Chapter 17

703 21 0
                                    

UWIAN na. Ito ang pinaka the best being elementary, highschool, college student. Ay meron pa pala BREAK TIME! Pero shempre para sa 'kin is uwian kasi makakasama ko naman siy--- ay este para maka prapare ako para sa next lesson bukas.

Inayos ko ang gamit ko at ready ng umalis.

"John, masyado ka naman atang sweet." Narinig ko sa lobby. John? Andito pa pala siya.

"It's too dangerous for you." Sa iba nagawa niyang maging concern pero sakin wala lang. Okay, stop thinking too much Julee.

"Still I can manage. I'll call you when I get home. Bye I love you. Don't use cellphone while driving okay?"

" Take care." I suddenly feel pang in my chest. This girl was lucky to have John in her life. I bitterly smile.

Umalis na ako don at lumabas na sa building.

Naglalakad ako ngayon papuntang gate ng may bumusina sa likod ko. Napahawak ako sa aking dibdib sa labis na kaba. The heck Julee magpapakamatay ka ba?

"What the hell! Dammit I almost bump you! Are you dumb?!"

Ako pa ngayon ang tanga? Look who's talking. Napairap ako at humarap sa kanya

Para pa siyang nakakita ng multo. Why? He didn't expect na ako? Sabagay ni hindi niya nga ako manotice parati e.

"What?" Tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya.

Wala, wala ako sa mood makipag usap sa kanya. Kahit ngayon lang ata pwede akong mag maldita sa kanya?

"I don't like repeating my questions."

"Okay." Tinalikuran ko siya pero narinig ko siyang nagmura.

Why? Hindi niya ba inexpect ulit na tatalikuran ko siya? Ang kapal naman ata ng apog niya na parati akong nagpapakumbaba.

Kung pwede nga lang isumbat sa kanya ang mga paghihirap ko per--- wait? Para nading sinusumbat ko ngayon ah? Kaya nga lang sa isipan hindi mismo sa harap niya.

"I'm talking to you. Don't you dare turn around when I'm asking you." He said calmly. Dahil tinupak ako ngayon subukan natin ang pasensya mo.

"Malay ko ba kung ano tanong mo." Nakabusangot na ang mukha ko ngayon for sure. "... At isa pa, wag mo nga akong pag aksayangan ng oras mo. Doon ka sa girlfriend mo, kainis." At iniwan ko siyang nakakunot dahil sa inasta ko.

Hindi ako nagseselos! Bakit ako magseselos, wala namang kaselos selos sa kanila nang girlfriend nya. Wait? Bakit ang defensive ko!? Argh! Baka isipin non na nagseselos ako. Ghad ano ba yong kahibangan ko.

Dali dali akong pumara ng tricycle at ng nasa subdivision na ako ay dali dali akong tumakbo sa gate. Ngunit nang mamataan ko ang sasakyan nya ay nataranta ako.

Bigla ko nalang binuksan ang main door at nakita ko siya sa peripheral view ko na nakaupo siya sa sofa pero di ko siya pinansin. Sa halip ay dumiretso ako sa kwarto at binagsak ang pintuan ng malakas.

Nababaliw na ata ako? Jusko ano ba itong nangyayari sakin? Nakakainis!

"Argh! Nakakabwesit!" sigaw ko. Wala akong pake kong marinig niya.

Kinuha ko yong phone ko ng biglang. Ni add niya na ako dati, kaso dahil naasar ako ni unfriend ko ulit siya. Hindi ko alam bakit naasar ako sa kanya!

John Gotti sent you a friend request.

Ayan ang lumabas sa notification ko! nanlaki ang mata ko hindi ako makapaniwala. Dali dali kong ini accept. At ito pa! Bigla nalang tuwing papalit nang dp, o mag share o status siya e lumalabas din sa notification ko! Ano ba! Facebook tae!

Biglang lumitaw sa taas ng messenger ko.

'John Gotti is active now.' Ghad nanadya ba itong social media!? Kagigil.

Hinagis ko sa kama yong phone ko. At nahiga katabi nito. Napabuga ako ng hangin.

Ano itong nararamdaman ko?!

Matutulog na sana ako ng tumunog yong cellphone ko. Chat from messenger.

John Gotti
•active now

Get out.

Waahhhh!? What? Whatt!! At bakit niya ako pinalalabas? Wala akong ginawang katarantaduhan! jusko hindi ko ata kaya?

John Gotti: In just 5 seconds.

Shet! Napatalon ako at binitawan yong phone ko. Ayokong lumabas bahala siya dyan. Kinuha ko ulit yong phone ko. Na seen ko pala messages niya hehehe.

John Gotti: Try me woman. Try me.

Wala pa din akong pake, sineen ko lang at pinatay na yong phone ko. Pero sadyang bwenibwesit ako ng social media.

John Gotti updated his status. Just now

Pinindot ko ito.

John Gotti

'Patient J. Patient.

Just now. Public.
117likes. 23comments. 5shares

Patient? Para saan to? Ahhh siguro para sa girlfriend niya. Pinikit ko ang aking mga mata. Pagod ako. Nakakapagod. Kasabay ng pagpikit ko ng aking mata ay ang pagkatulog ko ng mahimbing.

-------

She Is The Gangsters WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon