chapter 37: i love you

8 2 0
                                    


Jess POV

Nakatayo si jess habang nakatingin sa mukha niya habang abala na inaayos ang itsura.

It's being 5 month simula nung nanligaw si ace sa kanya. Hindi naman nabigo ang binata sa pagpapasa kay jess.

Pinaparamdam ni ace na si jess ang pinakamagandang babae sa mundo. Every day hindi mo mabilang kung ilang beses sinabi ni ace si jess na maganda ito at napakaswerte si ace na nakilala niya ang isang tulad ni jess.

Hindi pumapalya sa pagaalaga si ace kay jess, every morning. Pupunta ang binata kay jess para lang gisingin ito at paghanda nang pagkain. Every breaktime, hinahanap ni ace si jess para lang makasabay kumain. At sa gabi, pupunta sila sa mamahalin na resturant para kumain.

Araw araw din binibigyan ni ace si jess nang bulaklak. Hindi iniisip ni ace kung gaano kamahal ang binibigay niya kay jess kasi mas worth it si jess kaysa sa pera na natatanggap niya sa parent niya.

Kaya makikita sa mukha ni jess na kontento na siya sa piling ni ace kaya binabalak na niyang sagutin ang binata.

Lahat nang pangarap niya na gawin sa kanya nang lalaki ay ginawa na sa kanya ni ace. Lahat - lahat. Akala niya wala nang lalaki ang gagawa nun sa kanya at sa panaginip na lang niya makikita ang ganong klaseng lalaki pero nagkakamali siya.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ni jess at tinignan ang kanya kabuohan.

Naka crop top siya na kulang yellow habang may design na 69 sa likod habang naka high waist short siya na kulay light blue. Naka white shoes siya.

Ngayon ay inimbitahan siya ni ace na pupunta sa mall para manood nang sine kaya nagdala rin siya nang jaket na kulay black.

Sa totoo lang ay kay ace itong jacket na dala niya. Bigay ito ni ace sa kanya nung pumunta siya sa bahay nila.

Kahit nanliligaw pa lang si ace sa kanya ay dinala na siya ni ace sa bahay Nila at pinakilala sa magulang nito kahit na magkakilala na sila.

Tanggap siya nang magulang nila at gusto pa nga nila na sagutin na niya ang binta kaya ngayon tutuparin niya ang gusto nang magulang nito.

Napatingin siya sa pintuan nang bigla siyang nakarinig nang iilang katok. Napangiti siya dahil doon.

Pagkabukas niya ay doon ay nakita niya si ace na may hawak nang bulaklak. Sunflower ito.

Nakasuot ito nang yellow tshirt at gaya sa akin ay may nakasulat ding 69 sa likod nito.

Hindi katulad nang iilang lalaki na pinagbabawalan na magsuot nang maiikli na damit. Si ace ay 1st fan niya mga gustong damit niya. Mismong si ace ang bumili nito. Supportadong manliligaw si ace sa lahat nang nais ni jess lalo na sa gusto nitong damit.

" hi gorgeous " nakangiting inabot ni ace ang bulaklak sa akin.

" hi handsome " nakangiti ko naman siyang inakap.

" let's go? " tanong niya sa akin habang hinawakan ang kamay ko.

" wait " lumayo ako sa kanya at kinuha ang handbag at jacket ko.

Nakangiti naman ako lumapit sa kanya. Nang nalock ko na ang pintuan ay sabay na kami pumunta sa elevator.

Habang nasa sasakyan kami ay nakahawak ang kanang kamay ni ace habang ako ay nakatingin lang sa labas. Nageenjoy ako sa ano mang meron sa amin ni ace.

Nauna ako bumaba dahil ipa-park pa daw ni ace ang sasakyan. Pumasok na ako sa mall at medyo nagiikot habang hinihintay siya.

Paliko na sana ako nang may mabungo ako. Gulat na gulat ako tumingin sa babaeng nasa harapan.

May dala itong inumin na galing sa Starbucks nagkataon naman bukas ang iniinom niya kaya halos mangalahati iyon dahil natapon ito sa puti niya damit.

" WHAT THE H*LL!?! " sigaw niya sa akin na nakaagaw nang pansin nang ibang tao

" sorry sam hindi ko sinasadya " paumanhin ko ay kumuha ako nang tissue sa bag ko.

Lilingon na sana ako para ibigay yung tissue pero pagkaharap ko lang ay kita ko kung paano niya isaboy sa akin yung natitira sa iniinom niya.

" BOBO KA KASI AT ANG TANGA PA! YOU DESERVE THAT BITCH! " sigaw niya at naglakad na paalis. Nasangga niya pa ako na muntikan pa akong mapaupo sa subrang lakas.

Napatingin ako sa nasa paligid ko. Madaming nanonood sa akin habang nagbubulungan. Yung iba naawa sa nangyare sa akin, yung iba nagulat sa nasaksihan at yung iba naman ay mahinang tumatawa habang nakatingin sa akin.

" shit jess, anong nangyare " napatingin ako sa nagsalita sa likod ko.

Tinanggal ni ace ang jacket niya at linagay iyon sa harapan ko. Naiiyak ako lumapit sa kanya at hinagkan siya. Nahihiya ako sa nangyare. Pinaka ayaw ko yung nakukuha ko yung pansin nang madaming tao dahil sa katangahan ko.

" let's go bibilhan na lang kita nang damit. " nakayakap pa rin ako habang naglalakad kami.

Mga ilang sandali ay pumasok kami sa forever 21. Dumiretso kami sa mens wear at doon ay kumuha siya nang dalawang tshirt.

Pumunta kami sa cashier at binili niya yun. Pagkatapos nun ay pumunta kami sa fitting room. Nung nandoon kami ay humarap siya sa akin.

" magpalit ka na at magpapalit na rin ako " nakangiti niya akong tinignan.

" bat pati ikaw magpapalit din " tanong ko sa kanya.

" para couple shirt tayo, dali na " nakangiti niya ako tinulak sa isang fitting room.

Pagkapasok ko doon ay narinig ko naman yung pagbukas nang pinto sa kabila.

Tinignan ko yung tshirt na kinuha ni ace. Isa itong black tshirt na may design na mukha ni michael jackson at iba pang 80's or 90's thing

Sinuot ko iyon at lumabas na ako pagkatapos. Nakita ko si ace na naghihintay sa akin. Kagaya sa akin ay ganon din ang suot niyang tshirt.

Nang makita niya ako ay nginitian niya ako at magkaholding hands na umalis. Masaya kami naglibot sa mall at nanood din kami nang movie.

Nang magtatanghali na ay kumain kami sa jollibee at inubos namin ang oras namin sa pamimili nang kung ano man nagustuhan naming gamit.

Nang malapit nang maggabi ay pumunta kami sa labas nang moa Seaside. Pinanood namin yung paglubog nang haring araw.

Tahimik namin iyon pinanood at habang Magkahawak kami. Masaya ako dahil natupad yung gusto ko na pumunta dito sa seaside nang moa kasama ang boyfriend ko.

Tumingin ako sa kanya. Kitang kita ko ang mukha niya na perpekto. Yung mukha nang taong minamahal ko at mamahalin ko.

" I love you " bulong ko at dahil nagiba agad ang ekspresion niya Ay alam ko narinig niya yun.

Pinagkasunduan namin na once na mag i love you ako sa kanya ay ibig sabihin na nun ay sinasagot ko na siya. Nalaman niya kasing nahihiya ako sa part na sasagutin na yung manliligaw.

" ano sabi mo? " gulat na tinignan ko siya.

Tinanguan ko lang siya habang nakangiti. Sinandal ko ang baba ko sa balikat niya habang nakatingin sa kanya subrang lapit na nang mukha namin pero wala akong naramdaman na hiya dahil sa nagdaang buwan ay nasanay na ako na ganon kalapit ang mukha ko sa mukha niya.

Comfortable na ako sa kanya. Hindi ako sanay na hindi ko siya nayayakap at nakikita ang mukha niya parang di ko kaya na matapos ang araw sa buhay ko na wala siya.

" oo ace sinasagot na kita. " nakangiti ko siyang tinignan.

" i love you " malambing ko siyang hinawakan sa mukha.

Ramdam ko ang tingin nang ibang tao pero hindi ko yung binigyan nang pansin at binigay ko ang buong pansin sa lalaking katabi ko.

" i love you too jess " parang iiyak na siya sa itsura niya.

Napatawa naman ako nang mahina dahil sa itsura niya.

I really love this man.

hopeless romantic girl meet cold guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon