako sa anong gagawin niya na hindi makapagpigil sa akin, natatakot ako since kaming dalawa lang baka mauwi sa kwarto------- what the frog! Anong iniisip ko?? Ang harot mo hindi kapa nga legal!

Nanlalaking mata at namumula ang aking pisnge ng tingnan ko sa cellphone ko. Grrrrr, aamin ko mag asawa kami pero never namin ginawa yun!

Neverrrrrr, tyaka may girlfriend siya isang malaking kalandian yan!

"Beeeeeeeeeeeeepppppppppppp"

Nilamon nang kaba ang dibdib ko pag tingin ko sa likuran ko ay may sasakyan. Parang tumigil ang mundo ko, umawang ang aking mga labi. Mamatay na ba ako? Ito naba ang araw ko? Ito naba ang resulta ng pag isip ko ng madudumi kanina?

Halaaa! Wala na, goodbye mommy, goodbye daddy. I will miss you al-----


"Gaga! May plano kang magpakamatay?" Nabalik ako sa aking diwa ng batukan ako ni Cassy?

Oo ni cassy, wengyang babaeng to kinabahan ako don, to the highest point na parang lilipad na yung heart ko.

"Bakit ka ba bumubusina nang malakas!" Singhal ko at sinimangutan ko siya.

Nameywang ito sa harap ko. Inirapan muna ako ng kanyang mga mata "Hoy bruha! Kung di kita na recognize baka isipin kong isa kang temang dyan...." tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Wow nakakahiya naman.

".... na naka uniform duh, tama bang parang wala ka sa pag iisip habang naglalakad sa kalsada? Paano kung nasagasaan ka!" Here we go again, is she John 2.0? Sermon sa gabi, sermon sa umaga.

"Di ko man alam kung anong rason at parang baliw ka, sumabay kana sa kotse ko." Inirapan muna ako nito bago tinalikuran, aba't!

Sumimangot akong pumunta sa kotse niya. I open the door sa unahan ha baka magmukhang driver si Lola cassy niyo at sakalin ako.

"Next time makita kitang naglalakad mula sa kanto, uuwi na ako sa bahay niyo ni John." Seryoso ang mukha nito habang sabi niya 'yon.

Hala alam niyang mula noon doon na ako bumababa?

"...Wag kanang magtaka paano ko nalaman shempre nakita ko kayo."


Tumahimik nalang ako sa byahe. Nang makarating sa parking lot ay pabalibag niyang sinirado yung pintuan kaya napapiksi ako.

"Cas-----"

She cut my words. "Go to your class now, I have something to discuss with someone important."

Alam kung seryoso siya, napaenglish kasi e.

Nalungkot ako na may mas importante pa pala sa akin na pinsan niya? And who's that someone' nakakatampo tuloy ako.

Tinalikuran niya ako kaya tumalikod nadin ako, pagtalikod ko doon lang pumasok sa isip ko na...



















































"DAMNNNNNNNNN I'M LATE!!!!!"









To be continued..

She Is The Gangsters WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon